"Aruy. Tinamaan ka na kay Kuya noh?" Ngisi nyang saad habang nakataas ang kilay. Napamaang naman ang bibig ko dahil sa sinabi nito. "A-ano? H-hindi ah" utal kong saad kasabay ng pag iwas ng tingin. Humalukipkip at umayos naman ito sa pagkakatayo dahilan upang balingan ko ito muli ng tingin. Nakangisi ito at animong tuwang tuwa sa naging reaksyon ko. "Anong ngini-ngiti ngiti mo dyan?" Asik ko na tinawanan nya. "Ganyan ba ang hindi? Nauutal at namumula ka Maam" pangaasar nya pa na inirapan ko. "Tuwang tuwa ka rin siguro dahil pinospone yung kasal noh?" Natatawa nya pang dagdag kasabay ng pagtaas ng kilay. Hindi naman ako nakasagot dahil sa sinabi nya dahil aaminin kong.. natutuwa nga naman kasi ako. "S-sinundan kita d-dahil akala ko n-nagalit ka sakin--" "Hooohh ! Laos na yang dahilan n

