Talia POV Tahimik ang clinic. Masyadong tahimik para sa kaguluhang nasa isip ko. Nakaupo ako sa maliit na upuan, mahigpit ang kapit sa bag ko habang hinihintay na tawagin ang pangalan ko. “Miss Benitez.” Tumayo ako, parang biglang nanghina ang mga tuhod ko. Pumasok ako sa loob ng consultation room. Ngumiti ang doktor sa akin, kalmado, parang normal lang ang lahat—samantalang para sa akin, parang dito na magdedesisyon ang buong buhay ko. “So, you had a positive home test?” tanong niya. Tumango ako. “Yes, Doc. Twice.” “Okay. Let’s confirm it.” Habang ginagawa ang test, pakiramdam ko ay tumigil ang oras. Nakatingin lang ako sa kisame, pilit na hindi iniisip ang mukha ni Kael. Ang mga tanong ko,paano, kailan, bakit—naghalo-halo sa isip ko. Ilang minuto pa, bumalik ang doktor hawak ang

