Talia POV Hindi ko alam kung anong malas ang dumating sa buhay ko. Matapos akong pilitin ni Kael na sumama sa "inspection" na ito sa Quezon, heto kami ngayon, nakatigil sa gitna ng masukal na daan, malayo sa kabihasnan, at pinapalibutan ng naglalakihang puno sa gitna ng malakas na ulan. "Sinabi nang huwag dito dumaan, eh! Shortcut pa ang gusto mo, ayan tuloy!" bulyaw ko kay Kael habang pinapanood siyang bumalik sa loob ng sasakyan, basang-basa ang kanyang puting polo. "The engine is dead, Talia. And there’s no signal here," mahinahon niyang sagot, pero bakas ang pagod sa kanyang boses. Inalis niya ang kanyang suot na salamin at hinawi ang basang buhok. "May nakita akong maliit na inn mga limandaang metro mula rito. We have to walk." Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Bitbit ang ak

