CHAPTER 2

1085 Words
Palibhasa kasi ay takot silang masaktan ang damdamin ng parents ko dati kaya naman ang mga sama ng loob nila dati ay kinipkip na lang nila. Ngayong may kapalit na sa trono ko, para na lamang akong basurang itinapon sa ilog. Walang kukuha at wala nang balak na balikan nung nagtapon. Isang singhal ang ibinigay ni Mom sa kanya kaya naman natigil si Tita sa panduduro sakin. "Can you please tell me the truth, Thalia?" pakiusap ni Mom dahilan upang magsunod sunod sa pagtulo ang mga luha ko. "Mom. Gusto ko lang namang iparanas kay Elise ang mga karanasang hindi ko naramdaman sa kamay ng mga totoo kong magulang," rason ko dahilan upang marinig kong suminghal si Tita sa likuran ni Mom. "Pathetic. Panis na yang rason mo. Ang sabihin mo gusto mo lang mawala si Elise para sayo na mabaling ang atensyon ng kapatid ko!" saad nya na tumurok sa puso ko. Wala akong nagawa kundi humikbi na lamang at yumuko. Nang araw na iyon ay ni-grounded ako ni Mom. Kahit hindi nya sabihin ay alam kong nanininiwala sya sa kapatid nya. Maski ako ay nasapul sa sinabi ni Tita. Kalahati sa pagkatao ko ay natamaan sa sinabi ni Tita pero may katiting naman sa sarili ko na nagsasabing hindi ko ainasadya ang pangyayaring iyon. "Where's Thalia?" Rinig kong tanong ni Dad sa labas ng kwarto ko dahilan upang patakbo akong pumunta sa pintuan. Bubuksan ko na sana ang pintuan pero narinig ko si Mom na nagsalita. "She's sleepy noong pumasok ako kanina." rason nya na nagpaawang sa bibig ko. Simula noong pinapasok nya ako sa kwarto ko ay hindi na ako nito pinahintulutang lumabas dahil nga sa na-grounded ako. Nagtataka rin ako dahil, bakit kailangang sabihin at magsinungaling si Mom kay Dad gayong hindi nya man lang ako pinuntahan rito sa kwarto ko. "Tawagin mo na at malapit na tayong mag dinner," yaya pa ni Dad bago ko narinig ang mga yapak nila na palayo na sa kwarto ko. "I bet she's sleeping na." sagot nito na nagpabagsak sa mga balikat ko. "May ginawa nga pala para sayo si Elise. I'm sure magugustuhan mo ito." rinig ko pang dagdag ni Mom hanggang sa hindi ko na marinig ang boses nito. Wala akong nagawa kundi mapaupo na lamang sa sahig ng kwarto ko dahil sa sobrang panlalambot. Mahal na mahal nya si Elise. Ito na rin ang hudyat ko upang palihim na magtanim ng galit at poot sa kapatid ko. "Hindi ka kumain ng tama for the past two days. May problema ka ba?" Baling ni Dad nang sandaling matapos ako sa pagkain ng dinner. Nakikita ko ang palihim na sulyap sakin ni Mom pero hindi ko na sya binalingan ng tingin. Dalawang araw akong hindi pinalabas ni Mom sa sariling kwarto. Hindi sya nagpaliwanag kung bakit nya ako kinulong pero mukhang naiintindihan ko naman kung bakit nya ginawa iyon. Hindi nga lang appropriate para sakin. "Wala po" sagot na na agad nya namang tinanguan. Alam ko at kilala ko na ang ugali ni Dad. Kapag natunugan nyang seryoso ako, that means seryoso ako. Umabit ng isang buwan ang pamamalagi ni Dad sa Europe upang makipag meeting sa mga businessman na nag alok sa kanyang mag invest sa isang sikat na kumpanya roon. Alam rin ni Dad na malaking bagay ang maitutulong ng pag invest nya sa proposal na inoffer sa kanya kaya kaagad nyang tinanguan. Bukod sa mga katulong ay si Mom lang at si Elise ang kasama ko sa bahay. "Ate. Play tayo?" Pangungulit ni Elise na tipid kong nginitian. Magsasalita na sana ako pero kaagad syang hinablot palayo sakin ni Mom dahilan upang mapaawang ang bibig ko sa ginawa. "Don't talk to your Ate. Baka magalit sayo yan" saad nya bago hinila si Elise palayo sakin. Ramdam ko ang pangingirot sa dibdib ko dahil sa ginawa nya. Parang dati lang ay sakin pa sya ingat na ingat, pero ngayon ay halos si Elise na lang ang ingatan nito. Ni hindi nya na nga ako matitigan ng maayos o kahit kamustahin man lang ako sa mga school works ko. Mabuti na lamang at nandyan si Dad at sya ang nag aasikaso sakin. Mahal ako ni Dad at ramdam ko yun. Siya ang pumupuna sa mga pagkukulang sakin ni Mom na dati rati ay hindi nya nakakaligtaang ibigay sakin pero nasa iba na ang atensyon nya. Na kay Elise na ang buo nyang atensyon Dalawang taon na ang nakalipas. Unti unti muli kaming nagkalapit ni Mom at di kalaunan ay nagkabati rin kami. Sa loob ng dalawang buwan na iyon ay unti unti ko nang natatanggap at minamahal ang kapatid ko. Actually mabait ito, siguro dahil sa anim na taon na sya kaya naman alam nya na ang mali sa tama. Tinuturuan rin ito ni Mom ng magandang asal na tiyak ko namang makakabuti sa kanya in the near future. "Basta itetext mo ako kapag nandoon ka na." nakangiting saad ni Mom na tinanguan ko. Isang halik ang iginawad ko sa pisngi nya bago lumakad palayo hawak hawak ang ticket patungong Cebu. Palabas na ako ng pintuan pero kaagad akong hinila sa kamay ni Elise dahilan upang balingan ko sya ng tingin. "Ate. Sama me," saad nya pero nginitian ko lang sya at bahagyang lumuhod upang magpantay ang tingin namin. "Kapag lumaki ka na. Dun ka lang pwedeng sumama sakin." bahagya pa akong natawa dahil sa pagnguso nito sa sagot ko. Isang halik sa pisngi ang iginawad ko bago muling tumayo at bumaling kay Mom. "Pumunta ka na. Baka malate ka sa flight mo." paalala nya na tinanguan ko na lang. Hindi man sya ganoon ka perpektong ina, para sakin naging mabuti naman sya kahit na hindi kami masyadong nagkaintindihan dati. Ilang araw lang ang itinagal ko sa Cebu at bumalik na rin rito sa Manila. Medyo nailang pa ako ng maabutan ako ni Dad sa airport at isinabay na lang pauwi sa bahay namin sa Taguig. "Kumusta ang biyahe?" Tanong ni Dad habang nasa tabi ko sya sa backseat. Dahil nga sa pagod sa biyahe ay inatasan nya na lang ang driver na sumundo samin at hindi na nag abalang magdala ng kotse. Gaya ko ay nagpunta sa America si Dad para sa isang proposal ng kumpanya ng Tito ko na nakabase sa America. Aaminin kong bakas ang pagod sa mukha ni Dad kaya naman latang lata ito sa biyahe. "Okay lang Dad. Medyo busy si Tito sa farm," sagot ko bago yumuko. Yun ang tanong na iniiwas iwasan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD