Talia POV “Ano ba ’yan,” napabulong ako. “Naiwan ko na naman ang towel ko.” Ever since talaga, sakit ko na ’yon, tuwing naliligo, palaging may nakakalimutan. Siguro dahil sanay akong may sarili akong kuwarto noon, walang iniisip na may makakakita. Katulad ng nakagawian, lumabas ako ng banyo na wala pang suot, bimpo lang ang gamit ko para patuyuin ang basa kong katawan. Eksakto nang makalabas ako— Bumukas ang pinto. “Kael—!” napasigaw ako. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang unang tatakpan ko, ang sarili ko o ang hiya ko. Naramdaman ko ang titig niya, hindi ko man makita agad ang mukha niya. “Kael, lumabas ka muna!” sabi ko, nanginginig ang boses. Doon lang siya parang natauhan. Agad siyang tumalikod at lumabas ng kuwarto nang hindi nagsasalita. Ako naman ay dali-d

