Talia POV May event kaming pupuntahan, isang auction, kaya dumaan muna kami ni Kael para magpasukat ng gown. Nang isuot ko ang napiling gown, nanlaki ang mga mata niya. Bagay na bagay raw sa akin, kahit halata na talaga ang tiyan ko. Ang bilis ng panahon. “Bagay na bagay sa’yo,” sabi niya, may ngiti sa labi. “Mas lalo kang gumanda. Magandang buntis.” Ngumiti lang ako, medyo naiilang pero masaya. “Makikilala mo na rin mamaya ang Seven Pillars,” dagdag niya. “Nasa event place sila.” Tumango ako. Hindi pala basta businessman lang si Kael. Isa rin siyang bahagi ng mundong akala ko’y tsismis lang noon. Totoo pala ang mga bulungan, totoo ang Seven Pillars. Unti-unti, parang may nahuhubaran sa pagkatao ni Kael. Unti-unti ko siyang mas nakikilala… at kasabay noon, mas lalo akong napapaisip

