Talia POV Eksaktong isang oras, isang itim na SUV ang huminto sa tapat ng inn. Isang lalaking naka-uniporme ang bumaba at iniabot kay Kael ang ilang paper bags mula sa isang sikat na brand. "Here," inabot ni Kael sa akin ang isang bag. "Magbihis ka na. We have a long day ahead ko, tama ang size. Naramdaman ko ang panlalamig ng sikmura ko. "How did you know my exact measurements, Kael? At bakit pati ito... bakit mo binili?" Lumapit siya sa akin, ang kanyang mga mata ay nanunuot na naman. "I told you, Talia. I pay attention to details. Whether it's a marketing proposal or the woman I'm with... I make sure I know everything. Now, wear them. Isipin mo na lang na bahagi 'yan ng 'company benefits' mo." Habang nagbibihis ako sa loob ng banyo, hindi ko mapigilang mapaisip. Unti-unti na

