MICAH'S POV SA TULONG ng isang private investigator, inalam niya ang lahat tungkol kay Dani. Pagak siyang natawa nang mabasa ang report na binigay ng private investigator. Hindi siya makapaniwala. Danica Bonifacio, 26 years old. Nag-iisang anak ng dating Senador na si Danilo Bonifacio. Pinanganak at lumaki sa bayan ng Batangas City. Tinignan niya ang iba pang larawan ni Dani. He chuckled. So, she's really beautiful then why on earth she pretended to be ugly? Sinadya ba talaga nito magpanggap para lokohin siya? Bakit ito nag-apply bilang sekretarya niya? F*ck! Marahas niyang hinagis ang hawak na folder. Hindi siya makapaniwala nabilog nito ang ulo niya. s**t! s**t! Huminga siya nang malalim. Ikababaliw niya yata ang kakaisip kung bakit nagsinungaling si Dani sa kanya, kung bakit siya

