Chapter 4: see you soon Philippines

1109 Words
“Ang gwapo naman nong tagapagligtas mo?!” Ani Mikey sa kanya nong makauwi na sila. Paupo na ito sa kanilang kama. Kagagaling lang nitong maligo. “Gwapo nga masyado namang strikto. Nagpapasalamat nga ako hindi naman ako nireplyan ng you are welcome.” Aniyang nakatunghay dito habang nakaupo sa computer table nila. “Binalaan pa akong huwag daw akong masyadong palangiti. Kaya next time sisimangot nalang ako.” “Naku! Nagagandahan lang yun sayo. Kunwari lang yun. Pero nagwagwapuhan ka ano?” “Kamukha lang niya ang idol kong si Ejay Falcon. Bukod doon wala na.” Aniyang tumayo na at kumuha ng tuwalya. Saka pumasok na sa loob ng banyo. Pagkapasok ay agad siyang naghubad at naligo. Habang nasa shower ay hindi niya mapigilang maisip ang nangyari kanina. Sino kaya ang lalaking yun? Bakit parang familiar yung hitsura. Have they meet before? May asawa na kaya ito? Parang wala naman, wala kasi siyang makitang suot na sing sing sa mga daliri nito. Bakit kaya siya iniligtas nito? And take note girl friend daw siya nito ha? Nakakaloka! Kunwari lang oi? Asa ka pa. Maganda ka lang pero hindi ka artista. Maganda nga niloloko naman. Hayyyy sa dinadami ba naman ang dapat isipin sa araw araw bakit hindi nalang niya isipin ang pag-uwi niya? Ano kaya mga bibilhin niya? Siguro pagkatapos ng trabaho niya bukas magsho-shopping siya ng bibilhin. Masyado na kasing nakakapagod ngayon. Kaya tinapos na niya ang kanyang pagliligo at ng makatulog na. Pagkalabas niya ng banyo ay nadatnan niyang naghihilik na ang kanyang kaibigan. Napapailing nalang siya. Kahit kailan talaga si tulog to eh. Mas matanda siya ng dalawang taon kay Mikey. Hindi pa naman siya inaantok kaya kinuha niya ulit ang kanyang kino-compose na kanta at ang gitara. Isa sa hilig niya ang kanta. WALA naman siyang balak na tulungan ang babae kanina. Kaya pagkasend ng video kay Billy dahil nakuhanan niya ito sa part na lumalaban na ang babae sa mga lalaki. Bigla lang nagpanting ang teynga niya sa narinig na ginagamit nito ang katungkulan para magmaliit ng tao. Kaya hindi na siya nakatiis at tinulungan na niya ang babae. Siguro nasa ibang barko ang area ng mga ito kaya hindi niya kilala. Kung totoong kapitan nga ito ng barko? Muntikan ng magrambulan kaya wala siyang pakialam. Bukod kasi sa isa siyang seaman magaling siya sa taekwondo, martial arts at regular din siya sa gym. Kaya sa tingin niya kayang kaya niya ang mga gong gong na ‘yun. Na-amuse siya ng gamutin siya ng babae. Pero hindi niya ipinahalatang naapektuhan siya sa ginagawa nito. Ganito lang talaga siya masiyadong tahimik, pero nasa loob ang kulo. Mas gusto niya yung isang beses lang sinasabi at hindi na kailangan ulit ulitin pa. Hindi tulad ni Billy kalalaking tao pero madaldal. Siya kasi isang tanong isang sagot, kumbaga hindi din naman masyadong tahimik. Wala sa isip niya ang sabihin ang mga salitang ‘yun sa babae kanina. “Sa susunod, huwag na huwag ka basta bastang ngumingiti sa hindi mo kakilala. Lalong lalo na paglalaki. Hindi mo alam kung ano ang nasa utak nila.” Sa totoo lang wala siyang karapatan dito kung sino man ang ngingitian nito. Basta kusa nalang lumabas yun sa kanyang bibig. Mukha din namang hindi tinablan ang babae. Nagpapatawa pa nga. Kaya lalo siyang naakit sa maganda nitong mukha. Very funny! Aniyang ngayon lang napangiti sa naisip nitong hitsura kanina. Pero nong kaninay kaharap niya seryoso naman ang mukha niya. Pa-iling iling nalang siyang ipinagpatuloy ang pagliligo. Pagkalabas ng banyoy nadatnan na niya si Billy. Kauuwi lang galing sa labanan. Kaya kitang kita niya ang pagod nitong hitsura. “Grabeh bang gyera?” Aniyang nagpupunas ng tuwalya sa buhok. Topless lang siya at naka-pyjama. Kaya kitang kita ang six pack niya. Napatawa ito. “Parang sa isang taon kaming hindi magkikita ‘yun.” “Wow!” Napatawa na siya. Kaya dumiritso na siya sa kama. “Sino yung sinend mo kanina na video? Mukhang ang hot ah?” Anitong kinuha ang cellphone nito at pinanood ang video. “Hindi ko kilala, basta na-videohan ko lang.” Aniyang nilalagyan na ng benda ulit ang sugat sa kamay. Hindi man lang niya naitanong kung ano ang pangalan nito. “Anong nangyari diyan?” Anitong napatingin sa kanya saglit. “Napalaban ka?” Tumango lang siya. “Dahil kay?” Saka ibinaling ulit ang mata sa cellphone. “Siomai Girl?” Napatawa siya at tumango. Kung ano ano nalang kasi ang bansag ni Billy sa mga na-e-encounter niyang mga babae. Pero yung girlfriend nito hindi mana lang mabansagan. KINABUKASAN na ang uwi niya ng Pinas. Kaya inilagay niya ng maayos sa loob ng maleta niya ang nga dapat dadalhin sa pag-uwi. Yung binili niya nong nakaraang araw ay mga package yun na inilagay niya sa cargo box. Kaya doble gastos niya may pa-cargo at bagahe. Di bale na kasi papuntang Cagayan yung sa cargo ang bagahe sa kanya dahil wala pa siyang balak umuwi. Mag-e-stay muna siya siguro mga dalawa or tatlong buwan muna siya sa Maynila at isang linggo lang sa Cagayan. At nagpa-ayos din siya ng buhok kanina sa parlor. Nagpakulay siya ng hazel brown na hanggang likod niyang buhok at naglagay na siya ng bangs na medyo natatakpan ang kanyang mga mata. Sabi ni Mikey lalo daw siyang gumanda. “Ano ba yan?” Ani ni Mikey na mangiyak ngiyak. “Hoy! Ano ka ba Mikey? Mukhang hindi ka uuwi next week ah? May paiyak iyak ka pa talagang nalalaman?” Aniyang natatawa. Boyish nga ito astig pero napaka soft hearted din naman. “Mamimiss lang naman kasi kita ng isang linggo.” “Harujusko! Eh deh pag-uwi mo next week saka nalang ako papasyal hintayin kita.” “Sabi mo yan ah? Saka nalang tayo lalabas mag-iinuman tayo. Tagay tagay dai!” “Oo ba.” Aniyang tawang tawa sa inasta nito. Hindi naman ito bisaya pero nakikisabay ito sa salita niya, minsan napapagaya pa nga. Kaya dai naman tawagan nila. Sa restaurant naman kanina ay may pa-cake pa si sir Ting sa kanya. May konting handaan. Para daw yun sa good journey. At gusto niyong makauwi siya ng safe and sound. At makabalik agad dito sa Dubai. Narinig na naman niya ang sabi nitong see you when I see you. Mamimiss niya ng ilang buwan ang mga kasamahan at naging kaibigan niya sa trabaho. Pati na rin ang propisyon niya. Siguro kung makakauwi din siya sa kanila, ang ipinatayong restaurant sa Cagayan nalang din muna ang pagtotoonan niya pero andon naman ang papa niya, mas magaling itong chef kaysa sa kanya. Sa Maynila muna siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD