
Si nancy ay lumaki sa bahay ampunan, ulila ito ng lubos at wala ng kamag-anak pa. Lumaki siya sa ampunan na halos labing limang taon, natuto siyang magbasa at sumulat kahit pa na hindi siya nakapag-aral, masaya ang buhay nito sa piling ng mga madreng kumupkop sa kanya, ngunit isa lamang ang hinahangad ni nancy sa buhay upang mabuo ang kanyang pagkatao. At iyon ay ang magkaroon ng ama`t ina. Pinangarap niya iyon sa matagal na panahon, bawat mga magulang na tumutungo roon ay hinihiling niyang ampunin sana siya. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito nagkaroon ng swerte kaya`t naghintay ito sa tamang panahon. Isang araw, dumating na ang pinakahihintay ni nancy. Dumating doon si Ruiz Vegas na isang kilalang mayamang tao sa mundo, kasama nito ang kanyag asawa na si Brenda Vegas na naghahanap ng babaeng maaampon. Sa kabutihan ng kapalaran kay nancy ay nagustuhan siya ni brenda, nagkaroon ng masayang araw si nancy ng makasama niya ang dalawang mag-asawa. Nagdesisyon silang isama na pauwi si nancy upang tuluyan ng maampon ng legal. Umaapaw ang kagalakan sa sistema ni nancy ng makauwi sa malaking mansyon ng mga vegas. Hindi mawari ang pakiramdam nito habang inililibot niya ang mata sa paligid, ngunit sa isang pwesto ay nabaling ang kanyang paningin, isang lalakeng may madilim na awra ang nakatingin sa kanya. Wala siyang ideya na may lalakeng anak ang mga umampon sa kanya, at ang lalakeng iyon ang siyang magpapabago sa masaya niyang araw.
