Chapter 4 The Mall of Bitter Revelations

1220 Words
Talia POV Pauwi na ako noon, halos walang direksyon ang pagmamaneho ko dahil sa pagod at bigat ng isip, nang mapansin kong may kotse na parang sumusunod sa akin. Hindi ako sigurado noong una, pero bawat liko ko, nandun pa rin siya. Putek. Hindi ko alam kung paranoia lang ‘to o may masama talagang pakay yung taong yun. Kaya imbes na umuwi diretso, agad kong binilisan ang takbo at lumiko papasok sa pinakamalapit na mall. Pagkaparada ko, halos nagmamadali akong naglakad papasok sa loob at nakihalo sa mga tao para hindi ako makita nung sumusunod sa akin. Huminga ako nang malalim, pinipilit pakalmahin ang sarili. Safe na ko dito, daming tao. Yun ang dasal ko. Pero hindi pa nagtatagal, para akong binuhusan ng yelo. Dahil sa hindi ko inaasahan… nakita ko silang dalawa. Si Vincent. At si Stephanie. Magkasama. Magkadikit. Halos magka-holding hands. Parang automatic na kumabog ang dibdib ko. Mabilis akong nagtago sa likod ng malaking pillar para hindi nila ako makita. Ang mga walanghiya. Ang kapal talaga ng mukha nilang mag-date pa dito sa mall na madalas naming puntahan noon. Ramdam ko na naman yung hapdi sa dibdib ko, yung sakit na pilit kong kinakalimutan. Putangina. Bakit ganito? Bakit ang dali para sa kanila, tapos ako heto, hindi pa makabuo ng isang buong araw na hindi umiiyak? Hindi ko mapigilan. Tumulo yung luha ko kahit ayaw ko. Naiinis ako sa sarili ko, pero mas lalo sa kanila. “Sila pa talaga…” bulong ko habang pilit akong nagtatago. Kasalanan ko rin. Ako rin naman kasi yung pumayag na isinasama namin si Stephanie sa halos lahat ng lakad namin. Hindi ko naman inakalang magkakagustuhan sila, taena, “Kuya” pa nga tawag niya kay Vincent noon. Para siyang sweet younger sister naming dalawa, yun ang akala ko. Pero habang nakasilip ako, nakikita ko yung titig nila sa isa’t isa. Matagal na nila akong niloloko. At mas matagal na rin pala akong tanga. TALIA’S POV “Looking for someone?” Biglang sumulpot si Kael sa likuran ko, nakangiti pa. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanlaki ang mga mata ko, ang bayarang lalaking nakaniig ko kagabi. “A-anong ginagawa mo dito?” galit kong sabi. “Stalker ka, no?” Natawa siya, parang wala lang. “Mall ’to. Everyone’s invited mamasyal dito. Ikaw, bakit ka naman nagtatago?” Sasagot pa sana ako, pero bigla siyang nakita ng dalawang taong ayoko sanang makita, si Vincent at ang pinsan kong si Stephanie. “Hey, Ate… anong ginagawa mo rito?” tanong ni Stephanie, may nakakalokong ngiti pa habang pumulupot ang braso kay Vincent. Napairap ako sa loob-loob ko. Talaga bang wala nang hiya ang pinsan kong mang-aagaw ng boyfriend? Hindi ako nakasagot. “Namamasyal kami ng girlfriend ko. Bakit, bawal ba?” sagot bigla ni Kael, kalmado. Napatigil si Vincent, pero mas matindi ang naging reaksyon ni Stephanie. Kita kong natulala siya habang nakatitig kay Kael,at hindi ko siya masisisi. Mas hamak na mas guwapo ang bayarang lalaki kesa kay Vincent, at halatang hindi ito matitinag sa presence nila. TALIA’S POV (Continuation) Ramdam ko ang pagtigas ng panga ni Vincent, halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Kael. Pero mas nakakatawa ang itsura ni Stephanie, para siyang na-hypnotize, nakabukas ang bibig habang nakatitig kay Kael na para bang bagong tuklas na artista. “G-girlfriend mo?” maang-maangan niyang tanong. Kael slid his arm around my waist, mabilis pero natural, para bang sanay siyang ginagawa ’yon. Napapitlag ako pero hindi ako kumawala. Kailangan ko rin ng shield ngayon. “Yes,” sagot ni Kael, may kumpiyansa at may bahid ng pagmamay-ari sa boses. “Problem?” Nagkatinginan sina Vincent at Stephanie. “Ikaw, Ate, may jowa ka na pala,” sabi ni Stephanie, pero ramdam ko ang inis at inggit sa tono niya. “Kailan pa?” “Matagal na,” mabilis kong sagot bago pa ako maunahan ni Kael. “Huh? Pero—” “Let’s go, babe,” putol ni Kael, tapos hinila pa ako palapit, enough para mapalunok si Stephanie at mapasimangot si Vincent. Pumikit ako sandali. Diyos ko, anong napasukan ko? Pero habang naglalakad kami palayo sa dalawa, hindi ko mapigilang mapansin na mainit ang kamay ni Kael sa bewang ko… at hindi ko alam kung bakit parang hindi ko gustong alisin. “Tsk,” sabi ni Kael nang makalayo kami. “Boyfriend mo dati ’yon?” “Huwag ka nga,” iritadong sagot ko. “At bakit mo sinabi na girlfriend mo ako?” Napangisi siya. “You obviously needed saving. Plus…” may pagtitig sa akin na parang sinusuri niya ang buong pagkatao ko, “bagay naman tayo, don’t you think?” Napakunot ang noo ko. “Hindi.” Pero hindi ko rin napigilang mapansin ang t***k ng puso ko, mas mabilis kaysa kanina. At mas nakakainis, alam kong narinig niya ’yon. TALIA’S POV (Continuation – Paglabas ng Mall) Pagkapasok namin sa parking area, agad kong inalis ang kamay ni Kael sa bewang ko. Halos kumulo ang dugo ko mula ulo hanggang paa. “Ano ba talaga ’yon, Kael?” singhal ko. “Bakit mo sinabi sa kanila na girlfriend mo ako? Hindi mo naman kailangan—” Tinapik niya ako sa noo, banayad pero nakakainis. “Relax, Talia. Dapat nga magpasalamat ka, eh.” “Magpasalamat?” halos mapasigaw ako. “Saang banda?!” Tinuro niya ang direksyon pabalik sa mall, kung saan naroon pa rin sina Vincent at Stephanie. “Kung hindi ako sumulpot, luluhurin ka na naman ng ex mong walang kwenta at pinsan mong may sayad sa common decency.” Hindi ko kinaya, napapikit ako, huminga nang malalim, pero hindi pa rin mawala ang inis ko. “Point taken,” sabi ko, “pero hindi mo kailangang imentor na girlfriend mo ako. Pwede namang friend, kasama, kakilala, kahit plantita pa!” Tumawa siya. Tumawa talaga. Parang wala akong sinagot na nakakagalit. “Talia,” sabi niya, lumalapit pa ng konti. “Sino bang papaniwalaan nila? ’Yung ex boyfriend mong mukhang iniiwasan mo? O ’yung boyfriend mong guwapo?” “Nagbubuhat ka ng sariling bangko,” irap ko. “Di naman kailangan. Kita naman,” sambit niya, sabay kindat. Napailing ako. “Alam mo, Kael—” “But!” putol niya bigla, inaangat ang isang daliri. “Since niligtas kita sa kahihiyan, may utang ka sa’kin.” “Utang?” Natawa ako nang walang humor. “May bayad ang pagmamagandang-loob mo?” “Syempre.” Kumindat siya ulit, pero ngayon mas mayabang, mas mapanukso. “Pakainin mo naman ako. As a thank you.” “Teka, ikaw na nga ’yung bayarang lalaki, sobra na nga ang binayad ko sayo, ako pa magpapakain sa’yo?” “Work yun. Iba yung ngayon.” Umusog siya palapit, masyado nang malapit. “This is… personal.” Nanlamig ang batok ko kahit mainit ang hangin sa labas. “At bakit ako papayag?” Ngumisi siya, ’yung tipong alam niyang mananalo siya sa huli. “Because,” sabi niya, pabulong, “may utang ka. And because deep down… gusto mo rin akong makasama.” Nanigas ako. “Hindi totoo ’yon.” “Talaga?” ngumuso siya patingin sa akin. “Bakit namumula ka?” Mas lalo akong nainis, at mas hindi ko alam kung bakit lalo rin akong kinabahan. Diyos ko, anong klaseng gulo ang pinasok ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD