Kael POV Pagdating ko sa bahay, tahimik ang paligid. Ramdam ko agad ang pagod ng buong araw, ang meeting, ang mga plano, ang bigat ng mundong ginagalawan ko. Pero sa kabila ng lahat, iisa lang ang nasa isip ko. Si Talia. Inabot ko ang mga bulaklak at prutas kay Aling Gina. “Pakipasok na lang sa loob,” sabi ko. “Ako na ang mag-aabot.” Nakita ko siya sa sala, nakaupo, may hawak na libro pero halatang hindi nagbabasa. Nang marinig niya ang yabag ko, tumingala siya. “Kael,” sabi niya, bahagyang nagulat. Lumapit ako at inabot sa kanya ang bulaklak at prutas. “Para sa’yo.” Nanlaki ang mga mata niya. “Para saan?” “Para sayo” sagot ko, simple pero totoo. “Wala namang okasyon. Pero sa asawa kong naghihintay. " Ngumiti siya, yung ngiting tahimik, yung hindi nagpapanggap. “Salamat.” Umupo a

