Nagulat at hindi siya makapaniwala sa narinig mula kay RJ. Kung ganun, napakalaki niyang tanga. Marami talagang namamatay sa maling akala. “At si Clarissa?” Nang maalala niya ang sinabi ni Arlene sa kanya tungkol dito. “What about Clarissa hon?” “Buntis siya.” “Oh eh ano ngayon?” Anito na parang baliwala lang. “Oh eh ano ngayon? Pagkatapos mong pagsawaan? At buntisin? Tatakasan mo na? Tulad ng nangyari kay Arlene? At ako? Kailan mo ko iiwan? Pagnabuntis mo na rin ako? Kaya naman pala gusto mo kong balikan ngayon ano? Dahil hindi pa naman ako buntis kaya-“ Naikuyom bigla nito ang mga kamao kaya napatigil siya ng mahina nitong sinuntok ang kanilang lamesa. Pati panga nito nakakuyom parang nagagalit. “Ganun na ba talaga ang tingin mo sa akin Megan?” Anito sa nang-uuyam na tanong. “Bak

