Talia POV Hindi na niya ako tinanong. Pagkatapos ng site visit, diretso niya akong inalalayan papunta sa sasakyan niya. Pilit kong inalis ang kamay niya sa braso ko pero mas humigpit lang ang hawak niya. “Kael, kaya ko na,” mahina kong sabi. “No,” putol niya. “You’re seeing a doctor.” “Sir—” “Kael,” giit niya, nakatingin sa akin. “Not at the office. Not here. And not after what just happened.” Tahimik ang biyahe. Ramdam ko ang tensyon sa loob ng kotse, parang bawat segundo ay mas bumibigat. Nakatingin lang siya sa daan, pero alam kong galit siya, hindi yung galit na sumisigaw, kundi yung mas delikado: tahimik. Pagdating namin sa clinic, bumaba siya agad at binuksan ang pinto ko. “I can walk,” sabi ko. “Humor me,” sagot niya. Pero ang tono niya, wala nang puwang para tumanggi. Sa

