Chapter 2 The Day Everything Hurt Again

940 Words
Talia POV Gusto ko nang umalis. Gusto ko nang takasan ang kahihiyan, ang sakit ng ulo, at ang presensiya ng lalaking ’to na parang may alam tungkol sa akin na ako mismo ay hindi ko maalala. Pero tuwing susubukan kong dumaan sa kanya, haharang siya—kalma, matatag, at parang siya ang may-ari ng kuwarto. “Pwede ba? Papalabas na ako,” inis kong sabi, pilit inaayos ang hair ko habang hinahawakan ang strap ng bag. Hindi siya gumalaw. Hindi man lang kumurap. Nakatitig lang siya sa akin na parang hinihintay niya akong magsalita. At doon… biglang kumabog ang ulo ko. Parang may kumalabog na mga alaala na pilit umaangat sa dilim. Ang bar. Ang alak. Ang mukha niya. Ang paglapit niya. Ang sinabi ko— Magkano ang isang gabi mo? Napasinghap ako. “Oh my God…” bulong ko. Siya ‘yun. Siya ‘yung bayarang lalaki. Tinaasan ko siya ng kilay, pilit tinatakpan ang kaba ko ng inis. “Naalala ko na. Ikaw ang bayarang lalaki kagabi.” Bahagya siyang napangisi na para bang aliw na aliw sa obsesyon kong tawagin siyang gano’n. “Kinuha mo na ba ang bayad mo?” dagdag kong iritado. Hinugot ko sa bag ko ang perang 10,000 at inabot iyon sa kanya nang mariin. “O, ayan. Sobra-sobra pa. Kumuha ka pa ng tip kung gusto mo.” Imbes magalit, tumawa lang siya. Mababa, nakakaasar, at parang ako pa ang nakakatawa. Tinanggap niya ang pera, para lang lalo akong inisin. “Thank you,” aniya, parang nang-aasar talaga. Tapos tumingin siya diretso sa mata ko, yung tingin na parang may nalalaman siya na hindi ko alam. “At magkikita pa tayo…” bulong niya. “…Miss Talia Benitez.” Pagkasabi niya no’n, tumawa siya nang malakas. Hindi katulad ng nakakatawang biro, kundi yung kind of tawa na parang may tinatagong sikreto, may alam na hindi ko alam, at may plano na hindi ko naiintindihan. Napakapit ako sa bag ko, biglang hindi makagalaw. Bakit alam niya ang buong pangalan ko? At bakit parang mas lalo akong kinakabahan sa ngiti niyang ‘yon? Talia POV Paglabas niya ng kuwarto, agad akong napahinto. Napadilat ako nang husto. May nakapila sa hallway, mga lalaki na puro matitikas, matatangkad, naka–all black. Para silang mga sundalo sa tindig, at ang lalaki sa unahan ay parang kayang itupi ang refrigerator gamit ang isang daliri Lahat sila, sabay-sabay, tumuwid ang postura nang makita siya. Parang bigla silang naging alerto. Ako naman, halos mapaawang ang bibig ko. Ano ‘to? Ano ‘tong palabas? Dahil sa gulo ng ulo ko, isa lang ang unang pumasok sa isip ko. Siguro… mga kasama niya sa club? Yung mga bayarang lalaki rin? Siguro may “team” sila o kung ano. Pero may kakaiba. May bigat sa presensiya nila, yung tipong hindi pang-bar boy, hindi pang-escort, hindi pang-club. At ang pinaka-weird? Yung paraan nila tumingin sa kanya… hindi bilang kasama… kundi parang boss nila. Huminga ako, pilit pinagko-connect ang dots sa lasing kong utak. Hindi ba ito masyadong… sobra para sa isang bayarang lalaki? Pero hindi ko na pinansin. Baka may weird na theme ang bar nila. O baka may costume party. Hindi ko alam. At ayokong isipin. Gusto ko lang lumabas. Mag-disappear. Makalimutan ang lahat ng ‘to. Habang dumadaan siya sa harap nila, isa-isa silang yumuko nang bahagya, pero dahil in denial ako at ayokong mag-overthink, napairap lang ako. “Arte ng mga ‘to…” bulong ko sa sarili ko. “Parang mafia kung umasta.” Hindi ko alam, hindi ko talaga alam… na tama pala ako. At ang tinatawag kong bayarang lalaki. ay ang mismong lalaking kinatatakutan ng mga tao sa ilalim ng mundo. Talia POV Mabilis akong nagmaneho pauwi, halos hindi ko na makita nang maayos ang dinadaanan ko dahil sa pagkalito at pagod. Gusto ko lang makalayo. Gusto kong alisin sa isip ko ang hotel na ‘yon… at ang lalaking ‘yon na inakala kong bayaran o talagang bayaran siya. Ewan! “How stupid can I be…” bulong ko habang mariing hinahawakan ang manibela. Hindi ko mapigilang mapaluha. Ang bigat sa dibdib. Ang bigat sa isip. “Kasalanan mo ‘to, Vincent…” nanginginig ang boses ko habang nagmamaneho. “Kung hindi mo ako niloko, hindi ko gagawin ‘yon. Hindi ako mapupunta sa bar. Hindi ako magpapakalasing…” Napahikbi ako. Pinagpalit niya ako. Hindi lang basta sa ibang babae. Sa pinsan ko pa. Of all people. “Grabe ka,” napalakas ang sabi ko, pilit pinupunasan ang luha. “Sobrang sakit, Vincent… hindi ako deserve nito.” Huminto ako sa stoplight, huminga nang malalim, pero parang lalo lang sumikip ang dibdib ko. Pumikit ako sandali, pilit kinokontra ang pag-atake ng sakit. Hindi ko alam kung ano ang mas masakit, ang katotohanang iniwan ako ni Vincent… o ang katotohanang ibinigay ko ang sarili ko sa isang estranghero na hindi ko man lang kilala. Isang bayarang lalaki pa talaga… O iyon ang akala ko. Pero mas nanaisin ko pang paniwalaan ‘yun kaysa isipin kung bakit ang weird ng gabing ‘yon. Bakit ang daming lalaki sa hallway. Bakit parang may respeto sila sa kanya. Bakit parang… mas higit pa siya sa iniisip ko. Pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang alalahanin. Ayaw ko na. Ayaw ko nang isipin pa. “Makakalimutan ko ‘to,” mahina kong sabi habang nagpatuloy sa pagmamaneho pauwi. “Kakalimutan ko siya.” Hindi ko alam na habang bumibitaw ako… may isang lalaking nagsisimula nang hanapin ang pangalan ko. At may dahilan kung bakit alam niya ang buong pangalan ko— at kung bakit hindi niya ako hahayaang mawala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD