"But I'm sure na mapipirmahan na ang kontrata" nakangiting ani ni Mr. Sarmiento na nakangiti kong tinanguan. "Napabilib mo yung owner" dagdag nya pa. "Hindi ko rin naman po magagawa iyon kundi dahil sa inyo" pahumble kong saad na tinawanan nya. "You're so humble Iha. That's why I like you" ani ni Maam Carina na inilingan ko. "Nasa lahi po" biro ko na nagpanguso naman sa kanya. Hindi na kami nakapagkwentuhan ng maayos dahil nagsidatingan na rin ang mga board na medyo nalate dahil raw sa traffic. Hindi naman ganoon katagal ang naging meeting namin dahil tungkol lang naman sa reports at data ang tinalakay. Medyo may pagka strict raw kase ang production pagdating sa data kaya no choice kami sa pag aadjust. Hindi ko rin naman sila masisi dahil magiging kapabayaan rin nila yun kung sakalin

