Talia POV Pagkatapos ng auction, nagsimula na ang mas pormal na bahagi ng gabi, ang pakikisalamuha. Isa-isang lumalapit ang mga tao kay Kael. Mga ngiting may halong respeto, interes, at minsan ay pagsusuri. Sa bawat pagpapakilala, hinahawakan niya ang likod ko o ang kamay ko, maliit na kilos, pero malinaw ang mensahe. “This is my wife, Talia,” paulit-ulit niyang sabi. Sa bawat ulit, parang mas tumitibay ang tindig ko. May lumapit na isang matandang negosyante. “She’s glowing,” sabi niya. “You’re lucky, Kael.” Ngumiti si Kael. “I know.” Saglit akong napatingin sa kanya. Walang yabang sa tono niya parang simpleng katotohanan lang. Maya-maya, nakita namin ule sina Damon at Amara. Yumakap si Amara sa akin ule, ramdam ko ang tahimik niyang suporta. Si Damon naman, isang tango lang ang i

