Talia POV Pagkatapos ng sayawan, bumalik kami sa mesa. Isa-isa kaming nilapitan ng mga bisita, may yakap, may bati, may payo tungkol sa pagiging mag-asawa. Ngumiti ako, tumango, nagpasalamat. Paulit-ulit. Nakakapagod. Si Kael, nariyan lang sa tabi ko. Kapag napapagod ako, kusa niyang hinahawakan ang likod ko. Kapag matagal ang kausap ko, dahan-dahan niyang ipinapasok ang kamay niya sa pagitan namin, isang tahimik na sapat na. “Pagod ka na,” sabi niya nang halos pabulong. Hindi tanong. Pahayag. “Kaunti,” amin ko. “Gusto mo bang magpahinga muna?” tanong niya. “Sabihin mo lang.” Tumango ako. At parang iyon lang ang hinihintay niya, agad niyang kinausap ang coordinator, maayos, kalmado. Ilang minuto lang, pinayagan kaming umakyat sa bridal suite para magpahinga sandali. Sa elevator, tah

