Talia POV
Naramdaman ko ang init ng hininga niya sa malapit sa tenga ko, at sandaling nag-init ang buong mukha ko. Pero nang marealize ko ang sinabi niya, na kailangan kong bumawi sa kanya, biglang nagising ang pride ko. Ano siya, sinuswerte?
Dahan-dahan kong inilayo ang mukha ko at humakbang paurong para magkaroon kami ng distansya. Inayos ko ang aking posture at tiningnan siya nang diretso sa mga mata, pilit na itinatago ang panginginig ng mga kamay ko.
"I’m sorry, Mr. President," panimula ko, ang boses ko ay mas matatag na ngayon. "But as far as I know, my job description as a Marketing Associate is to create campaigns and reach targets. I checked my contract earlier, and 'having lunch with the boss' wasn't listed as one of my duties."
Sandaling natigilan si Kael. Mukhang hindi niya inaasahan na sasagutin ko siya nang ganoon pagkatapos ng ginawa ko kahapon. Unti-unting nawala ang mapaglarong ngisi niya at napalitan ito ng isang seryosong tingin.
"Is that so?" tanong niya, habang nakapamulsa at dahan-dahang umiikot sa paligid ko.
"Yes, Sir. If this is about work, I’m more than happy to discuss it here or during office hours. Pero kung personal na 'pagbawi' ang gusto niyo dahil sa pagkakamali ko kahapon at pagtulong niyo sa akin, I suggest we keep things professional. My father is a stockholder here, and I don't think he'd appreciate me being treated as a... lunch date by the new President."
Isang maikling katahimikan ang namayani sa silid. Akala ko ay magagalit siya o sisigawan ako, pero bigla siyang tumawa, isang mahina at tila manghang tawa.
"You have quite the spine, Talia. I like that. Most people in this building are terrified of me or trying too hard to please me. But you... you’re still the same girl from yesterday. Brave and a bit reckless."
Umupo siya sa gilid ng table niya at tiningnan ako nang malalim.
"Fine. I’ll respect your 'contract.' But don’t think this is over. Since you want to be professional, I have a special project for you. I want a full marketing proposal for our new acquisition by tomorrow morning, 8:00 AM. In my office. And since you won't have lunch with me, you’ll have plenty of time to finish it, right?"
Nanlaki ang mata ko. Bukas agad?! Ibig sabihin, kailangan kong mag-overtime nang malala!
Gabi na at halos wala nang tao sa Marketing floor. Ang tanging liwanag na lang ay ang lamp sa table ko at ang malaking neon sign ng kumpanya sa labas ng bintana. Sumasakit na ang likod ko at pang-limang tasa ko na yata ito ng kape.
"Bwisit ka talaga, Kael," bulong ko habang mabilis na nagta-type. "Presidente ka na, petty ka pa. Alam ko namang gumaganti ka lang dahil sa 'bayarang lalaki' comment ko eh."
Hinihikab na ako nang biglang may marinig akong mga yabag ng sapatos. Akala ko ay ang guard na nag-iikot, pero tumigil ang tunog sa mismong tapat ng cubicle ko.
"Coffee this late will keep you up all night, Ms. Talia."
Halos mapatalon ako sa gulat. Nakatayo si Kael sa gilid ko, wala na ang suit jacket niya at nakatupi na ang manggas ng kanyang puting polo hanggang siko. Mukhang pagod din siya pero hindi nabawasan ang pagiging guapo niya.
"Sir! Akala ko nakauwi na kayo," gulat kong sabi habang pilit na inaayos ang nagulo kong buhok.
Lumapit siya at tiningnan ang monitor ko. "I don't leave until the job is done. And since I'm the one who gave you this 'impossible' deadline, I thought I'd check if you're already crying in your cubicle."
"Hindi ako iyakin, Sir. At matatapos ko 'to," matapang kong sagot, kahit ang totoo ay naiiyak na ako sa antok.
Bigla siyang kumuha ng upuan mula sa kabilang table at umupo sa tabi ko. Kinuha niya ang mouse mula sa kamay ko.
"Move over. Your target market analysis is a bit outdated. If you use the 2024 data from the Seven Pillars archive, your projections will be more accurate."
"A-anong ginagawa niyo?" tanong ko habang nakatingin sa profile ng mukha niya. Sobrang lapit niya ulit.
"Helping you. Consider this my 'unprofessional' contribution to your professional task. Besides..."
Tumingin siya sa akin nang seryoso, nawala ang pang-aasar sa mga mata niya.
"I don't want my best marketing associate, and the daughter of my stockholder, to pass out from exhaustion on my first week. Now, tell me, have you eaten dinner?"
Umiling ako. Sa sobrang taranta ko kanina, nakalimutan ko nang kumain.
"Thought so. Finish that slide. I ordered some food, it's being delivered to the lobby. We're eating here. And don't tell me it's not in your contract, this is a mandatory late-night strategy meeting."
Napanganga na lang ako. Kahit anong gawin kong pagtataray, parang lagi siyang may paraan para makuha ang gusto niya.
Napahigpit ang hawak ko sa mouse. Nakakainis ang tawa niya, yung tawang parang alam na alam niyang apektado ako sa presensya niya. Sinubukan kong ituon ang atensyon ko sa spreadsheet, pero ramdam ko ang titig niya na tila sinusuri ang bawat galaw ko.
"You're overthinking the data, Talia," puna niya, ang boses niya ay malapit na naman sa likuran ko. "Just follow your instinct. Your initial draft was actually brilliant. You have your father’s eye for marketing."
Napalingon ako sa kanya, medyo nagulat na alam niya ang kakayahan ko. "Kilala niyo po si Daddy?"
Sumandal siya sa table, pinagkrus ang mga braso.
"Of course. Your father is one of the few people in this industry I actually respect. But I didn't hire you, or keep you here tonight—because of him. I saw your portfolio even before I stepped into this building."
Medyo lumambot ang puso ko sa sinabi niya, pero hindi ko hinayaang makita niya iyon. "If you respect my work, then let me finish this in peace, Sir. Mahirap mag-concentrate kapag ang 'Presidente' ay ginagawang cinema ang monitor ko."
Muli siyang ngumiti, pero sa pagkakataong ito, mas banayad na.
"Fine. I'll give you space. I'll be in my office if you need anything. But Talia..."
Tumayo na siya para umalis pero lumingon pa uli.
"Don't stay too late. I'm a tough boss, but I'm not a monster. When you're done, call me. I'll drive you home. It's past midnight, and I won't let a stockholder's daughter, and my most 'stubborn' employee, commute alone."
"Sir, may sasakyan ako," maikli kong sagot.
Itinaas niya ang susi ng kotse niya at kinindatan ako.
"Then I'll follow you until you're safely inside your gate. No arguments, Talia. That one is in the company's safety policy... that I just made up two minutes ago."
Tuluyan na siyang naglakad paalis habang sumisipol pa. Napasandal ako sa upuan ko at napahawak sa ulong medyo nahihilo na. Kael, ano ba talaga ang laro mo?