Talia POV Masaya akong kasama ang Mommy ni Kael. Kami lang dalawa ang namamasyal, at pakiramdam ko para ko na rin siyang tunay na ina. May kasama lang kaming personal assistant niya at ilang bodyguard. Nag-ikot kami sa department store. Maya-maya, may nakita akong mga necktie, simple pero elegante. Bagay kay Daddy at kay Kael. Napangiti ako at kumuha ng tatlo. “Oh wow, that’s nice, hija,” sabi ng Mommy ni Kael. “Kanino ang mga ’yan?” “Kay Kael po, kay Daddy ko po, at kay Daddy Romeo,” sagot ko, tukoy ang daddy ni Kael. “Tig-isa po sila.” Ngumiti siya, halatang natuwa. Matapos kong magbayad, dumiretso kami sa ladies’ section. Bigla siyang huminto at may kinuha. “Hija, bagay sa’yo ’to,” sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko, mga nighties na halatang huhubog sa katawan ko.

