Chapter 6 The New President

1228 Words
Talia POV Umaga na. Kahit parang binagyo ang mundo ko kahapon, hindi naman humihinto ang buhay para sa kahit sino. Kailangan ko pa ring pumasok sa opisina, kahit pakiramdam ko, wala pa rin ako sa sarili. Sobrang dami kasing nangyari, at hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang bigat sa dibdib ko. Nagtatrabaho ako sa marketing department. Tahimik lang. Walang espesyal, maliban sa isang katotohanang alam ng iilan: ang Daddy ko ay isa sa mga stockholder ng kumpanya. Kaya mas pinili kong manatiling low-key, ayokong mapansin, ayokong pag-usapan. Papasok na sana ako sa elevator nang bigla siyang lumitaw. Si Kael. Parang may kumabog sa dibdib ko—malakas, mabilis, halos masakit. Bakit siya narito? Oh my gosh. Bigla akong kinabahan, at bago pa man niya ako mapansin, pasimple akong nagkubli sa likod ng kasamahan ko. Pilit kong pinakalma ang sarili ko, pinipigil ang hininga. Salamat naman at hindi niya ako nakita. O… hindi ba? Sa Loob ng Elevator ​Huminga ako nang malalim, pilit na pinapakalma ang mabilis na t***k ng puso ko. Bakit siya nandito? Ang liit naman ng mundo, sa dinami-rami ng building sa Makati, dito pa talaga siya magpapakita. ​Ramdam ko ang bango ng kanyang perfume, yung pamilyar na amoy na dati ay nagpapakalma sa akin, pero ngayon ay tila babala na kailangan kong lumayo. Nakatalikod ako sa kanya, kunwaring busy sa pag-aayos ng suot kong ID, habang nakikitabi sa mga katrabaho ko sa Marketing. ​"Talia, okay ka lang? Namumutla ka yata," bulong ni Grace, ang seatmate ko sa office. ​Nanlaki ang mata ko at mabilis na tinakpan ang bibig niya. "Shh! Okay lang ako, sumama lang pakiramdam ko bigla," pabulong kong sagot habang pasimpleng sumusulyap sa repleksyon sa pinto ng elevator. ​Nakita ko siya. Si Kael. Nakatayo siya sa likuran, seryoso ang mukha at may kausap sa phone. Suot niya ang isang charcoal gray na suit na lalong nagpadisente sa kanya. Mukhang wala siyang pakialam sa paligid niya, pero hindi ko mapigilang mapaisip, ito na ba ang bagong investor na balita sa office? ​Ang Paghinto sa Floor ​Tumunog ang elevator. Ding! Salamat sa langit, 12th floor na—ang Marketing Department. Mabilis akong lumabas bago pa man bumukas nang tuluyan ang pinto. Hindi na ako lumingon. Dire-diretso ako sa table ko at agad na nagtago sa likod ng monitor ko. ​"Grabe, Talia. Para kang nakakita ng multo," biro ni Grace habang nilalapag ang bag niya. ​"Higit pa sa multo, Grace. Isang bangungot," sagot ko habang hinahawakan ang dibdib ko. ​Pero bago pa ako makahinga nang maluwag, narinig ko ang boses ng Manager namin mula sa conference room. ​"Team, heads up! Ang bagong representative ng major stockholder natin ay darating ngayon para sa isang briefing. Be on your best behavior." ​Nanigas ako sa kinauupuan ko. Huwag mong sabihing... Halos hindi ako makahinga habang nakaupo sa dulo ng mahabang mesa. Ang bawat bulong ng mga katrabaho ko ay parang dagundong sa pandinig ko. Lahat ay naghihintay kung sino ang papalit sa pwesto ni Damon Marcellus—ang dating head na kahit guapo ay parang laging may dalang sariling bagyo dahil sa sobrang kasupladuhan. ​"Meet our new President and major stockholder... Mr. Kael Rivas," pagpapakilala ng Mr. Carlos, ang General Manager. ​Kasabay ng masigabong palakpakan ay ang pagtayo ng lalaking kanina ko pa iniiwasan sa elevator. He looked powerful, confident, and dangerously charming. Ibang-iba ang aura niya rito kumpara sa huli naming pagkikita. ​Ngumiti siya sa lahat, isang ngiting nagpatunaw sa puso ng mga babae sa Marketing department, pero para sa akin, iyon ay parang isang sentensya. ​ "am very pleased to meet all of you," panimula ni Kael sa isang baritong boses na puno ng awtoridad. ​"I will be needing your full cooperation to take this company to new heights. If you have any concerns, suggestions, or ideas, please know that my door is always open. You are all welcome to visit me in my office anytime." ​Lalong lumakas ang bulungan. "Grabe, ang bait niya!" sabi ng isa. "Ang layo kay Sir Damon, ito marunong ngumiti!" sabi naman ng isa pa. ​Samantala, ako? Gusto ko nang lamunin ng lupa. Napakagat-labi ako habang nakayuko. Talia, ano ang pinasok mo? Naalala ko ang lahat ng nangyari kahapon. Ang kapal ng mukha kong mapagkamalan siyang "call boy" o bayarang lalaki dahil sa isang malaking pagkakamali. At ngayon, siya na ang may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko, at ng Daddy ko. ​"You can all go back to your stations now. Let’s have a productive day," magiliw niyang pagtatapos. ​Tumayo na ang lahat, pero ako ay tila napako sa upuan. Bago ako makalabas, lumingon ako nang bahagya at laking gulat ko nang magtama ang paningin naming dalawa. May dumaang kakaibang kislap sa mga mata niya, isang tingin na nagsasabing hindi niya nakalimutan ang nangyari sa pagitan namin. Kakarating ko pa lang sa table ko nang biglang tumunog ang intercom sa tabi ng desk ni Grace, ang aming team lead. Lahat kami ay napatingin nang marinig ang boses ng secretary ni Kael. ​"Marketing Department? Is Ms. Talia there? Mr. Kael would like to see her in his office. Immediately." ​Biglang tumahimik ang buong floor. Ang mga katrabaho ko ay dahan-dahang lumingon sa akin, ang iba ay nagtataka, ang iba naman ay may halong panunukso ang tingin. ​"Hala ka, Talia. Day one ni Sir Kael pero ikaw agad ang hinahanap. May nagawa ka bang mali?" bulong ni Grace habang sinusundan ako ng tingin. ​"Wala... wala akong alam," pagsisinungaling ko, kahit ang totoo ay gusto ko nang tumakbo palabas ng building. ​Sa Harap ng Pintuan ​Pagdating ko sa tapat ng opisina ng Presidente, huminga ako nang malalim. Relax, Talia. Stockholder ang Daddy mo. Hindi ka niya pwedeng basta-basta sisantehin... kahit na ininsulto mo ang pagkatao niya nung gabi na yun. ​Kumatok ako nang tatlong beses. "Come in," rinig kong sagot mula sa loob. ​Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Nakatalikod si Kael sa akin, nakatingin sa malawak na view ng siyudad mula sa kanyang glass window. Napakaganda ng sikat ng araw na tumatama sa kanyang balikat. ​"You wanted to see me, Sir?" mahina kong tanong. ​Dahan-dahan siyang humarap. Iyong ngiting magiliw na ipinakita niya kanina sa conference room? Wala na iyon. Ang pinalit ay isang mapaglarong ngisi na tila nanunubok. Nilapag niya ang kanyang ballpen sa mesa at dahan-dahang lumapit sa akin. ​"So, we meet again, Talia. I believe we have some unfinished business from yesterday. Tell me... do I still look like someone you can just... hire for the night?" ​Namula ang buong mukha ko. Hindi ako makapagsalita. Ang bango niya ay lalong nagpapagulo sa isip ko. ​"I... I'm sorry, Sir. It was a misunderstanding. I didn't know who you were," nauutal kong paliwanag habang pilit na umiiwas ng tingin. ​Tumigil siya sa mismong harapan ko, sapat na para maramdaman ko ang init ng katawan niya. Inangat niya ang baba ko gamit ang kanyang hintuturo para mapilitan akong tumingin sa kanya. ​"A misunderstanding? You were so confident yesterday. But don't worry, I'm a professional. However..." ​Lumapit siya sa tenga ko at bumulong, ​"Since I am now your boss, you’ll have plenty of time to make it up to me. Let's start by having lunch together. Today. No excuses."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD