bc

Pregnant by a Playboy (R18)

book_age4+
95
FOLLOW
1K
READ
sex
love after marriage
arranged marriage
playboy
scandal
drama
bxg
betrayal
cheating
affair
like
intro-logo
Blurb

WARNING | MATURE CONTENT | SPG

Gentlemen Series#6

Charlize San Isidro has been single for seven-years straight already, making her friends worried for her sake. Ayaw ng mga kaibigan ni Charlize na tumanda siyang dalaga kaya ang ginawa ng mga ito, kung sino-sino na lang ang nirereto at pinapakilala sa kaniya.

But Charlize, despite being single for almost a decade already still doesn't want to be in a relationship. Pero ayaw naman niyang habang buhay na lang siyang guluhin ng kaniyang mga kaibigan. Kaya ang nangyari, nagsinungaling siya at humanap ng mga club kung saan puwedeng mag renta ng temporaryang nobyo.

Sa kabutihang palad, nakahanap naman si Charlize. Ang hindi nga lang niya alam, ang kontrata na kaniyang pinirmahan ay pang habang buhay. Pero kahit ganoon, hindi naman siya lugi dahil napaka guwapo at hulog ng langit ang lalaki na kaniyang narentahan. Okay na okay sa kaniya na makasama ito habang buhay. Pero lingid sa kaalaman ni Charlize na playboy pala ang lalaki at nagpa-plano na hiwalayan siya, at 'yon nga ang nangyari.

That boyfriend she rented left her and before he ran away, he left his own brief as a gift for her service. Lingid sa kaalaman ni Charlize, hindi lang pala brief ang iniwan, he also left a baby on her tummy.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
"Jusko, Charlize. Malapit nang lumampas sa kalendaryo edad mo pero wala ka pa ring jowa!" naiinis ang boses na bulyaw sa akin ng aking kaibigan na si Tessie. Napatigil ako sa aking ginagawa at sinamaan ng tingin ang babae. "Anong malapit na? Gaga ka! Twenty-six pa lang ako!" Sa sobrang inis, tinapon ko sa kaibigan ang hawak-hawak na nail polish. Umilag din naman kaagad ito kaya hindi ito nasapol sa mukha. "Ano bang kaibahan sa dalawa? Pareho lang naman 'yon eh, wala ka pa ring jowa!" dagdag pa ulit nito. Halos pumiyok na ang kaniyang boses dahil sa pag sigaw. Napapikit na lang ako ng aking mga mata at kinalma ang sarili. Kung hindi ko lang siguro malapit na kaibigan ang babaeng ito ay baka kanina ko pa 'to nasapak sa mukha. "Bakit ba nakikialam ka sa lovelife ko? Masaya naman 'yang lovelife mo ah! Huwag mo nang problemahin ang sa akin!" Inirapan ko ito at ipinagpatuloy ang paglalagay ng pulang nail polish sa aking mga kuko sa paa. Si Lena, isa ko pang kaibigan at kababata na kanina pa nakikinig sa aming pagbabangayan ay nakisali na rin. "Tama, huwag mo nang problemahin ang lovelife niya, Tessie. Maganda naman 'tong si Charlize, tiyak na makakahanap ito ng poging foreigner. 'Di bale, marami akong kilala na afam na bagay na bagay sa ating magandang kaibigan." At humagikhik pa ito. Napailing-iling na lang ako ng aking ulo. Akala ko ay sa aming magkakaibigan, si Lena ang pinaka matalino pero mukhang nauntog din yata ang ulo nito sa pader nang pinanganak ito. "Talaga? Ipakilala mo na mga afam na 'yan kay Charlize! Nang magka dyowa naman ang kaibigan na'tin!" usal ni Tessie at umupo sa tabi ni Lena. Ang mga mata ng dalawa ay puno ng excitement at hindi ko kilalang emosyon. "Syempre naman. Kung gusto mo eh bukas na–" "T-teka lang!" malakas ang boses na ani ko na nag patigil nga sa kanila. Bumaling ang mga tingin ng mga ito sa akin. "Ano?" taas-kilay na tanong ni Tessie. Napabuntong hininga ako at tinatagan ang aking loob. "H-huwag niyo nang ituloy 'yang binabalak niyo…" Sabay na kumunot ang noo ni Tessie at Lena dahil sa sinabi ko. Hindi ko pinansin ang kanilang naging reaksyon at napakagat na lang sa loob ng aking pisngi. "Huh? Bakit?" Ngayon ay si Lena naman ang nagtanong. Inipon ko lahat ng natitirang lakas-loob na meron ako sa katawan at binuka ang labi para magsalita, "May boyfriend na ako. Magagalit 'yon kapag nalaman niya na irereto niyo ako sa kung sino-sinong lalaki diyan sa tabi." Gusto kong palakpakan ang sarili ko nang hindi man lang ako nautal nang sabihin ko ang mga katagang iyon. Halatang nagulat si Lena at Tessie sa aking sinabi. "M-may b-boyfriend ka na?" nauutal ang boses ni Lena nang sabihin niya ang apat na salitang iyon. Kung manginig ang kaniyang boses, parang gusto ko tuloy isipin na grabe ang gulat na naramdaman nito. "W-weh? S-seryoso?" Maging si Tessie ay ganoon din. Hindi ko alam kung mapapatampal na lang ba ako sa aking noo o matatawa dahil sa kanilang reaksyon. Ganoon ka big deal para sa kanila na may boyfriend na ako. Like I mean, pitong taon na ang nakalipas mula noong nagka nobyo ako. Mula noon ay hindi ko na tinangka pa na pumasok sa isang relasyon. Kaya itong aking mga kaibigan na ang nag-aalala para sa aking lovelife kahit na ako ay chill lang talaga. "Yup! Kung gusto niyo, puwede ko kayong ipakilala sa kaniya next week!" Proud na proud ang aking boses pero sa loob-loob ko, ramdam na ramdam ko na ang panginginig ng aking mga kalamnan dahil sa kaba. "Anong say niyo mga bhe? Game kayo?" Nagkatinginan si Tessie at Lena na para bang nag-uusap ang mga ito gamit ang mga mata. Kalaunan ay sumilay ang malawak na mga ngisi sa labi ng mga ito at sabay na sumigaw, "Siyempre naman!" Ngumisi rin ako at napapalakpak na lang sa tuwa. "Okay! Ipapakilala ko kayo sa kaniya next week!" 'Yan ang sinabi ko, pero… "Bakit ba kasi ako nagsinungaling? Kung sinabi ko na lang sana na wala akong dyowa…" naiiyak na untag ko sa aking sarili. Kung kanina, si Tessie ang stress na stress dahil sa lovelife ko, ngayon ay ako naman. Kung alam ko lang na ma s-stress lang pala ako ay hindi sana hindi ko na sinabi ang mga katagang iyon. Ang totoo ay– 'Wala akong dyowa.' Nagsinungaling lang ako nang sabihin ko sa aking mga kaibigan na may dyowa ako at ipapakilala ko sila next week. Ni wala nga akong text-mate, dyowa na ba? Pero kung sasabihin ko iyon sa aking mga kaibigan, tiyak na pipilitin nila ako at ipapakilala sa kung sino-sinong mga foreigner na kilala nila. Ayaw ko no'n kaya mabuti na nagsinungaling na lang ako. "Oh? Saan punta mo?" Napahinto ako sa paghakbang nang mapansin ako ni Tessie na nanunuod ng tv mag-isa. "Huh? Diyan lang," sagot ko sa babae at lumapit sa kaniya. Yumuko ako para kumuha ng chips na nakalagay sa malaking bowl na hawak-hawak ng kaibigan. Hindi talaga ito nakakanood ng telebisyon kapag walang chips o hindi kaya ay chichirya ba hawak-hawak at kinakain. Kahit na May UTI ang babae, sige pa rin talaga sa pagkain ng junk foods! Kumunot ang noo ni Tessie at pinagmasdan ang aking kabuuan. Napatikom naman ako ng aking mga labi at umakto na parang wala lang. "Diyan lang? Pero ganiyan outfit mo?" Nanliit ang mga mata ni Tessie at nagsimulang magduda sa akin. Nanuyo ang aking lalamunan kaya hindi ko napigilang mapalunok na lang para mabasa iyon sa loob ko. "B-bakit? May problema ba sa outfit ko?" nakataas kilay na tanong ko sa kaibigan at tinago ang sling bag na dala-dala ko sa aking likod. Tiningnan ako ni Tessie sa mga mata. Sinalubong ko naman ang tingin ng babae para malaman siguro nito kung nagsisinungaling ba ako o hindi. Kalaunan ay nagpakawala nang malalim na hininga si Tessie at iwinagayway ang kamay na para bang tinataboy ako. "Sige na nga! Umalis ka na. Mabuti na lang at sa wakas at may dyowa ka na, kung wala at nako." Tumawa ako nang mahina at nagpaalam na sa kaibigan. Mabuti naman at nakaligtas ako sa mapanuring si Tessie. "Miss beautiful! Saan punta mo?" Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa bagong dating na lalaki na si Juan. Nakasakay ito sa tricycle nito at mukhang kagagaling lang sa pamamasada. "Ah, diyan lang sa tabi-tabi. Naghahanap ng flyer," tipid na tugon ko at nagsimula na namang maglakad. "Huh? Anong gagawin mo do'n? May hinahanap ka?" kuryosong usal nito at sinundan ako. "Oo." Huminto ako mula sa paglalakad nang may makitang flyer na nakadikit sa puso. Nilapit ko ang mukha at binasa ang nakalagay. Isa itong flyer tungkol sa isang kompanya na naghahanap ng mga trabahante. "Mag t-trabaho ka?" dagdag na naman ni Juan, halatang hindi ako tatantanan. Tumango lang ako sa lalaki. Wala akong gana na magsalita. Lalo na sa panahon ngayon na sobrang init at nakakahingal ang paligid. "May alam akong lugar kung saan maraming mga flyer. Baka gusto mo ihatid kita roon?" Napatigil ako sa pagbasa dahil do'n. Humarap ako kay Juan na may ngisi sa mukha. "Talaga?" Nagsimulang mamuo ang excitement sa loob ko dahil do'n. Pakiramdam ko ay matatagpuan ko na nga ang kanina ko pa hinahanap. Mas lalong lumaki ang ngisi ni Juan sa labi bago ito nagsalita, "Oo naman." "Woah… sobrang dami nga." Hindi ko mapigilan ang mapamangha habang nakatingin sa malaking board na nasa aking harap. Puno iyon ng iba't ibang klase ng flyer. "Sabi ko sa 'yo eh! Kung kanina ka pa sana sa akin nagtanong, eh hindi sana ay hindi ka nahirapan," proud na ani ni Juan na tumabi sa akin. Humarap ako sa lalaki na may nagniningning na mga mata at mabilis na kinuha ang mga kamay nito. "Thank you talaga, Juan! Hulog ka ng langit!" Hindi naman ako na inform na itong si Juan na palagi akong ginugulo araw-araw ay may silbi naman pala paminsan-minsan. Namula ang buong mukha nito at mabilis na binawi ang kamay mula sa aking pagkakahawak. "W-welcome… Kung may kailangan ka pa, sabihin mo lang sa akin. Tutulungan kita hangga't sa makakaya ko!" Napatawa na lang ako nang malakas dahil doon. Kaagad na tumigil din naman ako nang tumingin sa akin ang ibang tao na nandito. Napatikhim ako at nginitian ang namumula na si Juan. "Sige Juan! Puwede ka nang bumalik sa pamamasada." Sinunod naman nga ni Juan ang aking sinabi at umalis na nga. Humarap ako sa sandamakmak na mga flyer at nagsimulang maghanap. Hindi pa lumilipas ang limang minuto, nakita ko na agad ang aking hinahanap. "Looking for a temporary boyfriend? Don't worry, we have one for you! Just come to this address and we will prepare a handsome ready to mingle boyfie that suits your taste. Ninety percent discount plus special gift if you're wearing a red panty when you get here," basa ko malaking sulat na nasa flyer. Kumabog nang pag kalakas-lakas ang aking puso kasabay nang panginginig ng aking mga kamay. Ito na nga… ito na ang makakaligtas sa aking buhay!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
77.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
110.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
163.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
71.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
21.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook