Talia POV
Pagpasok na pagpasok pa lang namin sa loob ng bahay, ramdam ko na ang bigat ng tensyon. Hindi pa man ako nakakapag-tanggal ng sapatos, hinarap na ako ni Daddy sa sala.
"Talia, maupo ka. Mag-usap tayo," seryosong bungad ni Daddy. Naupo ako sa sofa, pilit na iniiwasan ang kanyang mga mata.
"Dad, trabaho lang 'yun. Masyadong maraming pinagawa si Sir Kael kaya inabot ako ng madaling araw. He was just being a gentleman," depensa ko, kahit na deep inside ay kinakabahan ako.
"Isang araw pa lang siya sa pwesto, Talia. Isang araw pa lang pero ganyan na ang closeness niyo?" tanong ni Daddy, ang boses niya ay mababa pero puno ng awtoridad.
"Talia, alam mo kung gaano kagulo ang pulitika sa loob ng Seven Pillars. Kael is brilliant, yes, but he is also a shark. Hindi siya basta-basta nag-aaksaya ng panahon para mag-drive ng isang employee pauwi kung wala siyang ibang intensyon."
"Wala siyang ibang intensyon, Dad! Sa totoo lang, naiinis nga ako sa kanya dahil napaka-demanding niya," pagsisinungaling ko.
"Sana nga ay ganoon lang," buntong-hininga ni Daddy. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko.
"I’m warning you, anak. Huwag kang mahuhulog sa mga ngiti ng lalaking 'yan. He is the new President, and you are my daughter. Any 'connection' between you two beyond work will be used by the other stockholders to pull us down. Ayokong mabahiran ang pangalan mo o ng pamilya natin ng kahit anong scandal."
Natigilan ako. Hindi ko naisip ang side na 'yun. Para sa akin, ang problema ko lang ay ang kahihiyan ko sa "bayarang lalaki" at may nangyari sa amin incident, pero para kay Daddy, business at reputasyon ang nakataya.
"And one more thing," dagdag ni Daddy bago siya tumalikod. "I saw how he looked at you. Hindi 'yun tingin ng isang boss sa empleyado niya. Be careful, Talia. Don't let him play with you.At huwag kang magkakamali ulr dahil lang sa isang lalaki. Madala ka na sa nangyari sayo kay Vincent.
Umakyat na si Daddy sa taas, iniwan akong mag-isa sa sala na gulong-gulo ang isip. Pumasok ako sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama. Kinuha ko ang phone ko at laking gulat ko nang may makita akong notification.
New Message from: Kael
"I hope your dad didn't give you a hard time. You looked like a scared kitten earlier. See you at 8:00 AM, my favorite distraction."
Naramdaman ko ang mabilis na t***k ng puso ko. Favorite distraction? Ano ba talaga ang gusto mo, Kael?
Huminga ako nang malalim. Naalala ko ang seryosong mukha ni Daddy kanina at ang babala niya tungkol sa "politika" sa loob ng kumpanya. Dapat ko siyang i-ignore, pero alam kong hindi ako makakatulog kapag hindi ako nag-reply. Baka isipin pa niya ay masyado akong apektado sa presensya niya.
Pinindot ko ang keypad at nag-type.
To: Kael
"Thank you for the ride, Sir. Nakapasok na ako nang maayos. And don't worry, my Dad is just concerned. Goodnight."
Mabilis kong nilapag ang phone sa side table at nagtaklob ng kumot. Pero bago pa man ako makapikit, nag-vibrate ulit ito.
New Message from: Kael
"Good. Sleep well, Talia. You’ll need all the energy you can get for tomorrow. I have high expectations for that proposal... and for you."
Hindi na ako sumagot. Napayakap na lang ako sa unan ko. Bakit ba parang mas nakakapagod pa ang makipag-usap sa kanya kaysa sa mag-overtime?
Kinabukasan: 7:45 AM
Nagmamadali akong pumasok sa office. Medyo masakit pa ang ulo ko dahil sa kulang na tulog, pero kailangan kong maging on time. Naka-pencil skirt ako at puting blouse, pilit na tinatakpan ng concealer ang dark circles sa ilalim ng mga mata ko.
Pagdating ko sa tapat ng opisina niya, huminga muna ako nang malalim para pakalmahin ang kaba ko. Professional, Talia. Maging professional ka lang.
Tok! Tok! Tok!
"Come in," rinig kong boses mula sa loob.
Pagpasok ko, nakita ko si Kael na nakatayo sa tabi ng coffee machine sa gilid ng opisina niya. Wala pa siyang suot na coat, tanging white long sleeves lang na tupi ang manggas. May hawak siyang dalawang tasa ng kape.
"Exactly 8:00 AM. I like punctuality," nakangiting sabi niya. Inabot niya sa akin ang isang tasa. "Here. I figured you'd need this more than I do."
"S-salamat po, Sir," kinuha ko ang kape. "Heto na po ang proposal." Inilapag ko ang folder sa mesa niya.
Lumapit siya sa mesa at binuksan ang folder. Habang nagbabasa siya, nananatili akong nakatayo sa harap niya. Ang katahimikan sa loob ng kwarto ay nakakabingi, hanggang sa bigla siyang tumingin sa akin.
"This is impressive, Talia. The strategy for the youth market is spot on. But there's one thing missing here."
"Ano po 'yun?" tanong ko, kinakabahan na baka may mali akong nagawa.
Umikot siya sa mesa at tumayo sa mismong harap ko. Masyadong malapit.
"The presenter. Gusto kong ikaw ang mag-present nito sa board meeting mamayang 2:00 PM. And your father will be there."
Nanlaki ang mga mata ko. "Po? Pero Sir, associate lang ako. Dapat si Grace o ang Manager namin ang mag-present niyan!"
Literal na uminit ang palad ko sa hawak kong tasa ng kape. Ako? Mag-pe-present sa harap ng mga big boss at ni Daddy? Napatingin ako kay Kael. Seryoso ang mukha niya, walang halong biro. Alam kong sinusubukan niya ako—hindi lang bilang empleyado, kundi kung hanggang saan ang tapang ko.
"Okay, Sir. I'll do it," matatag kong sagot.
Bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya. "That's the spirit. 2:00 PM. Don't let me down, Talia."
2:00 PM - The Presentation
Nang pumasok ako sa boardroom, ramdam ko ang bigat ng tingin ng lahat. Nakaupo si Daddy sa dulo, at bakas sa mukha niya ang gulat nang makitang ako ang may hawak ng clicker sa harap. Si Kael naman ay nakaupo sa gitna, kampante at tila naghihintay ng isang palabas.
"Good afternoon, everyone," panimula ko. Noong una ay nanginginig pa ang boses ko, pero nang makita ko ang isang maliit na tango mula kay Kael, tila nagkaroon ako ng lakas ng loob.
Ipinaliwanag ko ang bawat anggulo ng marketing proposal. Ipinakita ko ang mga data, ang target audience, at kung paano natin mapapataas ang sales sa bagong acquisition ng kumpanya. Nawala ang kaba ko, naging passionate ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko.
Nang matapos ako, natahimik ang lahat.
"Excellent work, Ms. Rodriguez," sabi ng isa sa mga board member. "Very fresh perspectives."
Napatingin ako kay Daddy. Nakita ko ang isang tipid na ngiti at ang pagtango niya. Proud siya, at sapat na iyon para gumaan ang loob ko. Pero bago pa man ako makahinga nang maluwag, nagsalita si Kael.
"I agree. It was a flawless presentation. Since Ms. Talia knows this project inside and out, I am appointing her as the Lead Coordinator for this campaign. She will be reporting directly to me from now on."
Muntik ko nang mabitawan ang clicker. Directly to him?! Nakita ko ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon ni Daddy. Mula sa pagiging proud, naging seryoso uli ang mukha niya. Alam ko ang iniisip niya, ito na ang sinasabi niyang "connection" na iniiwasan namin.
Matapos ang meeting, isa-isang lumabas ang mga board members. Naiwan kami ni Kael at ni Daddy sa loob.
"Mr. President," tawag ni Daddy habang tumatayo. "Don't you think it's too much responsibility for an associate? Masyadong maaga para i-promote siya bilang Lead."
Lumapit si Kael kay Daddy, ang kamay ay nasa bulsa ng kanyang trouser.
"She proved her worth today, Mr. Benitez. This isn't about favoritism. It's about results. And besides..."
Tumingin siya sa akin nang may kakaibang kislap sa mga mata.
"...I want the best people working closely with me. I'm sure you want the same for your daughter's career, right?"