bc

100 Days with you

book_age18+
214
FOLLOW
1K
READ
drama
comedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

He meets a girl in a plane. Inalagaan at inaruga siya ng isang estranghera. Kaya pumayag naman ito ng inalok niyang pwede itong tumira sa condo niya pansamantala dahil babalik rin din naman ito ng Dubai after 3 months. At maging siya ay papalaot na rin din sa dagat. Ngunit maraming nagaganap sa loob ng araw araw nilang pagsasama. Sino ba ang hindi mahuhulog sa charm ng babaeng mala anghel ang mukha ngunit straight forward ang ugali kaya para sa kanya astig. Ngunit siya ay binansagang a playboy of a group, dahil para lang siyang nagpapalit ng damit kung magpapalit ng babae. Lalo na pagdumadaong ang barko. Kaya natatakot siyang magkagusto sa tulad ni Megan na parang man hater dahil nakadanas na rin itong masaktan ng isang beses. He can’t accept if he being rejected kaya hanggang friend lang sila nito. 100 days lang naman itong titira sa kanya kaya madali nalang din lilipas ang attraction niya.

chap-preview
Free preview
Prologue: A girl in a plane
Nasa departure area na sila ngayon para sa mga pasahero na papunta ng Qatar. Magkasabay sila ng kanyang team na mag-e-aircraft. Ngunit napaiba ang kanyang seat dahil sa sinusundan niyang babae kanina. Oo may sinusundan siyang babae. A very attractive woman, an innocent face like angel smile ang ganda ng mga ngiti nito at mga mata. Hindi niya mawari pero gusto niyang makatabi ito kahit sa eroplano lang at after naman nito back to the field na rin naman sila ng team niya sa pagiging seaman. Oo seaman siya. A very long already on this field. At na-e-enjoy niya ang trabaho niya. Para makalimutan ang masalimoot na nakaraan. Kaya itinoon nalang niya sa kanyang trabaho ang lahat. Nagpipila na silang mga pasahero ngayon na papasok sa aircraft. May mga nakatalagang mga staff doon na chinecheck ang kanilang mga boarding pass isa isa. When is his turn he just show it and goes to the flows. Nasa loob na siya ng eroplano at hinahanap niya ang kanyang seat. B25 siya ibig sabihin napapagitnaan ang kanyang upuan. Qatar express kasi ang sinasakyan nilang eroplano ngayon. Akalain mo nga namang si Billy pala sa C25. Kasunod kasi ito sa kanya. Hindi niya alam kung katabi ba niya ang sinusundang babae kanina? Kaya pinakiusapan niya si Billy na pagdito tumabi ‘yung babae ay agad itong pumunta sa mga kasamahan niya. May special seat naman silang mga seaman dahil by team sila. Siya lang ang naiba at sumunod din naman ang kanang kamay niya si Billy. Lagi naman talagang ganito pag may nagugustuhan siya or maging ang mga kasamahan niya. Minsan sa barko minsan pagdumadaong sila. They all like playing a fire. Para maibsan rin naman kasi ang buwis buhay nilang trabaho bilang mga sea man. Kaya pag sea man totoo talaga ang bansag. Seaman loloko! Nakaupo na siya sa kanyang upuan ng maya mayay dumating na ang hinihintay. A25 pala talaga ito. Sa may bintana. Nasa likod ng mga ito ang mga kasamahan kanina. Kaya biglang nag-excuse si Billy at lumipat sa mga kasamahan nila sa likod. May pa-iling iling pang nalalaman. Alam na kasi nito kung ano na naman ang next move niya. Parang may dinaramdam yata ang babae, kitang kita niya sa mukha. Tulad niya wala din itong bibit na 7kg bag lahat siguro bagahe. Kaya nag-excuse ito para dumaan sa harapan niya at nang makaupo na. Ang ganda talaga nito. Mala Angel Locsin ang dating. Medyo chubby nga lang ito. Pero hindi naman mataba, chubby nga lang. At ang umbok ng puwit nito? s**t! Pormadong pormado. Parang bigla yatang may gumalaw sa baba niya. Kaya napangiti siya sa sarili niya. Ang likot talaga ng utak niya. Maya mayay nakaupo lahat ng pasahero ng eroplano at magsisimula na silang aandar. 9 hours and 45 minutes pa naman ang bubunuing oras mula Pilipinas hanggang Qatar. Tamang tama may sapat na oras siya para makaka hokage moves ang babaeng katabi. Habang papataas na ang eroplanong sinasakyan nila. Patingin tingin lang siya sa katabing babae na nakapikit parang nagdadasal yata ito. At parang first time lang nitong makasakay ng eroplano. Napatingin siya sa mga kamay nitong nakakapit sa tangan ng upuan nito. Habang pigil pigil ang hininga. Shit! Kahit nakajacket lang ito. Kitang kita niya ang malalaking hinaharap nito. Kaya andoon na naman yung feelings na biglang nabuhay niya sa baba. “First time?” Tanong niya rito nang tuluyang nasa himpapawid na sila. Bigla naman iyong dumilat at matipid na ngumiti sa kanya saka napatango. “Ahhh.” Aniyang presentang nakaupo na rin. “Going in Qatar?” Napakunot naman ang noo nito. Kaya napangiti siya na nakatitig dito. “Are you Filipino?” Tanong nito na nakangiti na. Kaya pala nagtataka ito. Nag-e-english kasi siya. Bakit? Hindi ba siya mukhang pilipino? Maraming nagsasabi na kamukha niya raw ang indian Kollywood actor na si Jeeva. Mala Aj Falcon sa Pinas. A tall, dark and handsome. “Bakit? Hindi ba ako mukhang pilipino?” Aniya sabay ngiti. “May kamukha ka kasing artista sa indian.” Anitong natatawa. Maging ang mga ngipin nito ang puputi at ang gaganda, lahat pantay pantay. “Hmmm. So tell me.” Aniyang parang FC na sila. “Pupunta ka rin ba ng Qatar? “Actually hindi sa Qatar ang punta namin ng mga kasamahan ko. Parang connecting flight lang ‘yun papunta talaga kami ng Saudi.” “Saudi? Ano naman ang trabaho niyo doon?” “Ofw kami mga DH.” Anito na nakatingin na sa bibit nitong cellphone. Nakita niya sa screen ng cellphone nito ang larawan ng isang babae at lalaking nakangiti. Parang bigla siyang nadismaya. “Ahhh khadama kayo doon.” Ang ganda namang khadama. May ganitong ganda ba na katulong lang. Napatango ito. “Ikaw ba anong trabaho mo? Sa Qatar ka di ba?” “Yup! I’m a seaman.” Sagot niya. “Seaman? Seamanloloko?” Anitong natatawa. Maya mayay napatigil naman dahil siguro sa mukha niyang seryoso. “Oppps sorry.” “Hindi naman lahat siguro ng seaman ay manloloko. Minsan nga seaman na ang lolokohin ngayon.” Aniyang napatawa na rin. “Ikaw nga artistahin pero katulong.” Natawa na rin ito. At marami pa silang napagkwentuhan. Ngayon niya napatunayan. Hindi lahat ng magaganda artista, yung iba katulong sa ibang bansa. Katulad nalang nitong babaeng nakatabi niya. Namayani ang katahimikan sa kanila dahil nakatulog ito. Maging siya. Nagigising lang sila pagmay dumadating na pagkain. Napapangiti ang stewardess na nagbibigay sa kanya ng pagkain. Alam niya na ang taktika nito. Amoy na amoy palang. Pero wala naman siyang balak magluko ngayon sa mga ibang babae. Bet na bet kasi niya ang katabi kaso mukhang malabo. Para kasing ilap. Habang kumakain sila pangiti ngiti lang siya rito maging ito rin. Mukhang hindi sanay sa ganitong pagkain sa eroplano kaya kita niya konti lang kinain nito. “So, asawa mo ‘yung nasa picture?” Hindi na siya nakatiis na magtanong dito. “Ha? Ahhh...oo.” Sagot naman nito na hindi alam kung ano ba dapat isagot. “Wehh deh nga?” Aniyang parang hindi makapaniwala. “So ilan na anak ninyo?” “Wala pa.” Sagot nito. “Ikaw ba ilan asawa mo? Este anak pala.” Natawa naman ito sa tinanong sa kanya. “Wala akong asawa pero meron akong anak.” Aniya. “Kanina pa kita kasabay naupo pero hindi mo man lang sinasabi pangalan mo. Jay-r nga pala.” Pakilala niya binaliktad niya lang sa totoong pangalan niyang Rj. Dahil nadismaya siya ng malamang may asawa na pala ito. Saka ito kinamayan “Mj naman.” Anitong gumanti ng pakikipagkamay sa kanya. Lagot na masisira ang mga malalambot nitong kamay sa Saudi. Kaya natawa siya. “Bakit? Anong nakakatawa?” Nangunot ang noo nito. “Magkapangalan kayo ng anak ko.” JM naman talaga ang pangalan ng anak niya. Binaliktad niya lang. Dalawang taon ito ngayon. Mahigit isang taon na itong iniwan ng ina nito sa kanya. Ang babaeng ginago lang naman siya at iniwan. Para sa pangarap nitong magpunta ng Japan. Hanggang sa makababa na sila ng eroplano at naglakad na silang mga ka-team niyang lumabas sa arrival hall na ‘yun. Hindi na siya nagkaroon ng interesado sa babae dahil sa may asawa na pala ito. Ngunit nakalimutan nito ang travel pillow nito kaya dinala nalang niya. Meron pa rin palang mga babaeng faithful sa kanilang mga asawa. Pero yung iba nakalabas lang ng ibang bansa single na pagdating sa ibang bansa. Kaya kahit mapaglaro siya may respeto pa rin naman siya sa mga katulad ni Mj na babae. Siguro mabibilang lang sa mga daliri ang mga katulad nito. “Ano? Nakuha mo ba ‘yung account or contact?” Untag ni Billy sa kanya. Sabay siplat sa bitbit niyang travel pillow. “Wala.” Aniyang seryoso ang mukha. “Ano? Impossible!” Hindi makapaniwalang sabi nito. “First time yatang chinapwera ka.” Anitong tawang tawa. “Bakit naman hindi?” “Ang isang RJ Manalo ay walang babaeng hindi mahuhulog sa kanyang charm. Pero yung babaeng yun? Milagro!” “May asawa na kaya hindi na ako interesado.” “Ahhh kaya pala. Akala ko may magiging mommy na si JM kaya hindi na pwedeng paglaruan. Okay nalang yan may nakuha ka naman pala.” Natatawa nalang ito sa mga sinasabi. Napatigil lang sila sa pag-uusap ng dumating na ang sasakyan nila papuntang headquarter.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook