Chapter Three

2268 Words
NAPUYAT si Stella sa kaka-review ng profile ni Glenn at ibang detalye sa pagkatao nito. But after analyzing the fact about Glenn, she made up her mind. She will accept the job not only for the sake of money but to help Glenn recover. Pinaalam niya sa kaniyang ama ang desisyon niya upang masabi nito kay Dr. Laurel. Nai-cancel niya ang ibang job application niya dahil solve na rin ang problema niya sa pagiging jobless. Pagsapit ng hapon ay pinapunta ulit siya sa institute. Tinanong ulit siya ni Dr. Laurel kung talaga bang tatanggapin niya ang trabaho. “I’m pretty sure, Doc.,” determinadong tugon niya sa doktor. Kararating lang niya sa tanggapan nito. Naihanda na pala nito ang one-year contract na pipirmahan niya. At nagulat siya nang meron na kaagad tseke. May isang daang libo itong nakasulat. “Para saan po ang tseke?” ‘takang tanong niya. “That’s an advance payment and assurance that you will not abandon your job. I will give your monthly salary from the total divided amount of one million. All your accommodation and needs were free if you choose to stay in my house.” Nanlaki ang mga mata niya. “Stay-in ako sa bahay ninyo?” gilalas niyang tanong. “That’s an optional, Stella. Once kasi nagustuhan ni Glenn ang serbisyo mo, hahanap-hanapin ka niya. So, baka bigla ka niyang ipatawag nang hating gabi at hindi siya matutulog na wala ka. Let’s expect it to happen. Kahit ako ay hindi na kabisado ang anak ko. You know, her mother died because of the virus, also his sisters. Pero meron siyang half-brother from US na darating. He was Glenn’s close friend, too. Makatutulong din siya sa recovery ng anak ko. Also, Fabio will help me from my company since Glenn was unproductive anymore.” Napahugot siya ng malalim na hininga. Hindi siya aware na may half-brother si Glenn. Pero ang alam niya ay pangalawang asawa na ni Dr. Laurel ang ina ni Glenn. Malamang ay anak nito sa unang asawa si Fabio. “Naintindihan ko po. Ako na lang po ang mag-a-adjust,” aniya pagkuwan. “Thank you.” Inabot nito sa kaniya ang dalawang pahinang kontrata, dalawang kopya. “If you don’t have any questions, please read the contract before singing it.” Tumango siya saka kinuha ang kontrata at taimtim na binasa. Nang wala namang makitang problema ay pinirmahan na niya ito. Pagkuwan ay ibinigay ng doktor ang kopya niya ng kontrata. “Kailan po pala ako magsisimula sa trabaho?” pagkuwan ay tanong niya rito. “Sa Sunday pa puwedeng makauwi sa bahay si Glenn pero bukas ay balik ka rito nang makita ka ng anak ko. I’m sure he will disobey me if I don’t give him what he wants.” “Wala pong problema. Babalik po ako rito bukas ng umaga.” “Thank you for accepting my offer, Stella. You’re a big help.” “Walang anuman po. Salamat din at nabigyan ninyo ako ng trabaho. Pagbubutihin ko po ang pagtuturo sa anak n’yo.” Tumango lang ang ginoo at malapad na ngumiti. Malaki ang pagkakahawig dito ni Glenn, guwapo ito kahit may edad na. Kahinaan talaga niya ang lalaking may cleft chin katulad ni Glenn. Nagpaalam na siya sa ginoo dala ang kopya ng kontrata at tseke. Mabuti na lang meron na siyang sariling bank account. Dumiretso na siya sa banko at idiniposito ang tseke. TUWANG-TUWA ang papa ni Stella nang malaman na may advance payment pang binigay si Dr. Laurel sa kaniya. Magkasunod lang sila nitong dumating ng bahay. Kaagad siyang naghanda ng hapunan. “Mabuti naman at hindi ka tumanggi, anak. Mababayaran na natin ang balanse nitong house and lot na na-loan ko,” sabi ng papa niya nang naghahapunan na sila. “Opo. Salamat din at nagtiwala kaagad sa akin si Dr. Laurel.” Plano talaga niyang gamitin ang pera upang ma-fully paid ang hulugang bahay nila at lupa. Mahigit twenty years na rin itong binabayaran ng papa niya. “Pero mag-ingat ka. Mas makulit pa sa dalawang taong bata si Glenn. Tatlong tutor na ang dumaan sa kaniya, matagal na ang isang linggong trabaho at umayaw na,” seryosong wika ng kaniyang ama. Napalis ang ngiti niya. “Eh bakit okay lang sa inyo na pagsilbihan ko si Glenn?” “Kasi may tiwala ako na kaya mo siyang pakisamahan, anak. At saka nangako sa akin si Dr. Laurel na hindi niya hahayaang masaktan ka ni Glenn. Magtatalaga siya ng bodyguards para kay Glenn.” She took a deep breath. Napanatag din siya dahil may assurance naman pala ang kaligtasan niya. Kaso nag-iba ang mood niya nang maalala ang nangyari sa kanila ni Glenn sa unang pagtatagpo nila. Napatunayan niya na ang rupok niya pagdating sa binata. Hindi nakapagtataka dahil noon pa man ay pinapantasya na niya ito. Hirap makatulog si Stella dahil sa excitement at kaba. Advance na siyang mag-isip. Kung anu-anong senaryo na ang naisip niya na posibleng mangyari sa kanila ni Glenn. But she has to act professionally. Glenn was innocent and only thought about what he had gotten since he woke. Bago pala nag-hire ng human tutor si Glenn ay may robot na nagtuturo rito, machines, at nakabase lang sa napanood sa telebisyon. Noong time na iyon kasi ay harmful pa ito sa ibang tao. Kahit daddy nito ay hindi kilala. Limang oras lang ang naitulog ni Stella. Sumabay na siya sa kaniyang ama na pumasok sa institute. May dalawang araw pa si Glenn sa institute bago ililipat sa bahay ng mga ito. Kinakabahan siya habang patungo sa recovery room kung nasaan si Glenn. Sabi kasi ng nurse nito, nagising na si Glenn noong gabi pa lang at hinahanap nga raw si Noname, siya. “Nasaan po si Glenn?” tanong niya sa nurse na kalalabas ng kuwarto. Sumilip siya sa salaming bintana pero wala sa kama nito si Glenn. “Nasa banyo po. Kanina pa siya naroon, eh. Kinakatok ko pero ayaw lumabas.” “Ha? Baka napano na!” Nag-panic na siya. “Okay lang siya. Sumasagot naman sa akin kaso ayaw talagang lumabas. Baka nagsasarili na naman.” Napangiwi siya, hindi napigil ang tawa. “As in?” “Oo, kaya mag-ingat ka. May pagkamanyak ang lokong ‘yon. Kung hindi ko nga lang kailangan ng malaking pera ay hindi ako magtitiyaga na alagaan siya.” “Baka magbabago rin siya. O kaya may mali sa unang tutorial lesson niya kaya siya nagkaganoon.” Binasa niya ang name tag ng nurse. Si Carlo ito. “Maraming mali sa totoo lang. Iyong robot na guide niya, may malfunction, naglalabas ng erotic videos sa monitor ng tiyan at iyon ang ginagaya ni Glenn. Mga s****l activities ang lumalabas sa monitor na sana ay magtuturo sa kaniya. Kaso blanko ang ideya ni Glenn, more on actions lang ang natutunan at basic languages for communications. Mabilis naman siyang matuto kaso puro kalokohan ang inaral,” kuwento ni Carlo. It make sense now. Nagkaroon siya ng ideya kung paano mag-adjust kay Glenn. Naniniwala siya na maitatama pa niya ang pagkatao nito. “Salamat sa detalye, Carlo,” aniya. Ibinigay sa kaniya ni Carlo ang access card ng kuwarto ni Glenn. Iniiwan lang ito sa itaas ng finger scanning machine sa may gawing kaliwa ng sensor door. “Maiwan na kita. Babalik ako after one hour baka may kailangan si Glenn. Good luck!” anito saka lumisan. Hawak na niya ang access card at panay ang buntong-hininga. Nang makahugot ng lakas ng loob ay nai-swipe na niya ang card kaya bumukas ang pinto. Kaagad siyang pumasok. Inilapag niya ang kaniyang shoulder bag sa couch saka lumapit sa pinto ng banyo. Inilapit niya ang tainga sa pinto ngunit wala siyang marinig mula sa loob. Kinatok niya ang pinto ng tatlong beses. Hindi naman naka-lock ang pinto pero kumatok pa rin siya. Kinabahan na siya nang wala pa ring sagot mula sa loob. Kung anong negatibo na ang naisip niya. Baka masisi pa siya kapag may nangyaring masama si Glenn at wala siyang ginawa. Naudyok siyang buksan ang pinto at sumilip sa loob. Nawindang siya nang mamataan si Glenn na nakaluhod sa sahig, walang suot na kahit ano. Ang mga kamay nito ay nasa harapan, sa ibaba ng puson at todo puwersa sa paghubog sa armas nito. Tagaktag na ang pawis nito at tila hirap pang makaraos. Tama nga si Carlo, nagsasarili si Glenn. Hinayaan niya ito at isinara niya ang pinto. Hindi puwedeng maulit ang ginawa niyang pagtulong dito baka masanay. Mamaya ay narinig niya ang daing ni Glenn, may kasamang sigaw. Hudyat iyon na naitawid nito ang init ng katawan. Uupo na sana siya sa couch nang biglang bumukas ang pinto ng banyo. Animo natuklaw siya ng ahas nang masipat niya si Glenn na lumabas, wala pa ring damit at tirik pa ang alaga na namumula ang ulo. Natulala rin ito nang makita siya. Kinilabutan siya sa nakikita, at the same time, natutukso. But she needs strong self-control. Naroon siya para magtrabaho at hindi dapat konsintehin ang obsesyon niya. “N-Noname? Is that you?” nasorpresang untag ni Glenn. Tumayo siya nang tuwid paharap dito at ngumiti. “Yes,” tipid niyang tugon. Nagulat siya nang bigla siyang sugurin ni Glenn at walang abog na niyakap. Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi nang maramdaman sa itaas ng puson niya ang dulo ng matigas nitong pagkalal*ki na sumundot doon. Nagtayuan ang balahibo niya sa katawan ngunit kaagad din siyang ginupo ng init ng pagnanasa. “Dr. Laurel was right, you will arrive today!” masigla nitong sabi, humigpit pa ang yakap sa kaniya, halos hindi na siya makahinga. Pumiglas siya kaya siya nito napakawalan. Iniwasan niyang mapatingin sa dambuhalang alaga nito dahil natutukso siya. Sa mukha lang ni Glenn siya nakatingin. His childish reaction made her feel safe from lust. “You should put your cloth on first,” she said. “Cloth? Where?” maang pa nito. Siya na ang naghanap ng damit nito sa drawer. May underwear naman ito roon at konting pants at shirt. Karamihan ay hospital gown ang naroon. “Here, wear these,” aniya sabay about dito ng mga damit. Kinuha naman nito ang damit pero hindi pa isinuot. Palakad-lakad pa ito sa harapan niya. Kung abosado lang siyang babae, baka sinunggaban na niya ito. Perpekto ang hubog ng katawan ni Glenn. Kahit nakaratay ito ng ilang taon, konti lang ang nabawas sa kakisigan nito. Siguro dahil na rin sa sustento ng gamot kaya na-preserve ang katawan nito. Aside from Glenn's angelic face, his original personality could easily win every woman's heart. He’s a humble elite artist and sports icon. Nakilala ito sa international surfing competition at swimming. Active rin ito noon sa car racing at humakot ng maraming gintong medalya. Maraming kumpaya ang kumuha rito bilang endorser at modelo rin ng mga sikat na fashion wear brands sa Asya. Kaya laking hinayang niya dahil hindi na makabalik si Glenn sa dati nitong buhay, even his personality has changed. Pero hindi naglaho ang paghanga niya rito. “I don’t get it. Why Dr. Laurel hired you as my new tutor?” mamaya ay usisa ni Glenn. Nagsuot na ito ng brief, baliktad pa. Hindi na niya ito pinakialaman. Parang isinilang ulit si Glenn na walang muang, blanko ang isip. “Your dad told me you wanted to see me again,” she said. “Yes, but how did he know you’re the woman I was looking for? That you are Noname.” Puno ito ng curiosity. She chuckled. Kahit naman magpaliwanag siya rito ay hindi rin nito lubos na maintindihan. “Someone saw us before, and he told your dad about me. Kaya pinatawag ako ng daddy mo at kinausap.” “Wait. Why do you guys know about dad? Is Dr. Laurel also called dad name?” She lifts her eyebrows. “Dad means your father. You came from him. Dr. Laurel and your mother made you.” “Huh?” Nangunot ang noo nito. “Yes, Dr. Laurel insisted that he was my daddy, my father. I still don’t get it.” Gulong-gulo na ito. “Okay. Don’t bother about that. I will teach you those things then you need to be familiar with. For now, get dressed.” Glenn shook his head and put his shirt on. Umiral ang awa niya rito habang pinagmamasdan ito. Nasasaktan siya para kay Glenn. Kumislot siya nang mapansing nakatitig sa kaniya si Glenn, seryoso. Hindi nito naituloy ang pagsuot ng pants, nabinbin lang sa bandang hita nito. “Bakit?” pukaw niya rito. Ngumiti ito. “I can’t get over the last time we met. You know how much I feel crazy about you?” wika nito. Natigilan siya. Alam niya wala pang meaning kay Glenn ang sinabi nito, pero pakiramdam niya ay may milyong bultahe ng kuryente na dumantay sa bawat himaymay ng kaniyang mga ugat. Nag-aagaw ang excitement at kaba sa kaniyang puso. She doesn’t need to have a deep connection with Glenn. He’s too high to be reached. Once Glenn fully recovers, his life will return to normal. And he will forget her. Kaya hindi niya kailangang mag-invest ng maraming emosyon dito. “Masyado ka lang naaliw sa akin. Normal lang ‘yan pero lilipas din. But I am not here to entertain you. I will teach you more knowledge that you need to know. Understood?” she said thoughtfully. Tumango lang si Glenn at itinuloy ang pagsuot ng pants. Pagkatapos ay tinabihan siya nito sa couch. She just answered his childish question carefully and patiently, adjusting her mood to feel comfortable.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD