Gamit ang kanyang paboritong kutsilyo. Mabilisang hinihiwa lang ni Megan ang mga bawang ng pinong pino at sibuyas. Mani mani nalang niyang gawin yun.
Kapag chef ka ang importanteng gamit na dapat gagamitin ay ang kutsilyo. Ito ang pinaka importante para sa kanya.
Oo isa na siyang assistant chef ngayon sa pinagtatrabahuan niyang Italian Restaurant na isang chinese ang may-ari dito sa bansang Dubai.
Hindi naman siya nakapagtapos ng culinary, kundi 72 units lang na HRM. Ngunit nagamit pa rin niya ito sa larangan ng kanyang trabaho.
Dati nangangapa pa siya sa pagtatrabaho pero ngayon kapang kapa na niya. Lahat ng masasarap na putahi kaya na niyang matutunang lutuin.
“Megan!” Tawag ng chef nila ang may-ari din ng restaurant. “Pass up me the spices. Hurry up!”
Dali dali naman niyang kinuha ang mga ipinag-uutos. Laging busy kasi ang restaurant. Maraming customers. Lalo na pagweek end. Sa larangan ng trabaho nila dapat mabilisan. Maliksing maliksi ang kanilang mga kilos na akala mo may nga hinahabol.
Hanggang natapos ang buong araw niyang trabaho. Uuwi na siya next week sa Pinas. Pero parang pakiramdam niya ayaw pa niyang umuwi, ngunit kailangan niya munang iuwi sa Pinas ang permit niya. Apat na taon na siya sa Dubai.
Dalawang taon lang siya sa Saudi Arabia. Grabeh ang depressed na nangyari sa buhay niya dati. Dahilan sa isang lalaking nagbigay ng buong buhay niyang pasakit. Kaya kahit kailan hindi siya naniniwala talaga sa LDR Long Distance Relationship na yan.
Sa tanang buhay niya iisang lalaki lang ang tanging minahal niya. Handa niyang gawin maging ialay ang sariling buhay kaya nag-abroad siya para sa kinabukasan nila. Ang dami nilang pangarap at pangako sa isa’t isa. Akala niya solid na sila. Pero isang taon na siya sa Saudi ng mabalitaan niyang nakabuntis ito ng iba. Ganun nalang nawala ng isang iglap lang ang lahat.
Kaya naniniwala siya sa mga viral posts sa f*******:, na walong taon ipinagpalit lang ng 2 months. Siya nga limang taon sila ni Patrick limang oras lang din ang ipinalit sa kanya. Nabuntis lang naman nito ang kapitbahay nila sa Cagayan na si Gladys. Kayang kayang tibagin ng isang iglap lang ang isang relasyon kapag LDR kahit gaano man ito ka solid.
At hindi siya naniniwala sa kasabihang The way to a man’s heart is through to his stomach. Dahil magaling naman siyang magluto kahit noon pa at palagi niya itong ipinagluluto ng mga masasarap na pagkain.
Through to his p***s siguro yun yon. Siguro kung pinagbigyan niya ito hindi sana siguro maghahanap to ng ibang pinagkainteresan. Pero buti na nga lang at pati sarili hindi niya naibigay dahil baka bangkay na siyang iuuwi sa Pinas. Nangingilabot siya sa isiping ganun. Mas mahalaga pa rin ang buhay.
Makakahanap pa naman siguro siya ng mas hihigit pa kay Patrick. Halos nasa ito na kasi lahat ng katangian na nakita niya. Gwapo, maasikaso, masipag at higit sa lahat mabait na lalo niyang nagustuhan sa lahat. Marami pa namang iba diyan na mas higit pa rito.
Pero natatakot lang siya na baka masaktan ulit at tuluyan ng papatay sa kanya. Si Patrick nga umabot hanggang depression na ikinaconfine pa niya sa Ospital dagdag pa ang daming trabaho. Sa awa ng Diyos nakasurvive naman siya.
Kaya kahit anong iniririto ng kaibigan niyang si Mikey hindi niya pinapatulan dahil bukod sa busy siya sa pagpapayaman eh wala na siyang ganang magkaninterest sa ibang lalaki. Nakamove-on na din naman siya kay Patrick. Limang taon na nga niyang nawala ito. Pero takot pa rin siyang magmahal ulit.
Kaya binuhos niya sa trabaho ang lahat. May sariling bahay na sila ngayon sa Cagayan at may negosyo kaya hindi na niya kailangan ng lalaki sa buhay niya.
Panganay siya sa apat na magkakapatid, malalaki na din naman sila. Ang kanyang mga kapatid ay may kanya kanya ng pamilya. Siya nalang ang wala pa. Kaya ipinagawa na niya ng bahay ang mga magulang niya. Ito lang naman ang nagbibigay ng lakas sa kanya sa araw araw na buhay.
Next week na ang uwi niya ng Pinas, pero wala pa siyang planong umuwi ng Cagayan. Hindi dahil sa hindi pa siya makamove on kundi ayaw na niya talagang makita sina Patrick. Ewan kung ano ang mararamdaman niya oras na makita niya ang mga ito. Siguro malaki na ang anak nito kay Gladys. Lagi pa rin naman nagchachat ito sa kanya. Ini-ignore nalang niya.
Kaya balak niyang sa Maynila lang muna. Ang sabi naman ni Mikey may ante din naman ito doon kaya doon niya balak munang magstay. Si Mikey kasi sa makalawang linggo na din uuwi. Magkasunod na linggo lang sila.
Hanggang sa makatulugan na niya ang pag-iisip. At maaga pa siyang gigising bukas araw ng Linggo at may part time pa sila ni Mikey sa may Little Manila ang Filipino Community sa Dubai.
Oo may part time sila doon. Sa kaibigan nilang may stall ng panindang siomai. Halos mga filipino ang mga naroroon. Lahat ng mga filipinong nagtatrabaho sa bansang Dubai pag offday ay laging andoon kaya hindi nakakaboring at maeenjoy ka. Hindi katulad sa Saudi dati nasa bahay lang siya hindi nakakalabas.
Kaya mas matagal siya dito sa Dubai. 4 years na.
Si Mikey na kasa kasama niya mula sa bansang Saudi. Kasama niya rin ito ng mapagdesisyonan nilang mag cross country sa bansang Dubai. Kasama niya sa lahat maging sa accomodation na tinutuluyan nila at maging sa iisang kwarto. Ang dami nilang hirap na pinagdaanan. Pati sa kalokohan. Concern ito parati sa love life niya. Gandang ganda kasi ito sa kanya. Akala nga niya tibo ito dahil sa boyish style nito pero hindi pala, ganito lang talaga ito pero babae talaga ito. Iniririto nga siya sa kung sino sinong mga kasamahan nitong lalaki maging sa mga Arabo. Sayang daw kasi ang ganda niya. Pero sa kanya ayaw niya muna. Ewan wala pa talaga siyang kainte-interest.
Nagtatrabaho din ito sa isang restaurant na nasa loob ng mall pero isa itong waitress samantalang siya chef assistant na. Sa apat na taon ba naman sa iisang kompanya. Ang italian restaurant ni sir Ting. Ang may-ari ng restaurant na iyon at mismong chef sa sariling restaurant.
Nagising siya kinabukasan at maaga ng pumasok sa part time.
Tuwing Linggo lang ang off day niya at swerteng nakahanap ng part time. Ayaw kasing pumayag ng boss Ting niyang mag off day siya ng Byernes. Dagsaan kasi ng tao dahil kadalasan special day ng mga muslim.
Mabilis ang mga kilos niya sa pag-mix ng sauce at ang steamed siomai. Meron din umuorder ng fried, depende sa customer. Sina Mikey at isang kasama nilang si Clark ang nagseserve siya naman tagaluto. Lagi kasing marami silang customer. Marami ding ibang stall doon, merong french fries, kwek2x at kung ano ano pang mga pinoy foods.
“Megan.” Ani Mikey ng makalapit sa kanya. Kagagaling lang nitong magserve ng order. “May nagpapapunta sa iyo doong customer oh.” Turo nito sa isang lalaki na hindi naman masyadong katandaan. May mga kasama ito.
“Ano daw kailangan?”
“Baka sa pagkain na ginagawa mong siomai mukhang interesado.”
“Ha? Hindi naman ako ang gumawa ng siomai tagagawa lang ako ng sauce.”
“Basta, puntahan mo na. Sandali lang naman eh. Ako na muna bahala rito.”
Napabuntong hininga na lang siya. Nakabitin na kasi sa ere ang mga umuorder.