DANICA POV KAAGAD siyang nagtungo sa Black Club nang may tumawag sa kanya na naroon si Micah at sundin na raw niya ang asawa. Sa ilan araw na hindi nito pag-uwi ay labis-labis ang pag-aalala niya. Inisip nga rin niya na baka sa sobrang sama ng loob nito ay maghanap ito ng babae. Napabuntong hininga siya. Alam naman niyang may pagkakamali siya. May kasalanan siya, kung bakit ba naman kasi hindi niya agad inamin doon pa lang mismo sa Black Club na siya iyon na nakilala niya two years ago. Balak naman talaga niyang aminin kaso may kung anong masamang hangin ang nagtulak sa kanya na magpanggap bilang Nica. Ayan tuloy nagkanda letse-letse na sila ni Micah. Marami siyang nais ipaliwanag kay Micah, gustong-gusto niya marinig nito ang paliwanag niya. Kung kinakailangan makiusap siya ay gagawin

