Kararating lang nila sa hotel na tinutuluyan kanina. Dumaong kasi ang kanilang barko sa bansang Dubai, ng alas 3 ng madaling araw. At uuwi na siya ng Pinas next week.
Sa larangan ng kanilang trabaho sobrang pagod ang mga dinadanas nila. Ang pagiging seaman.
Sampung taon na siya sa larangan na ito. At ngayon sa awa ng Diyos tumaas na ang kanyang ranggo. Isa na siyang Chief Mate at isang rank nalang magiging kapitan na siya ng barko.
Kasa kasama niya si Billy parati ang kanyang kanang kamay. Ordinary seaman lang ito. Pero malapit na ring magkaroon ng rango. Pahinto hinto kasi ito. Hindi katulad niya tuloy tuloy.
Hindi niya akalaing sa paglipas ng ilang taon simula ng nalolong siya sa ipinagbabawal na gamot dahilan lamang sa isang babae. Ay nakamit niya ang lahat ng tagumpay ngayon. Ito ay dahil kay JM. Kahit na pangit at masalimoot ang ibinigay na nakaraan sa kanya ni Arlene, si JM lang ang naging maganda. Ito lang ang nagbibigay ng inspirasiyon sa kanya. Buti nalang iniwan ito ni Arlene sa kanya. Na umalis para lang sa kagustuhang magpunta ng Japan. Ang sabi para daw sa kanilang kinabukasan
Ngunit wala pang isang taon ito, anim na buwan lang doon ay nakapag-asawa na ng hapon. Kaya labis siyang nasaktan sa mga katulad nitong paasa. Kaya naisumpa niya sa araw na iyun, hinding hindi na siya magpapaloko sa isang babae lang. Hindi na kayang paikotin at paasahin ang mga katulad niya. Kundi siya na lang ang gagawa para hindi na masaktan ulit.
He always flirt kapag naghahang-out sila ng mga kasama niya sa trabaho or even with his friends. But he never pay, kusang lumalapit lang ang mga ito sa kanya. Syempre sino ba ang hindi maakit sa charm niya? Even stewardess, models, even actresses. Walang magiging kawala sa charm ng isang RJ Manalo. Kaya ang bansag sa kanya parang nagpapalit lang ng damit kapag nagpalit ng babae.
Pero ang totoo may hinahanap siya sa isang babae, but he always encountered a wrong one. Gusto lang din ng mga ito ng one night stand. Its just a fling, just a lust. Kaya ba’t pa magseseryoso? Kung naglolokohan lang.
But now he ended up sitting alone in the corner. Ang sabi ni Billy sa kanya sasamahan ito para makipagkita sa jowa nito. Pero ito siya ngayon nag-iisa sa upuan. Maraming mga stall na nakahelera. Nasa Little Maynila pala siya dito sa Dubai. Kung saan dinadagsa ng maraming kababayan nila ang lugar na ito.
He ordered siomai and ice tea.
Maraming nagpapacute sa kanya, but not now dahil hindi pa siya nakamove on sa last girl na naikama niya nong nakaraang linggo si Gezel. Hindi lang pala one night stand ang gusto nito, kundi ang magpalive in sa kanya. He even not interested if being a sugar daddy at all. Sa edad niyang 35, marami pa siyang ma-e-encounter na babae na mas bata at maganda pa kaysa rito. Maganda naman ito, nagtatrabaho daw sa isang hotel dito din sa Dubai. But not his type to settle down.
Minsan nga meron ding babaeng willing magbayad sa kanya makuha lang ang kanyang katawan, mga couger. Natatawa nalang siya sa isiping napakababa naman ng klaseng ganyang tao. Sabihin nalang nating hayok din naman siya sa laman but he is very choosy one. Ang gusto din naman niya may standard.
Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip nang mapansin niya ang isang babae. Papalapit ito sa isang mesang may mga lalaki, hindi naman katandaan ang mga lalaki. Mukhang mapera ang mga ito base sa mga hitsura. Nasa kabilang table lang ang mga ito malapit sa mesa niya.
Nakasuot ito ng ripped jeans na hapit na hapit sa magagandang hubog ng mga hita nito maging ang balakang, black t-shirt na kahit nakasuot ng apron ay mababanaag pa rin ang malalaki nitong hinaharap. And he stares the beautiful face na parang familiar sa kanya pero hindi niya lang matandaan kung saan at kung kailan.
Maybe one of his girls?
Nope!
Sa dinami dami ba namang naging babae niya, hindi na din niya matandaan ang mga mukha ng mga ito o kahit nga ang mga pangalan.
She looks like a filipina actress Angel Locsin. Pati yung dating at ang hubog ng katawan. s**t!
Mas matangkad nga lang ito tingnan, dahil payat. Ang taba na kasi ni Angel.
Hindi naman niya type ang actress pero itong version ni Angel hanep ang dating.
“Yes po sir?” Anito ng makalapit sa mesang yun. Nakangiti.
Mukhang hitsura ng bibigay din. Basta nakatingin lang siya.
“Hi miss?” Anang isang lalaking mesteso ang dating. Nakangiti rin. “Ikaw ba yung gumawa nitong siomai?”
“Ahhh hindi po sir, ini-steamed ko lang po or fina-fry kapag may nag-oorder.”
“Why you never serve?”
“Hindi na po sir meron na po kasing dalawang tagaserve. Ako lang po yung tagaluto.”
“Ahhh your the owner?” Parang napi-flirt ito sa babae. Maging ang babae rin pero hindi naman mukhang halata.
She’s not aware he is flirting with her. Anang isip niya habang nakikinig at nakatingin lang sa mga ito while sipping his ice tea.
“Hindi po sir, part time lang po ako dito.” Sagot ng babae sa lalaki.
“Ahmmm if you don’t mind? You want some more part time?” Anang lalaking hininaan lang ang huling sinabi ngunit naririnig pa rin naman niya. Ngising ngisi ito.
Samantalang ang babae patuloy pa rin namang ngumiti dito.
“Come here?” Anang lalaki na sininyasan pa ang babaeng ilapit rito ang mukha.
Sayang! Napapadismaya siya. Mukhang game din kasi ito.
“Tell me?” Patuloy ng lalaki na nakikita niyang nag-aakit. “How much? Magkano ka ba?”
Napatigil naman ang babae. Medyo lumayo. Kaya napatitig siya. Mukhang nag-iba ang expression ng mukha nito. Nakita niyang senenyasan din nito ang lalaki na lumapit din daw kamo rito.
“Hali po kayo sir. May sasabihin po ako sa inyo.”
Saka tumalima naman ang lalaki rito. Inilapit ulit ang mukha sa babae.
“Alam niyo po ba kung ano talaga yung totoong trabaho ko?” Anang babae.
“Hindi.” Sagot naman ng lalaking interesadong interesado ang mukha. “Pero okay lang kung sasabihin mo sa akin kung ano. Para masundo sundo na rin kita at magiging regular na tayo.” Sabay ngising ngisi.