CHAPTER 1

1049 Words
Tama nga ang hinala ko. Simula noong pinagbubuntis ni Mom hanggang sa lumabas na si Baby Elise, sa kanya na lamang natuon ang atensyon ni Mom, maging ni Dad. Mapapansin lang nila ako sa twing may gagawin akong tama. Wala rin naman silang nasasabi sakin o maski kagalitan man lang ako dahil sa isang bagay na sinadya kong gawin. I mean, wala silang pakialam kapag may nagawa akong masama, like.. nawalan ng trabaho ang mayordoma namin nang dahil sa kagagawan ko. Dahil sa spoiled brat na katulad ko. "Ang ganda ng Anak ko, manang mana sa Daddy." saad ni Dad sabay haplos sa kapatid kong natutulog ngayon. May karapatan ba akong magalit gayong hindi naman ako ang totoong anak? Ang sabi nila, swerte daw si Baby Elise dahil simula noong lumabas ito ay lalong lumago ang business ni Dad. Mas nakilala ito sa business industry at marami na rin ang sumusugal na mag invest sa maliit na kumpanya na lalong lumalago sa paghawak ni Daddy. "Ang ganda naman ng anak mo." saad ni Lola sabay haplos sa pisngi ni Elise. Apat na taon na ito ngayon at masasabi kong sa batang katawan at mura nitong edad ay sumisigaw nga ang lahing ipinagmamalaki ni Daddy. "Mana sa Mommy," saad ni Dad sabay yakap kay Mom na ngayon ay nangingiti na habang pinagmamasdan si Elise na tatawa tawang tumatakbo at hinahabol ang tuta ko.. KO. Lihim lamang akong nakasilip sa damba ng pintuan habang sila Mom at Dad ay prenteng nakaupo sa table na nakalocate sa garden. Kausap nila si Lola na nakatalikod sa gawi ko habang nakaharap naman sila Mom sakin. Although hindi nila ako nakikita ay rinig na rinig ko ang usapan nila. "Anong gagawin mo sa ampon mo, Roger?" panimula ni Lola na alam ko sa sarili kong ako ang itinuturo nito. "Akala ko ay hindi na kayo magkakaanak ni Myra kaya naman pumayag ako dati na ipasa at ipangalan mo sa kanya lahat ng mana." dagdag nya pa. Alam kong ayaw ako ni Lola. Ayaw ako ng kinalakihan kong Lola na naging kasama ko ng siyam na taon. Siyam na taon na akong nasa puder nila pero ni minsan ay hindi ako nakatanggap ng yakap mula kay Lola. Mabait sya nung una pero lumabas ang totoo nitong ugali simula noong ipinanganak si Elise. "Kaya ko namang ilipat kay Elise ang lahat kapag nag legal age na sya." paliwanag ni Dad kasabay ng pagsaad ng ilang dokumento. Ipinaliwanag nya kay Lola ang lahat lahat, pati ang katiting na salita ay pinaliwanag nito upang mas lalong maliwanagan ang matanda. Confirmed. Tatanggalan ako ng mana ni Dad. Hindi nya man sinabi ng diretsyahan pero alam ko sa sariling yun rin ang kalalabasan. Maghapon akong nagkulong sa kwarto. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na 'hindi ko naman kailangan ng mana' 'hindi ko naman kailangan yun dahil kasama ko sila' 'hindi ko kailangan yun dahil ang importante sakin ngayon ay may pamilya akong kasama. Pero sa paulit ulit na pagpapakalma ko sa sarili ko ay nauuwi lamang ito sa inggit at poot. What if hindi nabuhay si Elise? What if mawala sya? Hindi ako pinalaking makasarili ng orphan. Hindi ako pinalaking selosa ni Sister Esme. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Nang gabing iyon ay may planong nabuo sa isip ko. Handa akong gawin ang lahat upang mawala lang sa landas ko si Elise. "Where are we going Ate Thalia?" Tanong ni Elise habang nakayakap sa mga binti ko. Kasalukuyan kami ngayong nasa tren at nakikipagsiksikan sa maraming tao na abala sa ibat ibang bagay. May ilang nagmamadali at mayroon rin namang gumagala lang. Alam kong kinakabahan sya dahil ngayon lang sya nakasakay ng tren. Sobrang spoiled ni Elise at lumaki sa luho dahil ni minsan ay hindi ito pinaranas na sumakay sa public vehicle ng parents namin. Di tulad ko na minsan ay palaging sumasakay sa tren o kaya ay sa taxi dahil masyadong busy si Mom at Dad sa trabaho. Nagpaalam ako kay Mom na igagala ko si Elise ngayong araw. Kaya hindi na ako magtataka kapag pinagalitan ako nito dahil hinayaan kong isakay sa tren si Elise. Well, hindi naman iyon mangyayari kung magsusumbong itong bata na ito. Binalak kong iligaw ngayong araw ai Elise pero napurnada lang ang plano ko ng makita ko si Tita na nagma-mall. Taas kilay ako nitong binalingan at napaawang ang bibig nya ng makita si Elise na hawak kamay kong kinakaladkad. "What are you doing here princess?" Maamo nyang saad sabay buhat kay Elise na ngayon ay nakangiti sa kanya. "Ate Thalia want's me to leave our house," inosenteng saad nito dahilan upang balingan ako ng masamang titig ni Tita. "No. Tita. I just wan't her to--" agad akong napatigil sa pagpapaliwanag dahil isang sampal ang iginawad sakin ni Tita. "May balak ka bang iligaw ang pamangkin ko?" Galit nyang saad dahilang upang mapatungo ako. Pansin ko ang pagbaling at bulong bulungan ng mga tao sa mall dahilan upang mas lalo akong mahiya. "Makakarating ito sa mommy mo," saad nya bago umalis kasama ni Elise. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luhang nagbadya sa pisngi ko. Aaminin kong binalak kong iligaw si Elise sa tren pa lang pero, kasi, kaagad akong kinain ng konsensya ko kaya naman mas minabuti ko na lamang na ipasyal sya sa mall upang maranasan nya naman ang mga pangarap ko noon nung bata pa lamang ako. Mga pangarap na hindi ko man lang naranasan sa kamay ng mga totoo kong mga magulang. "Did you plan it?" walang ganang saad ni Mommy habang nakapamaywang sa harapan ko. Naglalaro sa garden si Elise habang ako naman ay nakatunggo sa sofa sa living room habang hinahatulan ni Mom. Pasalamat na lang ako dahil wala si Dad ngayon at busy sa trabaho. Nanatili lamang akong nakayuko at pinapakinggan ang galit na boses ni Mom. "I told you. May pagka dimunyita yang ampon na yan" asik ni Tita habang nakaduro sa pwesto kung saan ako nakaupo. Alam kong ayaw nila sakin simula noong unang pasok ko pa lamang sa pamilyang ito. Hindi nila ito pinaparamdam sakin nung ako pa lamang ang kaisa isang anak nila Mom. Pero lumakas ang loob nila simula noong dumating si Elise. Lumakas ang loob nila nung malaman nila may tunay nang anak sila mom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD