Talia POV Maaga akong nagising—o mas tamang sabihin, halos hindi talaga ako nakatulog. Siguro dahil ito ang unang araw na kami lang talaga ni Kael sa iisang bahay. Walang bisita. Walang magulang. Kami lang. Pagpunta ko sa kusina, nadatnan ko sina Aling Gina at ang anak niyang si Rhoda. Abala na silang dalawa sa pagluluto, tila ba matagal na silang gising. “Ay, Ma’am, ang aga niyo pong nagising,” sabi ni Aling Gina. “May kailangan po ba kayo?” Umiling ako. “Wala naman po. Akala ko lang kasi puwede akong tumulong.” Ngumiti siya. “Ay naku, hayaan niyo na po kami.” Tumango ako at nagpaalam. Balak ko sanang magluto kaya ako maagang nagising, pero mukhang may nakatoka na pala sa kusina. Mas aagahan ko na lang siguro bukas, sabi ko sa sarili ko, para makatulong ako. Paglabas ko ng kusina,

