Talia POV Nakalipat na kami ni Kael sa bahay niya. Simple lang pero malaki, presko, at maaliwalas. May apat na kuwarto, at nakahanda na rin ang kuwarto para sa baby namin. May kuna na, may mga laruan, at malambot ang ilaw, parang pinag-isipan talaga ang lahat. “What do you think?” tanong ni Kael habang nakangiti. “Nagustuhan mo ba? Kung may ayaw ka sa bahay, puwede nating ipabago.” Napalingon ako sa kanya, alanganin. “Ha? Bakit ako ang tinatanong mo? Bahay mo naman ’to.” Napatawa siya at umiling. “Bahay natin,” sagot niya. “Mag-asawa tayo, remember?” dagdag niya bago tumalikod. Hindi ko napigilang mapansin ang saya sa mukha niya. Parang gaan na gaan ang loob niya, parang may inaabangan. Parang wala kaming pagtatalo base sa kilos niya. “Sa wakas, masosolo na kita,” sabi niya na may p

