Kael POV
Pagkalabas ko ng hotel, agad kong tinawag ang dalawa sa tauhan ko.
“Find everything about her,” malamig kong utos. “Talia Benitez. Buong background. Family. Address. Lahat.”
Sabay-sabay silang tumango. Sanay na sila sa ganitong klase ng utos, pero ngayon, ramdam kong iba ang dahilan ko.
Habang naglalakad papunta sa sasakyan, paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang nangyari kagabi. Hindi ko man aminin sa sarili ko, nagtataka pa ako sa alaala ng mga luha niya.
Sa kama, kahit lasing na lasing siya, paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalang Vincent.
May halong galit.
May halong sakit.
May halong pagsuko.
Tumingin ako sa malayo, pinipigilan ang inis na nararamdaman ko.
“Anong ginawa ng Vincent na ‘yon sa’yo?” bulong ko sa sarili ko.
Hindi ko gets. Hindi ko maintindihan kung paano siya nasaktan nang gano’n. Pero ang isang bagay, malinaw sa akin, hindi siya gano’n dapat umiyak. Hindi siya dapat gano’n naaabuso ng emosyon.
At higit sa lahat—
Virgin pa siya.
Tumingas ang panga ko sa naalala.
Hindi ko malilimutan ang sandaling natigilan ako. Ang sandaling narealize kong ako ang una niya. At kung paano niya ako hinila pabalik kahit alam niyang nasasaktan siya.
At gano’n lang kadali niyang ibinigay… dahíl lang sa sakit na ipinadama ng isang lalaking hindi niya dapat pinagkatiwalaan.
Napangisi ako nang mapait.
“Kung ganun ka nasaktan, lalo mo kong pinapaisip, Talia.”
Ewan ko ba.
Sa dami ng babaeng dumaan sa kama ko, mga pakipot, mga umaangkin, mga nagmamakaawa, wala ni isa ang nakabukol sa utak ko ng ganito. Wala ni isa ang nagpaiinit ng dugo ko o nagpasikip ng dibdib ko.
Pero siya?
Ang lakas ng tama sa akin.
Hindi ko alam kung bakit.
Hindi ko alam kung paano.
Pero ang malinaw—
Gusto ko siyang makilala pa.
At hindi ako titigil hangga’t hindi ko nalalaman kung sino ba talaga si Talia Benitez…
at bakit pakiramdam ko ay hindi ko na siya pwedeng pakawalan. Hindi ko alam kung sa curiosity or what.
Kael POV
Pagpasok ko sa opisina ko sa private floor ng hotel, naroon na ang isa sa most trusted men ko, si Marco, hawak ang isang black folder.
“Boss,” aniya, inilapag iyon sa mesa. “Full background report on Talia Benitez.”
Binuksan ko agad.
Una kong nakita ang picture niya—nakangiti, maaliwalas ang mukha, walang bakas ng luha o sakit. Malayo sa babaeng humihikbi sa bisig ko kagabi.
I flipped the page.
At doon ako napangiti.
Her father.
Well, well. Hindi ko inaasahan ‘to.
Ang tatay niya… under pala sa negosyo namin.
Isa sa mga malalaking kliyente ng Seven Pillars—ang grupo naming may hawak ng pinakamalaking investment and underground network sa bansa.
Napailing ako, natatawa sa tadhana.
“Madali ko na palang makukuha ang babae,” bulong ko, kampante. “At hindi masasaktan ang pride ko.”
Dahil kung iisipin ko, kung gusto ko si Talia…
walang makakapalag.
Ni ang pamilya niya.
Ni siya.
I flipped the next page.
Vincent Santos.
Ang pangalan na iniiyakan niya kagabi.
Mahaba ang report tungkol dito, pero isang linya lang ang tumama sa akin:
He cheated on her and got her cousin pregnant.
Napakuyom ako ng kamao.
“G*go,” bulong ko. “So that’s why.”
Yun ang dahilan kung bakit wasak ang boses niya kagabi.
Kung bakit halos hindi siya makahinga sa hikbi.
Kung bakit ibinigay niya ang sarili niya kahit hindi niya alam kung kanino.
Hindi dahil pabaya siya.
Hindi dahil impulsive siya.
Pero dahil iniwan siyang durog.
Sinaktan.
Niloko.
Hindi ko alam kung bakit, pero uminit ang ulo ko.
At hindi ko alam kung bakit, pero mas lalo ko siyang gustong protektahan.
I closed the folder slowly, leaned back, and smirked.
“Talia Benitez…” bulong ko.
“Hindi mo pa alam… pero tapos na ang laro mo.”
Ako na ang bahala sa’yo.
At simula ngayon—
hindi mo na ako matatakasan.
Talia POV
Nakapikit pa rin ako… pero ramdam ko na bumibigat ang dibdib ko habang mas lumalalim ang panaginip.
Nandoon ulit kami sa dilim ng kwartong iyon.
Yung mga ilaw na tila kumikislap lang mula sa labas, yung tahimik na tunog ng aircon, yung amoy ng pabango niyang hindi ko malilimutan—halimuyak na parang unti-unting kumakapit sa alaala ko.
At naramdaman ko ulit ang kamay niya.
Mainit. Mabigat. Sigurado.
Hinahaplos ang balat ko na parang matagal na niya akong kilala.
“Relax…” Yun ang boses niya noon. Paos. Mababa.
Sa panaginip ko, mas malinaw, mas malapit.
Napakapit ako sa bedsheet.
Galit ako, inis ako, pero bakit ganito?
Bakit parang may kung anong kumikiliti sa puso ko habang naaalala ko yung mga sandaling pilit kong gustong kalimutan?
Sa panaginip ko, lumapit pa lalo ang mukha niya. Yung mga mata niya… Diyos ko, bakit parang siya pa ang nananaginip?
Parang tinitignan niya ako na may alam siyang hindi ko alam.
At nung dumampi ulit ang labi niya sa labi ko—
bigla akong nagising.
“Kael…”
Nahinto ako.
Bakit ko nasabi pangalan niya?
Huminga ako nang malalim habang nakatitig sa kisame.
Pinilit kong kalmahin ang sarili ko, pero mas lalo lang gumulo utak ko.
“Hindi. Hindi pwede. Bayarang lalaki siya. Hindi pwede… hindi pwede.”
Pero habang inuulit ko yun, mas lalo ko lang nararamdaman yung kabog ng dibdib ko.
Hindi ko alam kung galit ba yun…
o takot…
o—mas nakakainis—interes.
At doon ko narealize…
Hindi ko basta-basta malilimutan ang lalaking yun.
Kahit gaano ko pa gustuhin.
Talia POV
Para mawaglit siya sa isip ko, naisipan kong tawagan si Amara, ang matalik kong kaibigan na parang kapatid ko na. Kailangan ko ng kausap. Kailangan ko ng makikinig. Kasi kung hindi… sumasabog na talaga utak ko.
“Marites mode ka na naman, girl? Tara, meet tayo,” mabilis pa nitong sagot.
Kaya pagkatapos ng ilang minuto, nasa isang high-end restaurant na ako. Pagmamay-ari iyon ni Amara at ng asawa niyang si Damon, oo, yun mismong dating bad boy turned CEO na pinagdaanan niya ng isang buong teleserye bago sila nagkatuluyan.
Pag-upo ko sa harap niya, hindi ko na nakayanan. Diretso ko siyang kinuwentuhan mula sa breakup hanggang sa—
oh my God—yung nangyari kagabi.
Hindi pa man ako tapos magsalita, humahagikhik na itong si Amara. As in yung tawang nakakaasar pero nakakahawa.
“Talia, girl, seryoso ka? Nalasing ka tapos bayarang lalaki yung nakasama mo?”
“Eh kasi ang porma niya! Tapos—ugh! Long story.”
Tawa siya nang tawa… pero nang makita niya na napapapikit ako sa hiya, napalitan din ang expression niya.
“Awww babe… come here.” Kinuha niya kamay ko. “Okay, okay, sorry. Pero grabe ka, ang intense ng life mo lately.”
Huminga siya nang malalim bago nagsalita ulit.
“Huwag mo munang isipin yung lalaking bayaran—este ‘akala mong bayaran’ na yun. Or ano pa man siya, At si Vincent?” Umirap siya ng malala. “Walang kuwenta yung lalaki na yun. Hindi ka deserving nun, at maswerte ka ngang lumabas ka na sa relasyon na yun.”
Tama siya.
Alam kong tama siya.
Pero kahit anong pilit kong i-distract ang sarili ko…
hindi maalis sa utak ko ang mukha ng lalaking yun kagabi.
At habang nakikinig ako kay Amara na nagra-rant tungkol sa ex ko at sa mga lalaking “dapat pag sinusunod ang utak hindi hormones”—
napaisip ako:
Bakit ganun? Bakit siya pa rin ang bumabalik sa isip ko?