Kael POV May meeting ang Seven Pillars, pero hindi kumpleto. Hindi kasama ang mas bata sa amin. Sa close meeting na iyon, kami lang ang naroon: ang Presidente ng Pilipinas, si Damon, Miguel, Rhenan, si Senator Rossi, ako… at siyempre, si El Viejo. Mabigat ang usapan. Pinag-uusapan namin kung paano makukuha ang isang lupain sa Aurora. May proyekto ang Seven Pillars doon, isang malaking development. Tourist spot sa harap, pero sa likod nito, may mas praktikal na layunin: waste management, extraction ng resources, at kontrol sa paligid. Lahat ay plano na. Isang problema lang, ayaw pumayag ang may-ari. Si Arturo. Ayaw niyang ibenta ang lupa. May sarili rin daw siyang plano. At sa mundong ginagalawan namin, ang ayaw ay isang sagabal. Tahimik lang si Damon. Miguel ay nagmamasid. Si Rhenan

