Kael POV Ilang araw na, pero nasa ICU pa rin si Talia. Tinawag ako ng doctor kaninang umaga. Maingat ang mga salita niya, pero ramdam ko ang bigat ng balita. “Malakas po ang pagkakatama sa ulo ng pasyente,” sabi niya. “May namumuong dugo—blood clot. Posible pong kailanganin ng operasyon.” Parang biglang nanlamig ang buong katawan ko. Nanginig ang mga kamay ko. Hindi ako makapagsalita. Diyos ko… ngayon pa lang kami nagsisimula. Hindi pa ako nakakabawi. Hindi ko pa naipapakita sa kanya kung gaano ko siya kamahal. At ngayon, ganito. Ang anak ko naman ay stable na, pero under observation pa rin. Seven months lang siya—maliit, marupok. Nasa incubator pa rin. Habang nakatayo ako sa harap ng salamin ng NICU, hindi ko napigilan ang umiyak. Ang liit-liit niya. Ang daming tubo. Ang daming ka

