Chapter 37 (Hint)

2429 Words

AYAW pang bumalik ni Glenn sa mansiyon kaya pinagbigyan ni Stella na doon pa rin sila sa yate mag-tutorial. Kinulit na siya nito na mamasyal sila sa bundok. “Sige na, Noname,” anito nang kumakain na sila ng almusal. “Kakausapin ko muna si Dr. Laurel.” “Call him now! I’ll talk to him!” “Mamaya na after lunch.” “Sige na nga.” Kumain na ito. Nagulat si Stella nang lumabas si Fabio mula sa kabilang kuwarto. Nag-unat pa ito ng kasukasuan. Talaga palang hindi ito umalis doon at malamang ay binantayan sila. Napatingin din si Glenn kay Fabio na humakbang na palapit sa kanila. “Good morning, guys!” bati ni Fabio, hinila ang silya sa tapat nila ni Glenn saka umupo. Mabuti maraming pagkain na dinala si Jessa roon. Kumuha ng plato si Fabio at nilagyan ng pagkain. Tila may dumaang anghel at bi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD