Chapter Two

2372 Words
NANG makuha ang certificate ay namalengke na si Stella. Ibinigay na sa kaniya ng papa niya ang budget nila dahil sumuweldo na ito. Ginamit naman niya ang bagong model ng four wheel mini car ng papa niya. Solar energy ang nagpapagana sa makina ng sasakyan. Kasing liit lang ito ng tricycle na apat katao ang magkasya. After the pandemic, modernization goes fast. Mabilis lumilipas ang mga gadgets, passion, lifestyle. Konti na lang ang mga taong walang sasakyan. Marami na ang naglabasang kakaibang sasakyan na abot kaya kahit ng minimum wage earner. Dumagsa na rin kasi ang mga kumpanya na nag-iimbento ng mga sasakyan na hindi ginagamitan ng gasolina. Ang problema sa modernization, ayaw na ng mga tao ng traditional lifestyle. Maging sa pagkain, nabago na rin. Kaya hindi nakapagtatakang umiiksi ang lifespan ng tao. Maraming naglalabasang sakit na never na-encounter ng old generation. Modern na rin ang mga karamdaman kaya nakikisabay ang siyensiya. She didn’t feel freedom for the past three years because they were under quarantine to avoid the fatal virus. Halos maubos ang angkan nila dahil sa paglaganap ng virus. Naubos ang kapatid ng papa niya. Wari dinudurog ang kaniyang puso habang ginugunita ang nangyari may limang taon na ang nakararaan. Nakapagluto na ng hapunan si Stella nang dumating ang papa niya. Hindi pa siya nakapag-apply ng trabaho kaya naaasikaso niya ang kaniyang ama. “Hay! Grabe ang gulo kanina sa institute. Naabutan mo ba ‘yon, anak?” sabi ni Andres. Kaagad itong umupo sa silya katapat ng mesa. Lumuklok naman siya sa tapat nito. “Tungkol po ba kay Glenn?” usisa niya. “Oo. Kumakain kami ng lunch nang bulabugin kami ng emergency alarm.” Napangiwi siya. Tahimik pa noong umalis siya ng institute. “Ano po ba ang nangyari?” aniya, kunwari wala siyang alam sa pagtakas ni Glenn. “Nakatakas na naman si Glenn mula kuwarto. Nagwala siya dahil hindi makita ang babae. Iwan kung sino ang babaeng tinutukoy niya. Nire-review pa ang CCTV footage kung saan may nakitang babae si Glenn.” Ginupo siya ng kaba. Nawala sa isip niya na tadtad ng CCTV footage ang institute. Pero ang kuwartong pinasok nila ni Glenn ay abandonado na kaya tiyak na wala nang camera roon. Pero makikita pa rin sila na pumasok sa silid na iyon. “Wala po bang magawa ang mga doktor upang mabago ang katangian ni Glenn?” sabi na lamang niya maiba lang ang paksa. Umalon ang dibdib ng kaniyang ama. Umiling ito. “Hindi normal ang epekto ng virus kay Glenn. Sa lahat ng human specimen na ginamit sa pag-aaral sa virus, si Glenn lang ang matagumpay na nailigtas.” “Ibig sabihin ay marami pang pinag-aralang tao ang institute?” “Oo. Si Glenn ang specimen 107, na pangalawa sa huling pinag-aralan ang katawan. Lahat ng kasama niya ay binawian ng buhay. Malaking tulong ang strategy ni Dr. Laurel upang mapalitan ang ibang organs ni Glenn kaya mabuhay ito. Kaya inaasahan na ni Dr. Laurel na hindi na si Glenn ang orihinal niyang anak. Pisikal na lamang nitong katangian ang nanatiling orihinal.” Bigla siyang nalungkot para kay Glenn. Wala na iyong dating hinahangaan niya. Pisikal na katawan lang ni Glenn ang nanatili, ngunit nabago na lahat, lalo na ang katauhan nito. “Pero normal pa rin naman siya, di ba? Sa ibang bansa kasi, ginawa nilang cyborg with implanted DNA ang biktima ng virus. Iyon lang ang solusyon nila upang maisalba ang katawan ng tao,” aniya. “Tama. Mayroon na ring mga kumpanya rito na gumaya sa proseso ng ibang bansa. Kaso, wala na iyong mga buhay na kinuha ng virus. Masuwerte pa rin tayo dahil may isang nabuhay matapos dapuan ng virus. Halos kalahati ng population ng mundo ay nawala dahil sa virus.” Lalo siyang nalungkot nang maalala ang sinapit ng mga tao dahil sa virus. Mabilis ang paglipana ng virus dahil naililipat ito sa pamamagitan ng hangin, at ang unang pinupunterya ay ang central nervous system, lalo na sa nerves ng utak. Pagkatapos ng hapunan ay inayos ni Stella ang kaniyang resume. Dahil no job vacancies pa sa institute, mapipilitan siyang mag-apply sa ibang kumpanya. Plano sana niyang mag-proceed ng medicine kaso naghihinayang siya sa panahong nasayang. Gusto na niyang magtrabaho at magkaroon ng stable income. Nagpasa siya ng resume sa mga online job fair. Habang naghihintay ng tawag mula sa pinasahan ng resume, tumatanggap siya ng tutorial. Bago siya nakapagtapos ng psychology, nakatapos siya ng dalawang taon sa elementary education. Mababa lang naman ang singil niya sa tutorial at basic learning materials lamang ang gamit niya. Kinabukasan ay binulabog si Stella ng tawag ng papa niya sa cellphone. Mataas na ang araw nang magising siya. Dinaplot niya ang cellphone at sinagot ang tawag. “Bakit, Pa?” aniya sa namamalat na tinig. “Anak, puwede ka bang pumunta ngayon sa institute?” wika ng kaniyang ama. “Ho? Bakit po?” Ginupo na siya ng kaba. “Basta, punta ka after lunch.” “Sige po. Maliligo lang ako at mag-aalmusal.” “Aasahan kita.” “Opo.” Nang maputol ang linya ay bumangon na siya at naligo. Wala siyang ideya bakit pinapupunta siya ng papa niya sa institute. Magkahalong kaba at pananabik ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Kaba, na baka nalaman na ng staff ng institute na siya ang nakasama ni Glenn na nagtago sa kuwarto. Excitement, na maaring maha-hire siyang muli ng kumpanya. Alas onse na ng umaga kaya almusal at tanghalian na ang pagkain niya. Wala namang traffic dahil nagawan na ng paraan ng bagong administrasyon ang traffic. Nakagawa na rin ng subways para mas mapabilis ang daloy ng mga sasakyan. Maraming advantages ang modernization, marami rin namang disadvantages na hindi niya gusto. Although it’s beneficial, many high-tech materials like high radiation gadgets could affect human health. Pinadadali nga nito ang proseso ng mga bagay-bagay, pinadadali naman ang buhay ng tao. Lulan ng solar car, diretso na siya sa institute. Buy one take one ang nabiling solar car ng papa niya at salitan nitong ginagamit kapag na-drain ang battery ng isa. Meron namang connected solar panel sa bubong ng kotse na direktang nag-a-absorb ng solar energy mula sa araw. Kaso minsan ay hindi sapat kung hindi itutok o ibilad sa araw lalo kung makulimlim. May emergency converter naman ang engine na puwedeng mag-absorb ng ibang source of energy pero limited lang. Pasado alas dose ng tanghali nakarating sa institute si Stella. Naghintay siya sa lobby matapos ma-inform ang ama na naroon na siya. Mamaya ay dumating ang papa niya. “Halika, anak, sumunod ka,” sabi nito sa kaniya. Kaagad naman siyang sumunod dito. Nagtataka siya bakit patungo sila sa third floor, sa kinaroroonan ng opisina ni Dr. Laurel. Binilisan niya ang paghakbang hanggang makapantay niya sa paglalakad ang kaniyang ama. “Pa, ano’ng gagawin natin dito?” hindi natimping tanong niya sa ama. “Gusto kang makausap ni Dr. Laurel.” “Ha? Bakit po?” Nilamon na siya ng kaba. Nang mapansing nakangiti ang papa niya ay naibsan ang kaniyang pangamba. “Malalaman mo mamaya,” anito. Panay ang buntong-hininga niya habang palapit sila sa tanggapan ni Dr. Laurel. Pinindot na ng papa niya ang button upang malaman ng nasa loob na may bisita. Mamaya ay bumukas ang sensor armor door. Kumakabog ang dibdib niya habang papasok sila ng kaniyang ama. Namangha siya sa lawak ng silid. Lobby pa lamang iyon ng opisina. May sensor glass door pa silang pinasok at doon na mismo ang opisina ni Dr. Laurel. “Good afternoon, Doc.!” bati ng papa niya sa nakaupong ginoo at hinahawi-hawi ng daliri ang touch screen ng malaking monitor ng computer. Nakalatag lang ito sa mahabang mesa. “Please take your seat,” sabi ng ginoo, ni hindi sila sinipat. Lumuklok naman sila sa couch na kaharap ng mesa. Saka lang sila tiningnan ang doktor. “Siya pala ang anak mo, Andres. Kaya pala pamilyar dahil nagtrabaho rin siya rito,” anang doktor. “Opo, Doc. Pero dahil hindi naman nangangailangan ng psychologist ang kumpanya, natapos ang six months part-time job dito ni Stella.” “Oo nga pala. Next year pa ulit magiging open for public itong institute since matatapos na ang research project tungkol sa neurocalybia virus. Tatanggap na rin kami ng intern. Kung sakaling wala pang stable job ang anak mo that year, she’s welcome here,” sabi ni Dr. Laurel. “Salamat, Doc.” “Thanks for the opportunity, Dr. Laurel,” sabi niya naman. Ngumiti lang ang doktor. Curious pa rin siya bakit siya nito pinatawag. Ayaw naman siyang sagutin ng papa niya. Mukhang controversial iyon. “Anyway, Stella. I called you with an important request. Your father said that you are currently looking for a job. So, I think you should grab this opportunity,” Dr. Laurel started. Matiim siyang tumitig dito. “What opportunity, Doc.? A job?” usisa niya. “Yes, it’s also a job. Your father also said that you are accepting tutorial services. And yesterday, my son made a mess where you were also involved. We saw it from the CCTV footage.” Nawindang siya. May kinalaman nga roon ang concern ng ginoo. Pero ano naman ang koneksiyon niyon sa tutorial niya? “Yes, Doc. Sorry if I escaped from your son,” she apologized. “No worries. You don’t have a fault. Kaso, hinahanap ka ni Glenn. We’re clueless since he called you ‘No name,’ that he thought was your given name.” Dr. Laurel chuckled. “Mabuti may CCTV footage at nakita kayong pumasok sa abandoned room. Ano pala ang nangyari sa inyo?” Napakagat-labi siya nang maalala kung ano ang ginawa nila ni Glenn sa loob ng kuwarto. Nakahinga siya nang maluwag nang malamang walang camera sa loob ng silid na pinagtaguan nila. “Ah, kinausap ko lang po siya. Kaso makulit siya kaya tinakasan ko,” sabi niya, taliwas sa katotohanan. “Glenn said that you did an odd thing to him that made him obsessed. He didn’t sleep, just wanting to see you again. And he asked me to call you. Ayaw na niyang tumanggap ng ibang tutor. Gusto niya ikaw lang.” Nagimbal si Stella. Una’y kinabahan siya, pero mayamaya rin ay namayani ang pananabik sa kaniyang puso. Sa palagay naman niya ay kaya niyang ma-handle si Glenn. Pero kailangan muna niyang aralin ang katangian nito. “Uhm, hindi ko pa po kabisado ang anak n’yo. Baka mahihirapan akong mag-adjust,” aniya. “Don’t worry. I will give you the details about Glenn. And for you to decide immediately, I will offer you a one-year contract for a one-million salary.” Napamulagat siya sa narinig. One million? Paulit-ulit siyang lumunok. Isang taon talaga? “Ganoon po katagal, Doc.?” aniya. “Yes. Isang taon ang estimated namin na magkakaroon ng malaking development sa utak ni Glenn. Then, after that, we will do the final medication in the US. Para iyon sa complete recovery niya. Noong dinala kasi namin siya sa US para sa examination, ang pasya ng doktor ay kailangan ng manual memory development sa pasyente bago isalang sa mas mabigat na proseso. Malaki ang damage ng virus sa utak at katawan ng anak ko kaya hindi sapat ang ilang taon na gamutan. Kung hindi maagapan ang normal development ng utak niya at mawawalan ito ng silbi, posibleng machine na ang magpapagana sa kaniya,” paliwanag ni Dr. Laurel. Inalipin ng kaba at lungkot si Stella. Posible pa rin palang mawala nang tuluyan si Glenn kapag hindi naagapan ang memory nito. Matutulad ito sa ibang affected ng virus na ginawang cyborg. Hindi niya iyon kayang tanggapin. Naghihinayang siya sa binata. “Ano ang desisyon mo, anak?” tanong ng kaniyang ama. Matamang tumitig siya sa papa niya. Mahaba naman ang pasensiya niya pagdating sa mga bata. Puwede niyang ituring na bata si Glenn upang masanay siya at maging komportable. Ibinalik niya ang tingin kay Dr. Laurel. “Pag-iisipan ko po. Naawa rin ako kay Glenn pero kailangan ko munang aralin ang personality niya,” sabi niya. “I’ll give you the details right now, Stella. And if you have already decided, please let me know. Nahihirapan na kasi kaming pakalmahin si Glenn dahil hindi namin naibibigay ang gusto niya.” “Sige po. Bukas din ay ipapaalam ko sa inyo ang desisyon ko.” “Thank you. And please wait for the details. I will print it.” Tumango lang siya. Iniwan na siya roon ng papa niya dahil babalik na ito sa trabaho. Ilang sandali lang ay naibigay na sa kaniya ni Dr. Laurel ang kopya ng profile ni Glenn. Kasama na roon ang dapat niyang iwasan sa lalaki, mga ayaw nito, mga bagay na maaring mag-trigger sa cruelness nito. Tatlong page ito. Pagkuwan ay sinamahan siya ng doktor sa recovery room kung saan nakahiga sa kama si Glenn at may mga aparatong nakakonekta sa ulo at katawan nito. Wala itong malay. “Ano po ang nangyari sa kaniya?” tanong niya sa doktor. “Tinurukan namin siya ng pampakalma dahil nagwala kahapon. Pinatulog ko rin upang ma-absorb ng katawan niya ang gamot nang maayos.” “Okay lang po ba siya?” “Oo naman. He just need to rest. Ilang araw kasi siyang na-pressure sa tutorial niya. Hindi siya kayang pakisamahan ng dati niyang tutor kaya hindi ko na pinilit.” Hindi na siya sigurado kung makatatagal siya kay Glenn. Nakita niya kung paano nito sinaktan ang tutor nitong lalaki. Pero anong malay niya? Baka sa lalaki lang marahas si Glenn. Mamaya ay tumunog ang cellphone ni Dr. Laurel. “Wait a minute; I need to get this call,” paalam nito. Tumango lang siya at hinatid ng tingin ang paalis na doktor. May pagkakataon siya na malapitan si Glenn. Saktong paglapit niya ay gumalaw ang daliri nito sa kaliwang kamay. Napaatras siya. Gumalaw rin ang mga labi nito at nagsalita. “N-Noname…” sambit nito. Ilang sandali siyang tulala bago napagtanto kung ano ang sinabi nito. Glenn was still assuming that her name was ‘no name’. Napangiti siya. Kahit saang anggulo niya titingnan ang binata ay nakahahalina ang kaguwapuhan nito. And she missed Glenn’s old self, na pantasya ng mga kababaihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD