Talia POV
Sa huli, wala rin akong nagawa. Siya pa rin ang panalo. He managed to corner me into this "mandatory meeting," kaya heto kami ngayon—magkasalong kumakain sa loob ng opisina sa gitna ng hatinggabi.
Ang tanging naririnig ko lang ay ang mahinang ugong ng aircon at ang tunog ng mga kubyertos. Tahimik kami, pero ang bigat ng presensya niya. Hindi ako makakain nang maayos dahil naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya. Hindi siya kumukurap, tila bawat subo ko ay sinusuri niya nang may kasamang mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi.
Nang matapos kaming kumain, agad akong bumalik sa harap ng computer ko. I need to finish this. Gusto ko nang umuwi at takasan ang mapanuring mga mata niya. Pero hindi siya umalis. Nanatili siyang nakatunghay sa akin, nakasandal sa gilid ng table ko habang pinapanood ang bawat pag-type ko.
"Sir," tawag ko sa kanya, hindi ko na matiis. "Hindi po ako makakapagtrabaho nang maayos kapag nakatunghay kayo sa akin nang ganyan."
Isang malakas na tawa ang pinakawalan niya na bumasag sa katahimikan ng gabi.
"Why, Talia? Am I such a distraction to you?" tanong niya, ang boses ay puno ng panunukso.
Tumingin siya sa akin nang diretso.
"A true professional shouldn't be easily swayed by distractions, regardless of who—or what—is in front of them. Are you saying you can't handle the pressure... or you just can't handle me?"
Napailing ako sa kapal ng mukha niya. Umiling na lang ako at pilit na ibinaling ang paningin sa monitor. Ayaw ko nang makipagtalo dahil alam kong doon siya magaling. Pinagpatuloy ko na lang ang trabahong ibinigay niya, pilit na binabalewala ang kabog sa dibdib ko at ang katotohanang ang bagong Presidente ng kumpanya ay hindi lang basta boss—siya ang pinakamalaking distraction sa buhay ko ngayon.
Sa wakas, natapos ko rin ang huling slide. Halos lumuwa na ang mga mata ko sa antok at pagod. Pasado ala-una na ng madaling araw.
"Done," mahina kong sabi habang ini-save ang file. "I'll send this to your email, Sir."
"Good. Now, let’s go," sagot niya habang tumatayo at kinukuha ang kanyang gamit.
Sabay kaming bumaba sa parking lot. Tahimik na ang paligid at tanging ang mga sapatos lang namin ang umaalingawngaw. Nang makarating kami sa tapat ng kotse ko, mabilis kong nilabas ang susi sa bag ko. Pero bago ko pa ito maipasok sa pinto, naramdaman ko ang isang mainit na kamay na humawak sa palad ko.
"Give it to me," seryosong sabi ni Kael.
"Ano po? Sir, kaya ko namang mag-drive," giit ko habang pilit na binabawi ang susi.
Hindi siya natinag. Sa halip, lalo siyang lumapit sa akin, sapat na para maamoy ko ulit ang kanyang perfume na tila naging mas matapang sa lamig ng gabi.
"Look at your eyes, Talia. You're barely holding them open. You are too exhausted to drive, and I won't risk you getting into an accident on my watch."
"Pero paano ang sasakyan niyo?" tanong ko.
Inagaw niya nang tuluyan ang susi mula sa kamay ko at binuksan ang pinto ng driver's seat para sa akin—pero para paupuin ako sa shotgun seat.
"My driver is already behind us, following in my car. Now, get in. I’m driving you home, and that’s a presidential order."
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Pumasok ako sa passenger seat at sumandal. Sa totoo lang, tama siya, parang anumang oras ay bibigay na ang katawan ko. Pagkaupo niya sa driver’s seat, naramdaman ko ang pag-adjust niya sa upuan.
Habang binabaybay namin ang kalsada pauwi, unti-unting pumikit ang mga mata ko. Bago ako tuluyang makatulog, narinig ko pa ang mahina niyang boses.
"You're a fighter, Talia. But even fighters need to rest. Sleep. I'll wake you up when we're there."
Nagising ako nang maramdaman kong huminto na ang sasakyan. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at laking gulat ko nang mapagtantong nasa tapat na kami ng aming gate. Ang mas ikinagulat ko ay ang taong nakatayo sa labas, sa ilalim ng poste ng ilaw.
"Daddy?" bulong ko, biglang nagising ang buong diwa ko.
Nakatayo si Daddy, nakahalukipkip at bakas ang pag-aalala, at pagtataka—sa kanyang mukha. Tiningnan ko si Kael, na kampante lang na nakahawak sa manibela.
"I think your father has been waiting for you," kalmadong sabi ni Kael. Pinatay niya ang makina at naunang lumabas ng kotse.
Mabilis akong bumaba, muntik pa akong matisod sa sobrang taranta. "Dad! Bakit gising ka pa?"
Hindi ako sinagot ni Daddy. Ang paningin niya ay nakatuon kay Kael na ngayon ay pormal na nakatayo sa harap niya. "Talia? Bakit ang bagong Presidente ng kumpanya ang nagmamaneho ng sasakyan mo?"
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Ah, Dad... kasi..."
Lumapit si Kael at inilahad ang kanyang kamay kay Daddy nang may buong paggalang.
"Good evening, Mr. Benetiz. I apologize for the late hour. I gave Talia a heavy task today, and she stayed late to finish it. I couldn't, in good conscience, let her drive home in her state of exhaustion."
Tinanggap ni Daddy ang kamay ni Kael, pero nanatili ang mapanuring tingin nito. "Mr. President, I appreciate the concern for my daughter's safety. Pero hindi ba masyadong 'personal' ang paghatid mo sa kanya?"
Ngumiti si Kael, ang ngiting nakakaloko na ibinibigay niya sa akin kanina sa opisina, pero ngayon ay may halong respeto.
"She's a valuable asset to the company, Sir. And as a major stockholder's daughter, she deserves the best protection. Besides..."
Tumingin si Kael sa akin nang mabilis bago ibinalik ang tingin kay Dad.
"Talia and I have a very interesting way of working together. I’m sure we’ll be seeing more of each other."
Naramdaman ko ang panlalamig ng mga kamay ko. Anong ibig niyang sabihin sa "seeing more of each other"?!
Lalo namang kumunot ang noo ni Daddy, na tila may nararamdamang hindi maganda sa hangin.
"Is that so?" matipid na sagot ni Daddy. "Talia, pasok na sa loob. Mag-uusap tayo."
Binalingan ako ni Kael at iniabot ang susi ng kotse ko. "Get some rest, Talia. I expect that proposal on my desk at 8:00 AM sharp. Don't be late."