Kael POV Pinatawag kami ng doctor sa labas. Tahimik ang boses niya, maingat sa bawat salita, parang ayaw kaming masaktan nang tuluyan. “May amnesia po si Mrs. Rivas,” paliwanag niya. “Pero base sa findings, panandalian lamang ito.” Parang may gumaan at bumigat sa dibdib ko nang sabay. “Hindi naman po siya totally nakalimot,” dugtong ng doctor. “Kilala pa rin niya ang mga magulang niya. Ibig sabihin, may mga alaala pa siyang buo.” Tumango ako, pilit kumakapit sa pag-asang iyon. “Pero…” huminto siya sandali. “May mga bahagi ng memorya niya na hindi pa bumabalik.” Alam ko na. Ramdam ko na. “At ang masakit,” patuloy ng doctor, “ang natatandaan niya ay si Vincent—Nakalimutan niya ang mga sumunod na nangyari pagkatapos noon… pati kayo, Mr. Rivas, at ang anak ninyo.” Parang may kumurot

