Talia POV Balisa ako. Hindi ako makatulog. Bigla akong nag-crave, kung kailan medyo malaki na ang tiyan ko, saka naman ako tinatamaan ng ganito. Pakiramdam ko si baby na mismo ang humihingi. Blueberry cheesecake. Parang sobrang sarap niya sa isip ko. Alam kong may café lang sa loob ng subdivision, kaya naisip kong hindi na lang gigisingin si Kael. Konti lang naman. Sandali lang ako mawawala. Dahan-dahan akong bumangon, nagbihis, at kinuha ang susi ng kotse ko. Tahimik ang buong bahay habang palabas ako. Walang ilaw. Walang ingay. Maya-maya, nasa sasakyan na ako. Pero bigla akong hinarang. “Sorry, Ma’am,” sabi ni Ramon, isa sa mga bodyguard ni Kael. “Hindi po talaga puwede.” Napabuntong-hininga ako. “Ramon, malapit lang ’yon. Sa loob lang ng subdivision.” Umiling siya. “May bilin p

