Talia POV Tahimik ang bahay pag-uwi namin. Hindi yung komportableng tahimik—kundi ’yung katahimikang may pagitan. May espasyo sa gitna namin ni Kael kahit magkatabi lang kami sa sala. “Umupo ka muna,” sabi niya. “Kukuha ako ng tubig.” Tumango ako. Naupo ako sa sofa, parehong kamay nakapatong sa tiyan ko. Sanay na akong ganito, inuuna ang bata. Parang reflex na. Pagbalik niya, may dalang baso at maliit na lalagyan ng vitamins. Inilapag niya iyon sa mesa sa harap ko. “Inumin mo ’to,” sabi niya, maingat ang tono. “Masama kung mapuyat ka.” “Salamat,” mahina kong sagot. Pinagmasdan niya akong uminom, parang checklist na tinatapos. Nang matapos ako, tumayo siya. “May tatawagan lang ako,” sabi niya. “Work.” “Okay,” sagot ko. Umakyat siya. Naiwan ako sa sala—mag-isa, kahit technically hi

