Deja Vu!
Kaya pala familiar sa kanya si Rj, ito pala ang na-encounter niya noon. Six years ago, noong papunta pa siya ng Saudi.
Hindi man lang niya matandaan ang binata, sabagay gwapong gwapo lang siya dito noon pero hindi naman niya mahal.
Magkaiba ang I love you sa I like you..
At syaka may anak na ito, naalala niya ring iniwan daw kamo ito ng ina ng anak nito.
“So, how’s your husband?” Anitong naging seryoso. Naalala din pala nito na sinabi niyang may asawa na siya.
“Sa totoo lang, hindi ko naman talaga asawa yun. Boyfriend ko lang. Wala na kami matagal na. Sumakabilang bahay na.” Aniyang nanalatay ang pait sa mukha dahil sa kasawian na sinapit.
“Then why you telling the lie, hindi naman pala kayo kinasal.”
“Alam mo RJ, pagnagmahal ako, sa iisang lalaki lang. Ayoko ng may kahati, at maging ito rin sa akin ay walang kahati.” Totoo naman ang sinabi niya, dahil hanggang ngayon wala pa naman siyang ipinalit kay Patrick.
“Oh right?!” Anitong parang na-amuse.
“Pero niloko lang ako.” Aniyang bumalatay ulit ang sakit. Pangit kasi ang nakaraan na yun. “Isang taon na ako sa Saudi nang time na yun. Nabalitaan ko nalang nakabuntis siya. Sa awa ng Diyos nakasurvive naman ako. Buti nga maaga pa nalaman ko na, kaysa naman patuloy niya lang akong niluluko. Pero eto ako ngayon nakamove-on na. “ Sabay tingin dito na nakangiti na siya.
Parang nababanaag niya ang concern sa mukha nito. Siguro dahil sa narinig sa kwento ng buhay niya.
“So, kumusta din yung anak mo? Si Mj?”
“Ahhh.” Anitong napangiti. “Actually, JM talaga ang totoong pangalan non.”
Napatango siya at ngumiti saka bumaling nalang siya ulit sa harapan. Gusto niya sanang itanong ang tungkol sa nanay ng anak nito, kaya huwag nalang.
Naramdaman niya kasing mainit ang singaw ng katawan nito. Saka naman napatingin siya ritong napapapikit na. Hawak hawak naman nito ang sentido nito.
Kaya napahawak siya sa braso nito. Napakainit! May lagnat kaya ito?
Malamang! Mainit di ba?!
Kaya sinalat niya rin ang noo nito.
Shit! May lagnat nga.
“Ang init mo RJ.” Aniyang nakatingin na may pag-alala rito.
“Itutulog ko muna ito MJ.” Anitong nakapikit.
“Sige magpahinga ka muna. Teka may gamot ka ba diyang dala?”
“Wala.”
Meron naman siya kaso andoon sa bagahe.
Kaya bigla niyang pinindot ang call button sa taas para sa nga passengers. Maya mayay may stewardess na lumapit sa kanilang upuan.
“Yes maam? What can I do for you?”
Kita niyang parang araba ito kaya patay mapapalaban siya ng englishan.
“Ahhh can you give me a medicine for fever?” Dugo na ilong ko teh! Kaya intindihin mo.
“Okay maam, right away.” Anitong nakangiti.
“Thank you.” Nakahinga siya ng maluwag.
Maya mayay bumalik ulit ito at may dala ng gamot at tubig.
Nakakain naman din sila ni RJ kanina kaya papainumin na niya ito ng gamot. Isang pad din naman ng panadol ang ibinigay ng stewardess.
Ginigising niya si RJ at tinapik tapik ito.
“RJ, gising gising.” Aniyang nakatunghay dito.
Ito naman ay papungas pungas na dahan dahang binubuka ang mga mata.
“RJ, inumin mo muna itong gamot. Para bumaba yang lagnat mo.” Aniyang kumuha ng isang piraso saka ibinigay sa binata.
Inabot naman nito at ininom. Saka natulog ulit.
Maging siya rin ay nakatulog din.
Maya mayay ginising sila ng may dalawang stewardess na nakatunghay sa kanila. May dala dalang cart. Bibigyan na sila ng pagkain. Anong oras na kaya ang naging byahe nila?
Kaya tuluyan na siyang nagising maging si RJ din pala. At sabay na kumain sa ibinigay ng mga stewardess. Pupungas pungas pa silang umayos ng upo.
Hanggang sa naubos na rin nila ang pagkain.
“Okay ka na ba?” Tanong niya rito pagkatapos ligpitin ng mga stewardess ang kanilang kinainan.
“Okay na. Salamat sa magaling kong tagapag-alaga.” Saka ito napangiti sa kanya. Nag-iba din ang boses nito. Parang may sipon.
“Okay lang yun.” Aniyang gumanti ng ngiti dito. “Mahirap magkasakit ngayon may covid 19. Mamaya inom ka ulit ng gamot.”
“Naniniwala ka doon?” Tanong nito.
“Saan?”
“Sa virus na covid 19 na yun.”
“Oo naman, lalo na sa lugar namin grabeh nga ang laganap ng sakit na yan.”
“Where you stay?”
“Taga Cagayan kami, dati sa Davao.”
“Ahhh i see.” Anitong napatango tango. “So after we reached in Manila, you going through in Cagayan?”
“Hindi pa muna siguro.”
Nakatingin ito sa kanya na parang nagtataka.
“Mag-e-stay na muna ako sa Maynila.”
“Ahhhh sa mga kamag-anak mo?” Tanong ulit nito.
Nagdadalawang isip siya kung sasagutin ito ng totoo o hindi?
“Ang totoo.” Aniyang parang may pag-alinlangan. “Sa tita lang ng kaibigan ko ako mag-e-stay.”
Titig na titig naman ito sa kanya.
“Wala naman kaming mga kamag-anak sa Maynila. Kaya sa kaibigan ng tita niya na muna ako makikituloy. At tsaka isa pa, 3 months lang ako sa Maynila at 1 week or 2 weeks lang ako sa Cagayan. Saka ako babalik ng Dubai. Ikaw ba saan?”
“Ahhh. Nasa Ilocos ang lugar namin.” Tanging nasagot nito.
“Ahhh.”
Namayani ang katahimikan sa kanila maya maya.
May nakita siyang tubig na mineral water sa may pocket ng chair. Kinuha niya iyun at ininom. Saka niya naisip na paiinomin ng gamot si Rj. Napaubo pa siya.
Sabay pa silang magsalita kaya napatawa sila.
“You first.” Ani ni RJ.
“Ahhh kailangan mo ng mainom ulit ang gamot mo.” Aniya rito habang kinukuha ang gamot na inilagay niya sa kanyang bag kanina na nasa gilid. Kumuha siya ng isa.
“Would you mind, if I invite you to stay in one place?”
Napatikhim siya dahil sa nabilaokan siya ng tubig kanina. Tama ba naririnig niya rito?.
“Kaninong place ‘yun?” Aniyang may pagtataka.
“Don’t worry, its very nice place. Sa isang condo.”
“Naku! Baka mahal ‘yun. I can’t afford.” English kasi ito ng english kaya ayan tuloy napapagaya siya.