Habang wala pang costumer ay nakaupo lang ako malapit sa counter area habang nagbabasa ng libro. Madali lang naman bantayan ang coffee shop ni auntie Vanessa dahil hindi naman gano'n karami ang table namin dito sa loob. Kadalasan pa sa mga costumers namin dito ay take out kung mag order.
Naagaw ng kumalansing na bagay ang aking attention.Iyon ang dekorasyon na sinabit ni auntie Vanessa sa pintuan ng coffee shop na tumutunog tuwing nagbubukas og nagsasara ang babasaging pintuan.
Ibinaba ko kaagad ang librong hawak ko at tumayo."Good Afternoon sir," bati ko sabay ngiti pero hindi man lang nag response ang costumer. Well, sanay naman na ako dyan. Deadma.
Nakita kong umalis na ang dalawang costumer ko sa table one at umupo ang bago kong costumer sa table two.
Hinintay ko syang lumapit at mag order ng gusto niyang kape pero nakaupo lang ito. Siguro may hinihintay na kasama?
Sampung minuto na ang nagdaan pero hindi parin umuorder ang lalaki na nasa table two, tingin ko bagong costumer namin ito.
Dahil gusto kong magkaroon nanaman kami ng regular costumer ay kinuha ko ang menu. Plano kong mag offer ng marasasarap naming tinda. Inayos ko muna ang apron na suot ko saka naglakad papalapit sa table two.
"Good afternoon sir, ito po yung menu namin," nakangiti ko pang sabi sakanya sabay abot sa menu.
Imbis na sumagot biglang tumayo ang lalaki sa harapan ko, sa aking pagkagulat napahakbang ako paatras.
Problema nito?
He's wearing black leather jacket and a cap. Hindi ko makitang mabuti ang mukha niya dahil sa cap niyang suot.
"Uhm, Sir ooder po ba kayo?" hininaan ko lang yung boses.Nasa gilid lang niya akong nakatayo.
Holdaper kaya ito? Wag naman sana.
Sa gitna ng aking pag-iisip ng kung ano-ano, nagsalungat ang aking kilay sa pagkabigla. Hinuhubad niya ang kanyang suot na leather jacket habang nakatayo siya sa aking harapan.
Ewan ko ba, pero parang nag slow motion ang mundo ko. My eyes are glued on his biceps. Itinakip ko ang menu sa aking bibig saka palihim na napalunok.
Nang tuluyang mahubad ang kanyang jacket ay inilapag niya ito sa mesa, now he's wearing a plain white shirt which perfectly fits his body.
"Gusto kong gawing exclusive ang lugar na'to."
Na statuwa ako nang marinig ko ang baritonong boses niya.Geez, his voice!
"Nakikinig kaba?"
I didn't realize that he had taken off his cap. I gulped again. What's in front of me made me stiff!. His blue eyes landed on my gray ones.
My eyes traveled into his intire face. Fringe up hair, proud nose, manolid blue eyes. It's seamless! I bit my upper lip as I stared at his sharp lips.
"Ngayon ka palang ba nakakita ng isang Filipino-Japanese na may asul na mata? o should I say guwapong lalaki."
A voice filled with irritation awakens my attention. I looked back and pretended to look at the menu to fix my thoughts. When I regained my senses, I returned my gaze to him.
"Oh, sorry po sir. I'm suspecting you as a holdaper than guwapong lalaki na sinasabi ninyo," I said in a neutral tone.
Heavens! gusto kong mag react sa sinabi niyang guwapong lalaki. Kahit sabihin na nating totoo, masyado naman siyang proud.Prudence, Reyna,prudence!
He sigh.He sat down properly and stared at the floor to ceiling glass window before answering me.
"I want to make this place exclusive for me.Hindi ako magtatagal.I dont care magkano." He rested his two elbows on the table and placed his chin on the back of his palms.
Inilapag ko ang menu sa mesa saka hinugot ang cellphone sa bulsa ng aking apron. "Tatawagan ko muna ang amo ko,sir." Tumalikod na ako at tinawagan si auntie Vanessa.
"Hello Reyn?"
Narinig ko si auntie sa kabilang linya. "Auntie may costumer tayong gustong
i exclusive itong shop," agad kong saad sa kanya.
"Kailan?"
"Ngayon po.As in now."
"Madilim na tsaka wala kang kasama mag-aasikaso dyan," may pag-aalalang tono sa boses ni auntie.
"Sabi nya hindi naman daw sya magtatagal, wala din syang kasama auntie," paliwanag ko.
"Exclusive siya lang mag-isa?" tanong niya saka nahinto para mag desisyon, "Pwedi naman pero alas sais na kasi kaya hanggang nine ng gabi lang pwedi.Five thousand."
Tumango ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita. "Okay po. "
"Reyn, puwedi ba ikaw na muna ang magsara ng shop ngayon? Inuwi ko na agad si Janessa sa bahay dahil nilagnat sya," pakiusap niya.
"Okay po, walang problema."
Hindi ko na pinatagal ang tawag at nagpaalam na kay auntie. Humarap akong muli sa nag-iisa kong costumer ngayong gabi.
" Sir, five thousand until nine in the evening. "
Tumango lang siya kaya nag assume na ako na okay na. Tumalikod ako at lumapit sa pintuan upang lagyan ng sign ang glass door. Exclusive.
I took a deep breath. Napangiti ako dahil malaki ang kikitain namin. I think I can remit more than thirty thousand to auntie later. Secured na ang five thousand na ibabayad niya mamaya.
Malapad ang ngiti ko nang bumalik sa table two. "What would you like to drink sir?" may friendly tone ko pang tanong.
" Beer," he said.
Napataas ang dalawang kilay ko sa narinig. One word, four letters. Ano raw? Beer?
"S-sorry po sir, we don't serve beer here. Coffee shop po itong pinasukan ninyo, hindi po bar," I reminded him.
"Whatever.Just give me what I want."
Natigilan ako sa sinabi nya.Just give what he wants?Aba! problema nito?
" Sir, I'm sorry pero wala po talaga kaming beer dito. Again, this is a coffee shop and we don't serve beer, " mas tinaasan ko na ang boses ko para madama naman niyang medyo naiirita na ako sa kanya.
Without saying any word, he look at me with fierce. As far as I know, I don't owe him anything.
"You asked me what I would like to drink, I said beer.What's your problem?"
The nerve! hinarap ko siyang naka pamaywang. "Did you hear me? I said this is not a bar, this is a coffee shop!" I said every word with emphasis, "Where on earth can you find a coffee shop that sells beer? Wag mo nga akong tanungin kung anong problema ko, baka yang utak mo meron."
"Pag----"
"Hep!"agad akong nag stop sign para patigilin sya sa gusto niyang sabihin."Sir, bukas po ang pinto para sainyo, maari napo kayong lumabas. Tingin ko naliligaw kayo, beer po ng hanap nyo, kape po ang meron kami dito." Iminuwestra ko pa ang aking kamay para ituro sa kanya ang pintuan palabad ng coffee shop.
Ilang sigundo lang ang lumipas nang tumayo siya sa harapan ko. And now, we're facing each other pero nakatingala ako ng bahagya. Sa height kong five feet and five inches ay mas matangkad pa siya saakin.
Sino ba ang nag initiate ng titigan na'to?
He was staring directly into my gray eyes. Hindi ko na pinatagal ang titigan sa pagitan naming dalawa at ibinaba ko ang aking tingin. Hindi ko naman sinasadyang mapansin ang kanyang malapad na dibdib.
At my state, I'm trying really hard to refrain myself from pinning a stare on his chest. But he standing too close to me. On the spur of the moment I feel something pounding on my chest.
"Really,Reyna? Kung kanina sa mukha ko ngayun naman sa dibdib ko?"
I caught him smirking at me. Nahuli ba nya kong nakatitig? Oh'geez! and why did he know my name?
"How did you know my name?" sabi ko sabay isang hakbang paatras. I heard an insulting chuckle from him before answering me.
"Nakakatawa ka, bat'ka naman mabibiglang malaman ko ang pangalan mo kung naka name plate ka?" sinundan pa niya ng tawa.
Tiningnan ko ang name plate malapit saaking kaliwang dibdib.Inaamin ko ang tanga ko ron.Tiningnan ko siyang muli at pinandilatan. "Aalis kaba o tatawag ako ng pulis?"pag-iiba ko.Grabi Reyna, pulis agad? Saway ko sa isipan. Ah, basta. He must get out!
Inisang hakbang niya ang pagitan naming dalawa. He bend down a little para mukha sa mukha akong kausapin. "Reyna, remember this b-"
"Ang dami ko nang kailangang tandaan magdadagdag kapa?" putol ko sa sasabihin niya. I saw how he paused while pouting his lips. Effective ang pagtataray ko sa kanya.
"Always remember this face," pagpapatuloy niya sabay turo sa sariling mukha.
I smirked. Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Yes sir, matatandaan ko talaga ang mukhang yan.Ang mukhang naghahanap ng beer sa isang coffee shop," Tinuro ko ang pintuan, "Now leave," I said firmly.
Nakapamulsang naglakad palabas ang lalaking ugok habang nakasablay ang jacket niya sa kaliwang braso. Hay, salamat naman at hindi na siya nakipagtalo.
Nang tuluyan na siyang nawala saaking paningin, dahan dahan akong napaupo sa upuan kung saan siya nakaupo kanina. Kinapa ko ang aking dibdib at dinama ang bilis na pagtibok ng aking puso. Heavens! ano to?
... ... ...
Pagkarating ko sa bahay ay inaasahan kong tulog na si Janessa at auntie. Bukas ko nalang ibibigay sa kanya ang kita namin sa shop ngayong araw. Pumasok na ako sa aking silid. Pagka lock ko ng pintuan ay tumalon agad ako saaking kama.
I stared at the ceiling, nag flashback saaking isipan ang mga nangyari kanina. Pinikit ko ang aking mga mata at nagdasal na sana ay hindi ako binagsak ni miss Pia. Sana hindi ako makatanggap ng text galing sa office of University Sponsors kun'di katapusan ko na.
Hinihintay kong dalawin ako ng antok hanggang sa sumagi sa isip ko ang lalaki kanina sa shop. I could remember his face in a vivid detail.Manolid blue eyes, proud nose, sharp lips. Wait.
Hey,Xylara!what are you trying to recall?
Heavens! please, patulugin nyo na agad ako.