Talia POV Habang nasa loob kami ng sasakyan, bigla akong nagulat nang dahan-dahang ihinto ni Kael ang kotse sa gilid ng daan. Tahimik. Mabigat ang hangin. “Talia,” seryoso niyang sabi, hindi pa rin nakatingin sa akin. “Kailangan nating mag-usap. Ayoko ng ganitong sitwasyon, na parang nagkakailangan lang tayo. Parang laging may pader sa pagitan natin. Hinihingi mo sa akin ang space, hindi puwede. Mag-asawa tayo. Sa oras na pumayag kang magpakasal sa akin, pumayag din ako sa’yo. Dapat ginagampanan natin ang pagiging mag-asawa.” Huminga ako nang malalim bago sumagot. “Kael,” mahinahon pero diretso kong sabi, “naging mag-asawa lang tayo dahil sa bata. Walang pag-ibig sa atin. Kaya ano bang gagampanan natin? Yung katulad ng ibang mag-asawang nagmamahalan?” Bigla siyang napalingon sa akin.

