Chapter 3: Knight and shining armour

1219 Words
Tangna! Kinikilabutan talaga siya sa naririnig sa lalaking kaharap ngayon. Pero hindi naman siya bastos para basta basta niya lang susugurin sa mga nakakadiring pinagsasabi nito. Timping timpi lang siya at may paglalagyan ito ngayon. Pero sa narinig ay nanggigigil na siya sa galit. “Isa po akong chef!” Aniyang timping timpi na pero nakangiti pa rin. “Talaga?” Anang lalaking sarap ng sapakin sa kakatingin sa kanya. Mukhang hinuhubaran na siya ng tingin nito. “Oo!” Saka napatayo siya ng matuwid at dahan dahan siningalan ang manyak na kaharap. “Kaya kahit ilang putahi pa lulutuin ko sa kusina ko ay kayang kaya ko! Kahit nga yang dalawang itlog mo! Ay kayang kaya ko ring gisahin doon gago ka!” Kaya tuluyan na siyang sumigaw. Hindi na siya makapagtimpi sa ngisi nito. Nanggigigil na siya sa sobrang galit. “Hayop ka anong akala mo sa akin bayarang babae?” Susugurin na sana niya ito ng bigla siyang pigilan nina Mikey at Clark. “Megs!” Biglang awat ni Mikey sa kanya. Sasapakin na sana niya ang manyak na lalaki. “Bwesit tong manyakis na to. Yawa!” Aniyang gigil na gigil sabunutan ang hayop na manyakis. “May pa how much how much pa ang yawa! Naku!!!!” Nakapagbisaya siya ng wala sa oras. Mukhang medyo natakot lang ang mga ito. Kaya nong sugurin niya ay umilag yung lalaking nag-aya sa kanya. Pero andon pa rin yung asar na tawa. Pati mga kasama nito tawang tawa rin. “Hindi mo rin alam kung anong mga trabaho namin miss kaya dahan dahan ka sa pananalita mo!” Anang lalaking manyakis. Na bumalik na sa maayos na upo. “Wala akong paki!” Singhal niya. “Alam ko na kung anong trabaho mo. Mukha kang pulis na mangungutong!” Sabay tawa. Kita niyang naasar ito. “Tapos naghahanap kayo ng mga hooker. Naku! Huwag kayong umuwi ng Pilipinas. Patay jud mo ni PRRD!” “Adik lang pinapapatay niya.” “Bakit? Hindi ka ba mukhang adik?” Singhal niya ulit rito sabay tawa. Mukhang ito naman ang napikon sa sinabi niya. “Hindi mo ba alam kung anong trabaho ko? Kapitan lang naman ako ng barko!” Anitong nakatayo na. “Oh eh ano ngayon?” Pinamewangan niya ito. “Mukha ka ngang kapitan talaga. Kapitan ng barangay. Na nangungurakot ng sako sakong bigas. Ay sorey po?” Sabay takip ng isang kamay sa bibig kunwari at tawang tawa pa. Natawa na rin sina Mikey at Clark. At lahat ng tao nakatingin na sa kanila. Maging ang gwapong lalaking nag-iisang naka-upo kanina na nakatingin lang sa kanya ay natawa na rin. Samantalang ang manyakis ay asar na asar na. Todo support naman ang mga kasama nitong mukhang nga bubwit. “Talagang hinahamon mo ko miss ha?” Anitong sinipa pa ang mga upuan. Nakatayo na rin kasi ang mga kasamahan nito. Kung kanina mukhang mga mayayaman naman ang tingin niya sa mga ito, ngayon mukhang mga drug lord na. Mukhang mga gangster na myembro ng mga yakusa. Medyo na-alarma siya sa ginawa ng lalaki kaya napapaatras siya maging sina Mikey at Clark. Ngali ngali na siyang abutin ang sandok na ginagamit kanina at ipalo sa hayop na mga ito. Pero marami ang mga ito. Mga apat. “Eh...s-sino po ba a-ang mga naunang nang-asar sa atin?” Aniyang nautal utal na sa takot. Hindi siya takot kundi napapahiya siya sa mga ginagawa ng mga ito. At masira pa ang negosyo nila. “Napagkamalan ka lang namin hooker alam mo kung bakit? Mukha ka kasing hooker.” Pakshit! Sakit non ah?! Kaya napamulagat siya sa sinabi. At nasapak ito. “Wtf!” Sabay huli ng kamay niyang ginamit sa pagsapak dito at diniin talaga ang paghawak kaya nasasaktan siya. “At alam mo kaming mga seaman mahilig kami sa laman lalo pa’t dumadaong kami sa iba’t ibang bansa.” Napangisi ulit ito. “Huwag niyong gamitin ang ranggo niyo sa mga walang kwentang bagay.” Anang isang lalaking nakaupo lang kanina sa isang tabi. Sa kabilang mesa lang ito. “Bitiwan mo siya!” “At sino ka ba?” Sabay baling ng manyakis na lalaki sa poging lalaki nakialam na ngayon. “Sabihin nalang na ting ako lang naman ang boy friend ng babaeng inaasar niyo.” Sabay biglang tingin sa kanya at kumindat at bumaling ulit sa mga pangit na lalaki. Shit buti nalang andiyan si Gwapo. “Ah ikaw ba?” Sabay bitiw ng manyakis na lalaki sa kanya. “Nakaka-iskandalo kasi ang hitsura ng girl friend mo” sabay baling nito kay Gwapo at parang nanggigigil pang tumingin sa kanya saglit. Pisti! Namanhid yata ang wrist ng kamay niya dahil sa pagkakahawak ng hayop na lalaki. “Ah talaga?!” Ani ni Gwapo. “Paano kaya kung may gumagawa din na kabastusan sa mga asawa ninyo na ganyan? Matatanggap niyo ba? Or maging sa nanay niyo? Okay lang sa inyo?” Napapangisi naman ang manyakis na lalaki sabay tingin sa mga kasamahan at baling ulit sa Gwapo niyang tagapagligtas. “Una sa lahat wala kaming asawa. At ang nanay ko patay na!” Parang susugod na ito sa kay Gwapo. “Ah okay! Walang problema.” Kaya maliksi itong gumalaw na parang isang kidlat lang. Sabay sapo ni Manyakis sa ilong nitong dumudugo na. Nahintakutan naman ang mga kasamahan nito sa ginawang pagkilos ng gwapo niyang tagapagligtas. “Hindi lang yan ang mangyayari sa iyo kapag ginalaw mo kahit dulo ng daliri ng girl friend ko.” Anitong sabay bunot ng panyo sa loob ng pantalon nito at ibinalot sa kamao nitong dumugo na dahil sa pagkakasapak sa manyakis na lalaki. At nagsialisan nalang ang mga ito bigla. Kaya naalarma siya at dali daling kinuha ang first aid kit sa may lagayan sa baba ng stall nila. Maging sina Mikey at Clark ay napatda din sa nangyari. At ang mga tao din ay napatigil at nakatingin sa kanila. Pagkaalis ng mga ito ay nagsi kanya kanya ding bumalik sa kani kanilang mga puwesto kanina. Pagkakuha sa first aid box ay pinuntahan niya ang lalaking nakaupo na pala ulit sa mesa nito. “Oy?” Aniya ritong sabay hawak sa kamay nitong nakabalot ng panyo at dahan dahang tinanggal. “Salamat nga pala ha. Sa pagtatanggol mo sa akin kanina.” Sabay ngiti rito. Napapatitig siya sa mukha nito para lang kasing familiar. At kamukhang kamukha pa nito ang type na type niyang actor na si Ejay Falcon. Grabeh! “Walang anuman.” Anito sa seryosong mukha. Medyo napapangiwi na ito dahil sa pagpupunas niya sa bulaklak na may alcohol sa dumudugo nitong kamao. “Sa susunod, huwag na huwag ka basta bastang ngumiti sa mga hindi mo kakilala lalong lalo na pag lalaki. Hindi mo alam ang mga nasa utak nila.” Aray! Medyo na-offend yata siya sa sinabi nito. Kaya sa inis mas lalo niyang nadiin ang pagpunas ng bulaklak na ikinabawi ng kamay nito. “Pasensiya na. Na-carried away lang.” Aniyang nakangiti dito habang kinukuha ulit ang kamao nito. “Sige sige. Sisimangot na ako next time.” Sabay tingin at ngisi rito at bigla nalang nagsimangot at tinaas pa ang isang kilay. “Ganito ba?” Kaya ipinagpatuloy nalang niya ang ginagawa ng makitang hindi ito natutuwa sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD