Talia POV
Ang ending, kumain na nga kami ni Kael sa restaurant. Tahimik lang ako habang sinusubo ko ang pagkain, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko, panay ang sulyap ko sa kanya.
Kasi habang mas tumatagal akong nakatitig, mas lalo kong napapansin…
hindi talaga siya mukhang bayarang lalaki.
Ang postura niya, parang galing sa isang high–class board meeting.
Ang kilos niya, laging kontrolado.
At kapag nagsalita siya, may bigat. Yung tipo ng boses na sanay mag-utos at sundin ng lahat.
Bakit ko ba naisip na bayaran siya?
Ano bang iniinom ko kagabi at naging tanga ako nang ganun?
“Did I pass?”
Nagulat ako nang magsalita si Kael, diretso niyang tingin sa akin. Halatang napansin niya na ilang beses ko siyang tinititigan.
Napakurap ako, muntik ko pang mabilaukan sa tubig.
“A–ano daw?”
Umangat ang isa niyang kilay, parang amused.
“Kanina ka pa nakatitig. So… did I pass whatever test you’re doing in your head?”
Putek. Namula ata ako.
Pero syempre, hindi ko papahalata.
“Wala akong tinitest. At wala akong tinititigan,” irap ko, sabay yuko kunwari sa pagkain.
Napangiti siya. Yung tipong ngiting alam niyang nahuli ka niya.
At lalo akong nainis, at kinabahan. Kasi bakit parang ang lakas ng dating niya?
Napayuko ako, kunwari busy sa pagkain, pero ramdam ko ang tingin ni Kael, yung klaseng tingin na parang nababasa niya lahat ng iniisip ko.
“Wala ka namang tinititigan?” ulit niya, may halong tawa sa boses. “E bakit mukha kang nahuli sa akto?”
“Hindi ako nahuli,” mabilis kong sagot.
“Mainit lang dito.”
“Ah, mainit?”Umusog siya palapit, parang sinasadya talagang bawasan ang distansya namin.
“Or baka… ako yung mainit?”
NAPALUNOK AKO.
Bakit ganun? Ang yabang niya pero ang lakas ng tama.
“Ano ba, umayos ka nga. Kumain ka na lang,” inis kong sabi, pero halata sa boses ko na hindi ako ganon ka–inis gaya ng gusto kong palabasin.
Umupo siya nang maayos, pero hindi nawala ang ngiti niya.
“So, Talia,” mahinahon niyang sabi habang naglalapag ng kutsilyo.
“Bakit mo nga ulit naisip na bayaran ako?”
“Ano pa ba? Eh nakita kitang nagse-serve ng alak dun sa matrona kagabi,” sagot ko, ramdam ang pag-init ng pisngi ko habang naaalala ko yung ginawa kong kahihiyan.
“At isa pa, ang lakas ng vibes mo kagabi. Yung tipong… alam mo na, pang one-night— ”
“Pang one-night stand?” putol niya.
“Na ikaw mismo ang nag-alok.”
Natahimik ako.
Shit.
Right.
Kael leaned back at napailing ng may ngisi.“I have to admit… that was the first time someone asked me ‘Magkano ang isang gabi mo?’ sa gitna ng bar.”
Gusto ko lumubog sa sahig.
Ngayon na. Please.
“Lasing ako, okay?!” sabi ko, halos pabulong pero galit–galit.
“Hindi ko alam lahat ng ginagawa ko kagabi.”
“Seryoso?”
Umusog ulit siya. Lalo akong nainis.
“Kasi mukhang alam na alam mo ang ginagawa mo nung sinabi mong—”
“TAMA NA!” mabilis kong putol, halos nadulas ang tinidor ko sa lamesa.
“‘Wag mo nang ulitin!”
Natatawa siya.Hindi yung pang-asar lang, yung tipong labas-dimples, tagos-hanggang-sink laugh.
“Kumportable ka ba?” tanong niya bigla.
“Ano?” kunot-noo kong sagot.
“Sa akin.”Diretsong tanong. Walang paligoy.
Parang binuhusan ako ng kuryente.
Nag-iwas ako ng tingin.
“Ano bang klaseng tanong yan?”
“Yung tipong tanong na hindi mo masasagot nang hindi ka nagsisinungaling.”
Napakuyom ako ng kamay sa ilalim ng mesa.Bakit ganito?
Bakit parang kilala niya na ako?
Bakit parang siya pa ang kalmado, tapos ako hindi makahinga?
“Hindi kita kilala,” iwas kong sagot.
“Then get to know me.”
Tumuwid siya ng upo, seryoso na ang mata.
“Because I’m not planning to let you go, Talia.”
Nanlamig ang batok ko.
Hindi niya sinabi yun nang pabiro.
Hindi ngising-lalake.
Hindi pang-flirt.
Ito yung tono ng isang taong sanay makuha ang gusto niya.
At ako?
Hindi ko alam kung bakit…
pero imbes takot, goosebumps ang naramdaman ko.
Kael POV
Pinagmamasdan ko lang siya habang umiinit ang pisngi niya sa inis at hiya.
Talia Benitez.
Hindi ko akalain na ang babaeng lasing na humila sa kuwelyo ko kagabi, nagtanong ng “Magkano ang isang gabi mo?”, ay magiging ganito ka–interesting kapag sober na.
Tahimik siyang kumakain pero halata sa kilos niya, hindi siya mapakali.
Hindi niya alam kung saan ibabaling ang tingin, at tuwing magtatama ang mga mata namin, bigla niyang iiwas.
Cute.
At nakakainis.
Dahil gusto ko yung atensiyon niya. Yung tingin niya. Yung pagkapula ng mukha niya.
Damn, bakit parang may tama ako dito?
Habang nauupo ako, hindi ko maiwasang pagmasdan ang bawat galaw niya. Yung paghawak niya sa kubyertos, yung pag-angat niya ng baso, yung paglalim ng buntong-hininga niya.
She’s fragile.
But also feisty.
A dangerous combination.
Sinilip ko saglit ang report na pinadala ng tao ko sa phone ko kanina lang bago kami kumain.
Hindi ko akalain.
Anak siya ng isa sa mga businessmen na under ng Seven Pillars.
Hindi ko alam kung matatawa ako o matutuwa sa swerte.
At higit pa doon…
nalaman ko na si Vincent Santos—yung lalaking binabanggit niya habang umiiyak kagabi—
ay niloko siya.
And got her cousin pregnant.
No wonder she fell apart.
No wonder she gave herself away so easily. She was breaking.
Pero may isang bagay pang mas nagpa-ngisi sa akin.
Virgin pa siya.
At ako ang nakauna sa kanya.
Tumingin ako kay Talia ulit.
Nakatungo siya, kinakalikot ang pagkain niya para lang hindi tumingin sa akin.
At doon ako nakaramdam ng isang bagay na hindi ko naramdaman sa kahit sinong babae dati—
isang uri ng pag-angkin.
Hindi ko mapigilan.
Hindi ko rin gustong pigilan.
“Because I’m not planning to let you go, Talia.”
Yun ang sabi ko kanina.
Hindi yun biro.
Hindi yun bola.
Totoo yun.
Habang pinagmamasdan ko siyang kunot ang noo habang umiiwas ng tingin, mas lalo kong naramdaman…
I want her.
I want to protect her.
I want to ruin anyone who hurt her.
At hindi ko hahayaang may ibang lalaking gagalaw sa kanya bukod sa akin.
She just doesn’t know it yet.
Pero balang araw—
malalaman niya rin.
At sisiguraduhin kong wala siyang kawala