Chapter 19: Kissing with you

1215 Words
Nasa loob na sila ng VIP room lahat maliban kay Megan na nagpeperform pa. Kararating lang din ni Ken. Galing pa daw itong Bicol at dumiritso na rito. Mukhang galing to sa gyera at di maganda ang hitsura nito ng makipag punch fists sa kanila. Maging si Alex din naman. Mula pagkarating nito dito ay parang ginawang tubig lang ang alak. Si Mikey nasa kabilang upuan mukhang may iniiwasan. Siya namay busy lang sa kanyang cellphone. “LDR ka na pala ngayon RJ?” Ani ni Ken na umupo sa kanyang tabi. Kaya nagtataka siyang napatingin dito. “Milagro yatang wala kang ka-date sa pakikipagkita sa amin ulit at ang cellphone mo ang inaatupag mo?” Anito saka nilagok ang alak na ibinigay ni Billy rito. “Anong wala?” Ani ni Billy na biglang sumabat sa usapan. “Anong una mong napansin pagpasok mo dito Ken?” Napaisip naman si Ken. At maya maya bigla itong nasamid at napatingin aa kanila ni Billy. “Oh di bah? Gets mo na agad.” Ani ni Billy. “Hindi yan pwedeng mawalan, si RJ pa? Pero ang sabi naman hindi raw. Wala naman daq silang relasyon pero pinatira niya sa condo niya.” Anitong binulong lang dito kay Ken ang huling sinabi pero narinig pa rin niya. “Hanep ah?” Sabi naman ni Ken. Saka sumiplat ito kay Mikey na ikinaismid naman ni Billy at biglang bumusangot ang mukha nito. “Ewan!” Ang tanging nasagot nito at nagpatahimik saka umupo nalang ulit at sumimsim ng alak. Hanggang sa nagkasarapan sila sa pag-iinom. At pumasok ang babaeng laging laman lang naman ng kanyang utak. At ang babaeng tinitingnan niya ang f*******: account nito. Para siyang stalker. Nang makapasok itoy hindi niya mapigilan tumitig. Parang kay sarap namang halikan nito. Kaya napaayos siya ng upo ng itoy lumapit at tumabi sa kanya. Habang si Alexander ay hindi na napigilang ilabas ang sama ng loob. Nagkita lang naman daw sila ng ex nito. Na minahal nito ng lubusan dati. Maging magpahanggang ngayon. Pero ang masakit, may asawa at anak na daw ito ngayon. Kaya walang kasing sakit ang nararamdaman nito. Alam niya ang pakiramdam ni Alex, napakasakit sa part na ang babaeng minahal mo ng lubusan ay ikinasal sa iba. Yun din ang naramdaman niya kay Arlene dati, dahil yun din ang ginawa nito. Magkasama kayong nangarap pero sa iba ikinasal kahit pa may anak sila. Sina Alex at ang ex nito ay wala. Pero nakamove on na naman siya kay Arlene ngayon. Pero parang nanganganib naman siya sa bago niyang nararamdaman sa ka housemate niya ngayon. Sana huwag ng maulit na masaktan siya tulad ng dati. Hanggang sa nagpaalam ng umuwi si Ken na pinipigilan naman ni Alexander. Lasing na lasing na ito kaya kung ano ano nalang ang lumalabas sa bunganga. Inalalayan naman ito ni Mikey ng makaalis na si Ken. Dahil gusto daw nitong mag restroom pero hindi na pala kaya. Napapahikbi nalang ito habang isinisigaw ang pangalang Mel. Siguro Mel yung pangalan ng ex nito pati ang katagang mahal pa rin kita hanggang ngayon. Kaya naman nagkaayaan na silang umuwi. At pinagtulungan pa nga nina Billy at Mikey na kargahin si Alex dahil sa bigat nito, ipinahatid na niya ito sa bahay nito at hindi nakaligtas sa kanya ang pagbabangayan nina Mikey at Billy sa isa’t isa. Mukhang ang bigat talaga ng dugo ng mga ito sa isa’t isa kaya ang naagrabyado ay ang kawawang walang malay na si Alex. Puro bogbog aabutin nito bukas. Dahil sa bigla nalang itong nilalaglag tapos sasaluhin na naman. Ewan niya sa dalawang ito. Napapailing nalang siya. Samantalang sila ni Megan ay pauwi na sa kanilang condo. Parang feeling niya lang asawa niya ito. Nang makarating na sila sa parking lot ay parang namataan niyang nakita sina Arlene at ang asawa nito. Hanggang nasa may bungad na sila ng elevator. Eksakto namang parang sasakay din ang mga ito, kaya iginiya si Megan at dali daling pumasok sa loob ng elevator. Tumitig muna siya rito na ikinagulat nito. Nagtatanong ang mga mata nito. NAGULAT siya sa ginawa ni RJ sa kanya ng makapasok na sila ng elevator. Tumitig ito sa kanya ng taimtim. Kaya abot abot ang kabang nadarama niya. Kahit nong pag-upo nga niya rito kaina ay inabot din siya ng sobrang kaba. Dahil wala lang gusto niya lang iparamdam dito na special ito sa kanya pero parang masyado naman siyang bumigay parang hindi naman nito nagustuhan. Pero sa ginawa nito ngayon. Grabeh! Parang gusto niyang himatayin. Bigla siyang isinandal nito sa pader ng elevator buti nalang may sandala kung hindi baka babagsak siya sa ginagawa ni RJ. Napapalunok pa siya ng dahan dahan nitong ibaba ang mukha nito sa kanya. “Please do me a favor?” Anitong nakikiusap at nangingislap pa ang mga mata. Sabay itinaas pa talaga ang dalawang niyang kamay sa kanyang may bandang ulo. Sino ba ang makakatanggi dito? Jusko! Go on! Alam naman niya hahalikan siya nito. Kaya napapikit siya. Sabay niyang naramdaman ang paglapat ng mainit nitong labi sa kanyang labi. Nang may mga taong bigla namang pumasok sa loob ng elevator. Kaya gusto niyang itulak si RJ. Pero naging mapusok ang mga halik nito. Oh s**t! Ang sarap at ang lambot naman ng mga labi nito parang nauuhaw din siyang gumanti. Kaya pinatuloy niya ang kaninang pilit kumakatok na dila nito. Ang sarap lang sa pakiramdam na hinalikan ka ng lalaking laging laman ng iyong isip gabi gabi. Oh RJ! Anang isip niya. Parang kay lalim na ng nararamdaman niya rito. Hindi naman siya ganito dati maging kay Patrick. Hanggang halik lang ang feelings niya. Pero kay RJ mukhang handa na siyang bumukaka. Bigla silang kumalas ng may mga taong tumikhim. Dalawang tao ang nakita niya isang napakagandang babae at isang hapon. Namumula pa ang mga pisngi sa hiya. Si RJ kasi eh?! Siguro mag-asawa ang mga ito, dahil naka-abri syete ang babae rito. Maya maya habang umaandang ang elevator na hindi nila namalayang naisarado na kanina at may pumasok pa. “Kumusta ka na RJ?” Ani ng magandang babae rito sa kasama niya. Malay ba niyang RJ din ang pangalan nong hapon? “Arlene! Ikaw pala?” Si RJ na napatikhim pa parang kinakabahan ito. “Heto ok pa rin. Ikaw? Kmsta? Ito pala yung asawa mo?” Kilala niya si Arlene. Nababanggit ito ni Billy minsan, ang ina ni Jm. Ito pala si Arlene. Parang may biglang tumarak na punyal sa kanyang dibdib sa napag-alamang dito din pala nakatira si Arlene, ang ina ng anak ni RJ at ang babaeng dating minahal nito. “Oo, okay lang din kami. Kumusta si JM?” Tanong nito sa anak ni RJ. “Bakit hindi mo sinasagot ang chats ko at tawag maging ang mga texts? Nagtatanong ako tungkol sa anak ko.” Anitong parang kalmado pa rin dahil ayaw sigurong pinahalata sa kasama nitong hapon. “He is fine. Minsan dalawin mo din sa Ilocus Arlene. Andoon lang yung anak mo. Maayos ang pagpapalaki namin sa kanya.” Nakita niyang biglang imigting ang mga panga nito. Para yatang sinasakal siya sa isiping andito lang pala yung ex nito. Sa iisang condominium. Kaya kahit nong makapasok na sila sa loob ng bahay ay wala na naman silang imikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD