Talia POV “May check-up nga pala ako ngayon,” sabi ko kay Kael habang nag-aayos ako. “Really?” sagot niya agad. “Okay, I’ll come with you.” “Hindi ka papasok?” tanong ko. Umiling siya. “Not today. I want to spend time with you and our baby.” Napangiti ako sa narinig ko. Masaya ang puso ko. Dati kasi, tuwing magpapa-check up ako, si Mommy lang ang kasama ko. Pagdating namin sa hospital, napansin kong maraming napapatingin kay Kael, kahit mga kapwa ko buntis. Hindi ko sila masisisi. Gwapo naman talaga ang napangasawa ko. Nang kami na ang tinawag at nagsimula ang ultrasound, hindi ko maiwasang silipin ang mukha ni Kael. Kita ko roon ang saya—yung totoong saya. “See your baby,” sabi ng Doctor habang nakaturo sa screen. “He’s healthy.” Napangiti ako, pero mas lumaki ang ngiti ni Kael n

