XYLARA REYNA VIOLA
AFTER 3 YEARS
Nakaharap ako sa malaking salamin habang iniisa-isang isinusuot ang aking uniform.White blouse tucked into above the knee length navy blue skirt, navy blue coat with Whiz Franklin University logo on the upper left side.The last thing I wore was my three inches black stiletto.
Hinayaan ko lang nakalugay ang aking basang buhok na hanggang dibdib ang haba. Nag apply ng very light na make up. Konting suri pa ng sarili sa salamin, hanggang na satisfy ako sa aking simpleng ayos.
Dinampot ko sa kama ang aking bag, at cellphone na nasa bedside table, saka bumaba. I'm all set. Lunes ngayon at maganda ang panahon sa labas. Ganado akong pumasok.
Ini lock ko na ang pintuan ng bahay. Umalis na si auntie Vanessa para ihatid si Janessa sa school, mas maaga kasi ng isang orasa ang pasok niya, kesa sa alas nuwebe kong first period. Matapos ihatid ni auntie si Janessa sa school ay nagbubukas na siya ng coffee shop.
Mula sa bahay nina auntie, kailangan kong maglakad at lagpasan ang limang bahay para marating ang kanto na nasa labas ng subdivision, kung nasan ang terminal ng tricycle.
WHIZ FRANKLIN UNIVERSITY
"Heto po ang bayad manong."
Iniabot ko ang dalawampung pisong barya sa driver ng tricycle na sinakyan ko.
Inumpisahan ko ng lakarin ang daan papasok ng gate.Kasabayan ko man ang iba pang studyante papasok, hindi kami nagsisiksikan.Malayong-malayo sa ibang university na may iksenang traffic sa gate tuwing umaga.
Kursong Business Administration ang kinuha ko. Hindi na ako nagtangka pang mamili ng iba, dahil alam ko naman ang guhit ng aking palad. Charot. Tinalakan ako ni mommy. Sabi niya, saakin naman papunta ang lahat ng meron siya ngayon. Hindi na ako pumalag pa't baka bawiin niya ang pagpayag niyang dito ako mag-aral. Pauwiin pa ako nun sa mansion ora-orada.
Ever since ay scholar na ako rito. Pabago-bago ako ng sponsor dahil iba-iba ang offer ng mga kumpanya. Halimbawa, may paaral na sila may additional allowance pa.Sa iba naman ay paaral at libreng dorm. Hindi ako kailan man nahirapang lumipat ng sponsor, dahil matataas ang marka ko. Over qualified? Charot.
Nasa huling taon na ako ng aking pag-aaral. Currently, ang sponsor ko ngayon ay ang Judwung Company. Paaral at may allowance akong na tatanggap sa kanila. Hindi na ako naghabol sa ibang company na may libreng dorm since may trabaho ako sa coffee shop ni auntie at doon narin ako sa kanila nakitira.
"Reyna!"
Napalingon agad ako sa dalawang boses na tumawag sakin.I knew that voices. No other my close friends, Mhina and Nikki. Nagtatatakbo silang dalawa na lumapit saakin.
"Anyare?" pagtakataka ako sa dalawa. Kailangan ba talagang tumtakbo? Hinihingal tuloy! Napalunok si Mhina bago nagsalita.
"Si-Si Miss Pia nakasalubong namin." She's pertaining to one of our instructions .
Nakataas ang isa kong kilay dahil sa sinabi niya.Hindi ko ma gets. "What about her?"
"She's looking for you.Papunta sya sa office ni Miss Alica," sagot ni Nikki na habol ang hininga, "And guess what,sabi nya saamin na sana masaya ka raw sa grades mo."
My jaw drop! Anong ibig sabihin nya? Hinahalukay ko sa ka loob looban ng utak ko kung bakit nasabi iyon ni Miss Pia. Sasaya ba ako? She's telling sana masaya ako, but I feel the other way! Bakit?
"Reyna, its giving me goosebumps! na aalala mo pa ba yung time na napahiya sya sa isang clase natin?" paalala sakin ni Mhina.
There! Naalala ko na. Hindi naman dapat ikahiya ni miss Pia ang ginawa ko.May sinulat syang article sa board that time at nagkataon naman na nag advance research ako sa topic na iyon.Nagulat ako sa sinulat nya sa dahil mali yun!
From the bottom of my heart I have no intention to humiliate her in front of the class. I just corrected her mistake at ginawa ko naman iyon sa malumanay na paraan ng pagkakasabi sa kanya.I don't think what I did is inappropriate, nung'kang matapos ang clase namin na mali ang pinagpapaliwanag niyang article!
Napalunok nalang ako nang maalala kong scholar pala ako ng unibersidad na ito. "Binagsak kaya niya ako?" nanghihinang sabi ko.
Naka pamaywang na ngayon si Nikki na problemado narin para saakin. "I can't imagine Miss Pia's anger came this far."
I think they're thinking what I'm thinking.Yung grades ko at scholarship.
"Miss Pia is playing unfair! At ito din namang mga boys na classmates natin, tumawa tawa pa kasi sila kaya feeling yata nung dalagang titser natin e'napahiya sya," hindi narin napigilan ni Mhina ang mag labas ng opinion
"Feeling ko rin, hindi kaya totoo ang chismis na may crush si Miss Pia sa classroom natin? Kasi if thats the case ay mas lumagablab yata ang apoy niya para saakin," mas dumoble ang panghihina ko, kumalat na sa buo kong katawan.
"What about your scholarship?" unison na tanong ng dalawa.
Humugot ako ng isang malalim na paghinga at lakas bago ako sumagot, "Saka ko na iisipin yan, tara na ma la-late na tayo sa first period natin." I need to energize myself kahit na sinalubong pa akong ng negavibes ngayong umaga.
Hindi pa naman kami sigurado kung binagsak ba talaga ako ni miss Pia.Pwedi ko pang ipagdasal yun. Lord, wag naman sana. Kahit mababa yung grade ko ayus lang basta wag naman bagsak.
... ... ...
Alas kuwatro ng hapon at nasa Janessa Coffee Shop na ako. Ito lang ang nag-iisang coffee shop na nasa tapat ng Fujisawa Tower Mall.
"Reyna, kainin mo yang chocolate cake na nasa kusina para sa'yo yan." Narinig ni ko si auntie mula sa labas ng kuwarto.
Nasa loob ako ng kwarto dito sa coffee shop.Pinasadyang palagyan ni auntie ng kuwarto sa likurang bahagi dahil dito naglalaro si Janessa kapag walang pasok. Malaki ang kuwarto, may kama, may aparador din kami para paglagyan namin ng gamit.
"Okay po auntie, salamat," saad ko habang hinuhubad ang ang uniporme ng Whiz Franklin upag magpalit ng uniporme namin dito sa coffee shop.
Una kong isinuot ng puting blouse saka binutones ang harap, sunod ay ang itim na slacks at itim na sapatos. Itinali ko ang aking buhok na naka pony tail, saka isinuot ang itim na apron na may malaking printa ng logo ng Janessa Coffee Shop.
Tinitigan kong mabuti ang aking sarili sa salamin. Inayos ko ng kaunti ang aking make up para presentable naman akong tingnan.
Lumabas na'ko ng silid at nagtungo sa maliit naming kusina. Nakita ko ang isang slice ng chocolate cake sa ibabaw ng mesa. May toppings pa iyong cherry at strawberry. Bigla kong naramdaman ang paglalaway ng aking bibig. Kumuha ako ng tinidor saka tinikman iyon.
"The best ka talaga Vanessa!"
Sigaw ko para marinig ni auntie Vanessa ang puri ko sa kanyang chocolate cake.Narinig ko pang tumawa si auntie bago sumagot.
"Ubusin mo yan 'ah."
Natawa narin lang ako. Hindi ko kasi siya tinatawag na auntie kapag gusto ko siyang asarin o lambingin.
Bukod sa kape, may naka display din kaming mga cake na gawa mismo ni auntie Vanessa. Isa din ito sa binabalik balikan ng aming mga costumers.
" Auntie tapos na akong kumain ako na muna dito, mag-aalas singko na si Janessa nasan? " tanong ko. Hindi ko kasi nakita si Janessa nang dumating ako kanina.
"Oo nga pala, sige ikaw muna rito at susunduin ko muna sa school. Naku, magrereklamo nanaman yun dahil antagal ko." Hinubad niya ang kanyang apron upang maghanda sa kanyang pag-alis.
" Sige po."