Talia POV Dumaan muna kami sa isang high-end restaurant at doon na kumain. Tahimik ang lugar, masyadong tahimik para sa dami ng gustong sabihin ng dibdib ko. Paulit-ulit niya akong tinatanong kung ano ang gusto kong kainin, parang doon lang siya sigurado. “Gulay lang siguro,” sagot ko sa huli. Tumango siya, agad nag-order. “Kael,” lakas-loob kong sabi habang hinihintay ang pagkain. “Puwede naman tayong hindi na magpakasal. Wala kang obligasyon sa akin. Sa bata na lang.” Mabilis siyang napatingin sa akin. “Hindi,” mariin niyang sagot. “Ikakasal tayo. Nakaplano na ’yon sa parents natin.” Huminga siya nang malalim, halatang may pinipigilang galit. “At mali. Mali dahil hindi mo muna sinabi sa akin. Takot ka bang takbuhan kita? Gano’n ba tingin mo sa akin?” Sandaling tumigil, saka malami

