Talia POV “Gusto mo bang sumama sa akin sa office?” tanong ni Kael. “Para makalabas ka rin. Half day lang naman ako, tapos date tayo.” “Talaga?” natuwa kong sabi. “Nakakainip din naman sa bahay.” Kaya masaya akong naligo at nagbihis. Pinili ko lang ang simple pero maayos, komportable, pero presentable. Paglabas ko ng kwarto, napatigil si Kael. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, parang may gustong sabihin pero pinipili ang salita. “Ang ganda naman ng misis ko,” malambing niyang sabi. “Buti na lang nakilala kita.” Umirap ako—pero may ngiti. “Bolero.” Tumawa siya at inalok ang braso niya. “Tara na.” At sa simpleng lakad palabas ng bahay, ramdam ko na hindi lang ito basta pagsama sa office, isa itong araw na pinili naming magkasama biyahe pa lang, masaya na ang pakiramdam ko.

